TINIGTIGNAN ko lang si Harry habang natutulog ito sa tabi ko. Kahapon pa ako nakalipat dito sa bahay nila.
"Ang gwapo mo talaga, Bakla. Crush na talaga kita ee napaatras lang ng malaman kong bading ka pala." Sabi ko kahit tulog pa ito.
Hinalikan ko siya sa labi at niyakap ng sobrang higpit. "Sana talaga lalaki ka na lang. Mahirap kang mahalin e, bading ka kasi."
"Hm."
Napatingala ako sa kaniya, nagmulat ito ng mata at napatingin sa akin.
"Good morning, Bakla."
"Morning, bakit ka nakayakap, Babae?"
Napahiwalay ako sa kaniya. "Wala naman."
Tumayo na ako at tumingin sa kaniya. "Bumangon ka na para sabay na tayong kakain."
Nauna na akong lumabas ng kwarto saka pumunta ng kusina. Nakita ko kaagad si Tita Hannah na naghahanda ng almusal.
"Good morning po, Tita Hannah."
"Good morning din, Drecia. Maupo ka na dito at kakain na niyan tayo."
Sumunod na lang ako. Pagkaupo ko ay napatingin ako sa mga nakahain.
Natakam ako bigla ng may makita akong bacon at hotdog, pero parang may kulang.
Tumingala ako kay Tita. "Hm... Tita?"
"Bakit drecia?"
"Hm... May... May mustard sauce po ba kayo dito?"
Natawa ito. "Buntis ka nga. Oo meron, sandali ipagkukuha kita."
Habang hinihintay ko si Tita Hannah ay sumakto naman na sabay pumasok sa Dinning Area si Tito George, Harry, at Harrison.
"Good morning po."
"Good morning din." Bati nila.
Umupo sa tabi ko si Harry, napakurap na lang ako ng may naglapat na malambot sa pisngi ko.
Pagtingin ko kay Harry ay malapit ang mukha nito at nakatingin pa sa akin. Inilapit nito ang labi niya dahilan para sumakto sa labi ko.
"Harry..."
Inilapit nito ang labi niya sa tenga ko. "Pretend." Bulong nito.
Parang bumigat ang loob ko dahil sa sinabi niya. Umayos na lang ako ng upo at napatingin sa mga katabi namin.
Nakangiti silang pareho, pero yung kay Harrison parang nanunukso.
"Ito na, Drecia."
Napatingin ako kay Tita Hannah na papalapit habang hawak yung mustard sauce. Natakam ako lalo.
"Thank you po, Tita Hannah."
"You're welcome, kumain ka lang ng marami." Sabi nito.
Kumuha ako ng bacon at hotdog saka kaagad isinawsaw sa mustard. Kakainin ko na sana ng magsalita si Harry.
"What are you eating, Woman? Nakakadiri!"
Napabaling ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin. Saka padabog na kinuha yung plato ko.
"Excuse po." Paalam ko bago ako umalis.
Pumunta ako sa living room at doon kumain. Wala naman nakakadiri sa kinakain ko ah! Kainis siya!
HARRY
"WHAT MOM?" Masama kasi ang tingin nito sa akin.
"Anong what? Buntis ang girlfriend mo syempre ganon ang gusto niyang kainin. Ganon talaga makikita mo."
Natahimik ako bigla. Ganon pala 'yon? Sorry Drecia.
"Stand up and go to her. Apologize now." Utos nito.
Tumango ako. "Excuse me."
Tumayo ako at pinuntahan si Drecia. Niyakap ko siya patalikod, ginawa ko to dahil alam ko na nanonood sila.
"Anong ginagawa mo, Bakla? Doon ka nga!"
"I'm so sorry, Marie." Malambing na saad ko.
Humarap ito sa akin. "Puwede ba! Huwag mo akong idaan sa palambing mo!"
"Sorry na, Babae."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Isa pang lait mo sa pagkain ko, ihahampas ko sayo tong plato."
Napalunok ako. "Yes Marie."
"Good. Kiss mo muna ako." Utos nito.
Lumayo ako bigla. "Yuck!"
"Akala ko ba nanghihingi ka ng sorry?"
"Oo pero walang kiss."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Ganon ah? Sige hindi tayo bati."
"Woman!"
"Ano?"
"Sorry na kasi e."
"Kiss mo nga kasi ako." Busangot na sabi nito.
"Fine." Hinalikan ko siya sa pisngi.
"Bakit sa pisngi?" Tanong nito.
"Bakit? Saan mo gusto?"
"Sa labi."
"No way."
Ngumiti ito bigla ay hinawakan ako sa magkabilang pisngi. "Yes way, Bakla." Saad nito at bigla na lang akong hinalikan sa labi. Oh My Gosh! Woman!