CHAPTER 12

558 Words
PAGGISING ko kanina bago ako umalis ay nagpaalam ako sa parents ni Harry, Pinahatid pa ako ni Tito George sa bahay, baka daw mag-alaal si Harry. Bakit naman mag-aalala ang baklang yon? Hindi naman kami. "Ang aga mo yata, Marie?" Bungad na tanong ni Mama. "Wala naman, Mama." Natatawang saad ko. "Magpapalit lang po ako ng damit, aalis din kaagad ako." Paalam ko. "Osige, basta mag-iingat ka sa pupuntahan mo." Pumasok na ako sa kwarto ko, naghilamos at nagpalit lang ako ng damit bago umalis ng bahay. Pumara kaagad ako ng taxi matapos kong lumabas. Ilan minuto lang ay nakarating ako sa Mondragon Medical Hospital. Pinuntahan ko kaagad ang clinic ni Keira. "Buti kaagad kang nakapunta, nasaan si Harry?" Bungad kaagad sa akin ni Keira saktong pagkapasok ko sa clinic niya. "Tinakasan ko lang si Harry." Natawa ito at napailing. "Alam mo naman si Harry, hindi mapapakali yon at buti nakabuntis kahit bading." Napangiti ako. "Hayaan mo siya, alam naman nila Tita Hannah at Tito George na umuwi na ako. Hindi ko din naman expected na mabubuntis niya ako dahil hindi naman kami magkasundo at hindi ko expected na mangyayari sa amin ito." "Oo nga, pero nandiyan na si Baby. You both have to accept that you're pregnant." Sabi nito at may inabot na papel. Pagkatingin ko, positive talaga ang nakalagay. Tumingin ako kay Keira. "Tanggap ko naman si Baby at ganon din siguro si Harry." Magsasalita pa sana ito ng tumunog ang phone ko. Pagtingin ko ay si Harry ang tumatawag. "Excuse me, Keira. Kailangan ko na din umuwi. Thank you." "You're welcome, mag-iingat ka." Pagkalabas ko ng clinic ay sinagot ko kaagad yung tawag. "Woman." "Hm?" "Where the hell are you? Pagkagising ko wala ka sa tabi ko." "Nagpapanggap ka na naman bilang lalake, siguro kaharap mo ngayon parents mo." "Yeah, I am. Nasa bahay kami ng parents mo. Now go back here." Utos nito. "Oo na po." ** PAGKARATING ko sa bahay ay nadatnan ko sina Mama na kausap sina Tita Hannah. Bumeso ako bago umupo sa tabi ni Mama. "Marie, sit beside me." Utos ni Harry. Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod. Yumakap ito bigla sa bewang ko. "Ano ba!" Mahinang suway ko. Hindi niya ako pinakinggan bagkus ay humarap na ito sa parents namin. "As I said, napag-usapan namin ni Hannah na sa amin muna titira si Drecia hanggat hindi pa sila kinakasal. Puwede lang silang bumukod pag nakagraduate na silang pareho." Sabi ni Tito George. Napatingin ako bigla sa katabi ko. Napatingin ito sa akin. "What?" Nagtatakang tanong niya. Inalis ko yung braso niya at hinila siya patayo. "Excuse lang po, may pag-uusapan lang po kami ni Harry." Hinila ko siya hanggang makapasok kami sa kwarto ko. Nakapameywang na humarap ako sa kaniya. "Bakit wala akong alam na sainyo pala ako titira?" "Biglaan lang, Babae. Saka puwede ba makisakay ka na lang." Napapadyak ako. "Tangina!" "Huwag ka ngang magmura! Halikan kita diyan ee." Parang nagtaasan bigla yung balahibo ko. "Hindi ka ba kinilabutan sa sinabi mo, Bakla?" Umiwas ito ng tingin at binuksan na lang bigla ang closet ko saka kinuha lahat ng mga damit ko. Umupo na lang ako sa kama at nakamasid lang sa kaniya. "Bitawan mo nga yan!" Suway ko, hawak kasi nito ang panty ko. Natawa ito. "Kasya kaya sa akin 'to?" "Heh! Hindi magkakasya sayo yan!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD