PAGKALABAS ko ng canteen ay nahagilap ko si Harry may kasamang lalake.
Nakalingkis pa ang braso nito sa lalake, ang harot ng bakla.
Napatingin ito sa akin at napairap. Napailing na lang ako at nilagpasan sila.
Narinig ko pa si Harry. "Babe, you already said yes to me. Wala ng bawian sasama ka ng club sa Wednesday."
"I will." Sabi ng lalake.
Hindi ko na narinig ang usapan nila ng makalayo na ako sa kanila.
Ang landi!
Natapos ang buong klasse ng may tumawag sa akin. "Drecia!"
Napatingin ako sa labas at nakita ko si Kylie. Lumapit ako sa kinaroroonan niya at nagulat ako ng kasama niya si Harry.
"Bakit, Kylie?" Nagtatakang tanong ko.
"Ipapahatid na kita kay Harry, same village din naman kayo."
"Huwag na, Kylie."
"Ano ka ba naman, makisabay ka na sa kaniya pauwi."
"Kylie, huwag mo ng pilitin kung ayaw. Ang arte!" Bulong nito pero narinig ko pa din.
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Anong sinabi mo?!"
"Nothing." Pairap na sagot nito.
Napairap din ako. "Fine." Napipilitan na saad ko.
"Maiwan ko na kayo." Singit na sabi ni Kylie bago umalis.
"Let's go." Sabi nito.
Nauna ito kaya napansin ko na naman yung paglalakad nito. Kumekembot talaga.
Huminto ito dahilan para mapatingin ako sa kaniya, tinaasan niya ako ng kilay.
"What are you looking?" Maarteng tanong nito.
"Wala. Ang sungit ng baklang ito." Bulong ko.
"Narinig ko iyon, FYI babae, hindi ako masungit."
"Talaga ba?" Tanong ko habang lumalapit sa kaniya.
Napansin ko kung paano ito napalunok. "O–oo."
"T–tara na nga." Pag-iiba nito bago naglakad.
Binilisan ko ang paglalakad ng may sumagi na kalokohan sa isip ko. Hinampas ko ang pang-upo nito.
Gulat na humarap ito, natawa ako ng palihim ng pinagkross nito ang mga braso niya sa dibdib.
"Oh my God! Harassment ito! Isusumbung kita sa Mommy ko!"
Natawa ako. "Ang laki kasi ng pang-upo mo, hindi ko napigilan."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Inggit ka ba babae? Like duh! Meron ka din." Maarteng saad nito.
Lumapit pa ako sa kaniya. "Hindi ako inggit. I also have butt."
Sinamaan niya ulit ako ng tingin. "Kung ganon, don't slap my butt!"
"Papaluin ko ang pang-upo mo hanggang sa gusto ko, Bakla."
Tumingin ito sa paligid at humarap ulit sa akin. "Pag ikaw narinig ka ng kakambal ko, lagot ka sa akin babae ka." Gigil na sabi nito.
Natawa ako lalo. "Tinatakot mo ba ako?"
Nasisiyahan akong makita siya na naaasar.
"Hindi, pero sinasabi ko lang."
"Oo na, tara na umuwi na tayo."
"Kahit umuwi na tayo, hindi magbabago ako isip ko isusumbong kita kay Mother. Gosh!"
Napailing na lang ako at napatawa ng palihim habang sumusunod ulit sa kaniya.