CHAPTER 1

707 Words
DRECIA MARIE Napapatingin lang ako sa mga taong dumadaan sa hallway, dahil break time na. Buti na lang kaagad nag dismissed si Prof. Jou. Dumeretso kaagad ako sa canteen dahil naramdaman ko na kumukulo na yung tyan ko. Hanggang mahagilap ng paningin ko si Kylie na may kasamang lalake. Si Kylie kasi ay isang dyosang dilag, akala nga namin noon ay barako siya. Iyon pala dyosa siya, wala naman problema yung kina Tita Zhien. Lumapit ako sa kinaroroonan nila at umupo sa harapan nila. "Ikaw pala Drecia." Nakangiting pansin sakin ni Kylie. "Nakita kasi kita na may kasama, kaya lumapit na ako." Sabi ko. Napatingin ako sa katabi niya na ngayon ay nakatingin pala sakin kaya ngumiti ako. "Drecia Montecillo, nice to meet you." Pagbanggit ko sa pangalan ko bago ko Inilahad yung kamay ko. "Harry Swift, nice to meet you too." Bago itinaggap ang pakikipagkamay ko. Ngumiti ako bago tumayo. "Saan ka pupunta?" Tanong ni Kylie. "Bibili lang ako." Sagot ko bago pumila. Nang ako na yung sumunod ngumiti ako kay ate. "Ano yung sayo ineng?" "Apat na burger, apat na coke at dalawang chocolate cake." Nakangiting sabi ko. "210 lahat-lahat ineng." Sabi ni ate. Inilabas ko na yung walet ko at kumuha ng 500 bago inabot kay ate. "Keep the change na lang po ate." Nakangiting sabi ko. Ngumiti siya. "Salamat ineng." Pagpapasalamat nito. Tumango ako bago kinuha yung isang tray ng pagkain bago lumapit sa pwesto nila Kylie. Nang mailagay ko na pumunta ulit ako sa pinagpilahan ko at kinuha yung pangalawang tray. Umupo ako sa harapan nila at inilagay lahat ng binili ko. Binigyan ko sila ng pagkain. "Salamat, Drecia." Pasasalamat nila. Napansin nila siguro na may isa pang sobra. "Para kanino yan?" Tanong ni Harrison. "Para sakin din." Sagot ko. "Seriously?" Hindi makapaniwala na tanong niya. "Yeah, saka hindi naman kasi ako kumain sa bahay e." Pagdadahilan ko. "Ang takaw mo pala." Sinamaan ko siya ng tingin. "At least sexy pa din ako." "Mas sexy naman ako." Sabi niya. Para yatang nabingi ako sa sinabi niya. "Ano? Para yatang nabingi ako sa sinabi mo." Napairap lang siya at tumayo na. "Thank you sa libre." Sabi nito bago siya umalis. Nakatingin lang ako sakanya na papalayo samin, ang napansin ko ay kung paano siya maglakad. Kumekembot? Tumingin ako sa pinsan ko. "B–bading siya?" Hindi makapaniwalang tanong ko base na din sa nakita ko. Tumango siya. "Yeah, dito lang yan nagiging bading. Pag nasa kanila lalake yan. Takot kasi yon sa daddy niya." "Sayang siya, hindi kasi halata sakanya dahil sa katawan niya." Panghihinayang na sabi ko. "Ganon talaga siya, pero may problema kasi si Harry, kailangan may maiharap siya na nobya niya sa harapan ng parents niya specially Tito George. Kung kay Tita Hannah, okay pa. Masyado kasing mama's boy si Harry samantalang yung kambal niya si Harrison daddy's boy yon." Kwento ni kylie. Graduating na kami pero Mama's Boy pa din siya? Sabagay, ganon naman yata talaga e. Kung saan ka mas close nagiging ganon ka. Buti tanggap siya ni Ma'ma Hannah. Napailing na lang ako at ipinagpatuloy yung kinakain ko. "Crush ko pa naman siya." Bulong na sabi ko. "Then seduce him." Prangka na sabi ni kylie. Napatingin ako sakanya. "No, hindi naman ako ganon kalala para magkacrush na sobra. Kumbaga parang nagwagwapuhan lang ako sakanya." Pagdedepensa ko. "Secude him, Drecia. Sayang kasi siya kung magiging bading talaga siya as in na magiging babae pa siya sayo. I know ramdam ni Tita Hannah na may mali sa anak niya kaya nung umamin daw si Harry hindi na nabigla. Pag nalaman ito ni Tito George mabubugbog si Harry." Do I have a choice? Tsk. "Okay fine." Tumayo na ako kinuha yung bag ko. "Alis na ako, kailangan ko pang pumasok sa next subject ko ee." Pagpaalam ko. "Okay. Ingat ka." Sabi niya. Napairap ako dahil sa sinabi niya. "Dito lang ako sa loob ng university, hindi ako mapapahamak." Sabi ko. "Like duh! I know, pero pinapaalala ko lang." maarte na sabi niya. "By the way, akala ko kanina jowa mo si Harry." Natatawang sagot ko. Nanlaki ang mata niyo. "Yuck! Hindi kami talo!" Napatawa na lang ako dahil sa sinabi niya. "Okay." Natatawang sabi ko bago ako lumabas ng canteen.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD