PAPASOK ako sa canteen ng may biglang humila sa braso mo.
Pagkaharap ko si Harry ang humihila sa akin.
"Saan mo ako dadalhin, Bakla?"
Hindi niya ako pinansin hanggang makarating kami sa may garden.
Humarap ito na nakapameywang at tinaasan niya ako ng tingin.
"What?"
"Stay away from my twin brother, Woman."
Tinaasan ko siya ng kilay, "What? Anong ginawa ko?"
"Remember yesterday? You're with my twin."
Kung alam mo lang, Bakla.
"Sinama lang ako."
"Since when you two get close?"
"Wala." Sabi ko at tinalikuran siya.
Nagulat na lang ako ng may humila sa buhok ko. "Bakla!"
"Kinakausap pa kita kaya huwag mo akong tatalikuran!"
Humarap ako sa kaniya habang inaayos ang buhok ko.
"Hindi naman kailangan hilahin ang buhok ko." Giit ko.
"So? I don't care, Woman."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto mo bang away, Bakla?" Hamon ko.
"Oo bakit?"
"Ikaw pa tong may ganang manakit." Diin ko.
Lumapit ako sa kaniya at tumalon para hilahin ang buhok niya, kahit maliit ako kayang-kaya ko siya.
"Ouch!" Daing nito.
"Masasaktan ka pag hindi ka nag-ayos."
Naramdaman ko na hinila niya din ako sa buhok kaya sinabunutan ko siya ng madiin.
Ilan minuto lang ay naramdaman ko na lang na may naghihiwalay sa amin.
"Stop it." May matigas na boses ang umaawat sa amin.
Napatingin ako sa taong iyon. "Harrison."
Humarap ito sa kakambal niya. "Why are you hurting her?"
Dinuro ako ni Harry. "Siya ang nauna."
Susugurin ko na sana siya ng pumagina sa amin si Harrison.
"Ikaw kaya ang nauna! Ikaw ang nanabunot."
"Stop the both of you!" Suway nito dahilan para matahimik kaming pareho.
"Ang tatanda niyo na nag-aaway pa kayo. Act according to your age."
Sinamaan ko ng tingin si Harry. "Hindi pa tayo tapos, bakla." Saad ko at tumalikod na ako.
Pumasok ako sa canteen at lumapit ako sa pwesto ni Kylie ng mahagilap ko siya.
"Anong nangyari sayo?"
"Inaway ko ang kaibigan mong bakla, siya tong nauna."
"Pagpasensiyahan mo na siya, Drecia. Tignan mo yung noo mo may kalmot."
"Hayaan mo na. Gasgas lang yan."
"Sasama ka mamaya okay?"
Kunot-noo na napatingin ako kay Kylie. "Saan naman?"
"Sa Hot Empire Club."
"Okay sige. Sainyo na lang ako matutulog mamaya."
"Sure."
HARRY
"WHAT?" Masungit na tanong ko kay Harrison.
"Bakit mo sinaktan si Drecia? She still a woman. Woman doesn't deserve to hurt."
"Siya tong nauna."
"Do you want me to punch you? Babae pa din siya, ikaw lalake ka pa din kahit bading ka."
"Harrison! You supposed to be on my side."
"You don't have the right so I'm Drecia's side."
"Fine, magsama kayo ng babaeng 'yon." Inis na saad ko bago ko siya tinalikuran.
We are not yet done, Woman.