CHAPTER 5

613 Words
PAGPASOK namin ni Kylie sa loob ng club ay pumunta kami sa gilid kung saan malapit ang dance floor. Napansin ko kaagad yung baklang malantod na nakikipagsayahan sa boyfriend niya, ang landi talaga! Ang harot! "Sa kanila tayo papunta?" Tanong ko kay Kylie. "Yes girl." Sagot nito habang hila ang kamay ko. Napatingin sa akin si Harry at sinipat pa nito ang suot ko. "Mukha kang mag-aapply ng dancer dito." Galit na tinignan ko siya. "Anong sabi mo?! Ikaw nga sobrang landi mo, isumbong kaya kita sa Daddy mo para mabugbog ka niya." Natahimik ito. Buti naman. Sobrang ikli naman kasi ng dress na pinasuot ni Kylie, konti na lang makikita na ang pisngi ng pang-upo ko. "Maupo ka na, Drecia. Ipapaorder lang kita ng maiinom mo." Sabi ni Kylie at tumingin kay Harry, "Ikaw, Bakla wala ka gustong inumin?" "Margarita will be fine." Bading nga talaga, hindi na nakakapagtaka. Sa inumin pa lang pangbabae na, tapos yung iinom binabae pa. Pasimpleng napailing na lang ako. Nang makarating ang naorder ni Kylie ay kaagad yung inumin ko. Pasimple akong tumitingin sa kaharap ko, naghaharutan pa din sila. "Sa dance floor lang ako, Drecia." Paalam ni Kylie. "Sige lang." Saad ko bago ito naglakad papuntang dance floor. Tahimik lang akong umiinom ng marinig kong humahagikgik si Harry. "Ano ba, Babe. May kaharap tayo." Napairap ako. "Don't mind me." Napatingin ako sa kanila, hahalikan na sana nung lalake si Harry ng tumunog ang phone nito. "Babe, sasagutin ko lang ito." Saad nung lalake. "Go on, Babe." Nang makalayo yung lalake ay tinaasan ako ng kilay ni Harry. "Ano?" Masungit na tanong ko. "Wala." Ilan segundo lang ay lumapit yung lalake. "Babe, I have to go. Hinahanap na ako nila Mama." "Okay, Babe. Mag-iingat ka." Naghalikan pa sila sa harapan ko. Ang laswa ng dalawang ito. Yung lalake ang payatot ng pangangatawan tapos itong si Bakla ang laki ng pangangatawan. Nang makaalis ang lalake ay humarap ulit sa akin si Harry. "Ano? Kanina ka pa nakatingin, baka gusto mo na naman ng away." "No." Sabi nito. Hindi ko na lang siya pinansin at uminom na lang ulit, sumakto naman na may lumapit na waiter sa amin. Nilapag niyo yung dalawang margarita. "Hindi po kami nagpaorder, Kuya." Singit na sabi ko. "Pinapabigay lang po sainyo ng boss namin, promo po ito." Sabi nito. "Ganon ba, maraming salamat." Tumango lang ito at iniwan kami. Ininom ko kaagad yung margarita, pakiramdam ko tuloy ay may mangyayari na hindi maganda ** KANINA pa ako napapalunok, ewan ko ba parang naiinitan ako. "Oh gosh!" Napatingin ako sa kaniya. "Bakit?" "Sira ba yung aircon nila dito? Bakit ang init?" "Hindi ko alam, kahit ako naiinitan." Napatingin ito sa akin, nakipagtitgan ako sa kaniya. Hindi ko namalayan ay napakalapit na'ng mukha namin. "Harry..." Napatingin ako sa labi niya bago ibinalik sa mga mata niya. "Beautiful." Bulong nito. "Tigilan mo ako bakla." Napakurap na lang ako ng lumapat bigla ang labi nito sa labi ko. Kusang pumikit ang mga mata ko at tumugon sa kaniya. Ilan segundo lang ay bumaba ang halik nito sa leeg ko. "Ahm.." Mas dumagdag ang sensasyon na nararamdaman ko ng kagatin niya yung leeg ko. "Ahh! Harry!" Humiwalay ito sa akin at tinignan ulit ako. "Let's go." Anyaya nito at tumayo bago ako hinila. Para itong hindi si Harry na bading. Mukha itong mas lalakeng lalake ngayon, sana lalake talaga siya yung barako at hindi malambot. Nakakapanghinayang kasi siya. ** SOMEONE's POV "MA'AM, success na po." Nagsaya ang nasa kabilang linya. "Maraming salamat, asahan mo ang ibabayad ko sayo." Saad nito. Nang maibaba nito at tawag ay nagsaya ang ginang dahil successful ang plano niya para sa anak niya
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD