Chapter 3

1221 Words
CATTLEYA "ANO'NG nangyari sa'yo? Bakit pawis na pawis ka?" tanong sa'kin ng genius best friend kong si Stefano nang madatnan niya ako sa study area. Kaklase ko na siya mula pa noong kindergarten. "Low profile" din at nakapasok lang sa Greenwood University dahil sa scholarship. Si Stefano ang nag-iisa kong kaibigan sa buong mundo. Hindi naman kasi ako masiyadong palakaibigan. At siya lang ang nakakaintindi sa kung ano mang trip ko sa buhay. Kaya wala akong choice kundi ang ituring siyang matalik na kaibigan. "Buwis*t kasi ang Rico na 'yon, eh! Naglalakad lang ako sa hallway pero bigla niya akong hinampas ng bag," nanggigigil na sumbong ko kay Stefano. Isa sa mga kaklase naming bully at "high profile" ang Rico na tinutukoy ko."Kung hindi ba naman sira-ul*." "Eh, ano ang ginawa mo sa kaniya?" "Ayun! Hinabol ko tapos pinukpok ng sapatos sa ulo." Nanggagalaiti na pinunasan ko ng panyo ang mukha kong naliligo sa pawis. Mabuti na lang at hindi ako mahilig mag-makeup. Wala akong kailangang i-retouch bukod sa face powder. "Sa susunod, 'wag mo na lang patulan. Baka ikaw pa ang mapatalsik dito sa GWU." "Kilala mo ako, Stef. Mahaba ang pasensiya ko, lalo na kapag pag-aaral na ang pinag-uusapan. Dahil ayokong masayang ang pera ng ate ko." Nag-crossed arms ako. "Pero matagal ko nang tinitiis ang pambu-bully sa'kin ng Rico na 'yon. Sumosobra na siya kaya pinatulan ko na. Buti nga hindi ko pinakain sa kaniya ang sapatos ko, eh." "'Wag mo na lang uli patulan. Baka pag-initan ka lalo." Nagbuga ako ng hangin nang marinig ko ang sinabi ni Stefano. Noon pa man ay saksakan na siya ng duwag. Siya ang lalaki pero ako pa ang madalas na magtanggol sa kaniya kapag may umaapi sa kaniya. Pero kahit ganito ang best friend ko, love ko 'to. Mabait naman kasi siya. Kaya handa akong makipag-away, maipagtanggol lang siya. "Tara na!" aya ko kay Stefano nang mapatingin ako sa malaking orasan na nakasabit sa gitna ng campus. Sa sobrang laki niyon, sa gate pa lang ay makikita na ang oras. Feeling ko, sinadya ng management na maglagay ng ganoon kalaking orasan para wala nang ma-li-late na estudyante. Pero wa epek pa rin naman sa iba na tamad talagang pumasok nang maaga. Lalo na iyong mga rich kid na hindi takot bumagsak dahil maraming pera ang mga magulang. "Nasagutan mo na ba ang assignment mo sa Math?" tanong sa'kin ni Stefano bago kami tumayo. "Oo. Nag-research na lang ako sa internet dahil hindi ko alam kung paano ang formula. Sa awa ng Diyos, nairaos ko naman." "Nag-chat ka sana sa'kin para naturuan kita." "Thank you. Pero alam mong gusto kong maka-graduate sa sariling sikap." Nangingiting napakamot ako sa ulo. "Nakakahiya naman sa mga magiging estudyante ko balang araw kung naturingan akong teacher pero simpleng Algebra lang ay hindi ko alam." Aminado ako na hindi ako Math wizard tulad ni Stefano. Iyong tipong kahit tulog ay kabisado pa rin ang Laws of Sines and Cosines. Hirap talaga ako sa Mathematics kahit noon pa man. Siguro dahil magaling ako sa English. Ganoon kasi yata. Kapag magaling ka sa English, mahina ka naman sa Mathematics. Ewan ko kung true. Basta ako, ganoon ang napapansin ko sa sarili ko. "Diyan naman ako bilib sa'yo, Cat. Kasi kahit hirap ka na, nagsisikap ka talaga," puri sa'kin ni Stefano. "Dahil naniniwala ako na walang imposible sa taong may pangarap." Kinuha ko na ang backpack ko at saka tumayo. "Let's go na. Nakakahiya kung mauna pa sa'tin si Sir Talla." Siya ang Math teacher namin. Habang naglalakad kami ni Stefano papunta sa classroom namin, napatingin ako sa congregating area. Una kong nakita ang lalaking over sa kaputian na nakaupo roon. Si Damon de Jesus. Sa sobrang puti niya, kulang na lang ay mapagkamalan na siyang vampire. In fact, kamukha niya si Robert Pattinson as Edward Cullen ng Twilight. Pareho din silang matangkad at guwapo. Oo na. Nagu-guwapuhan talaga ako kay Damon. Pero hindi ko bet ang personality niya. Pati na rin ang grupo niya na The Royalties, isa sa pinaka-hate kong clique sa buong mundo dahil sa pagiging bully at matapobre. Bukod sa member ng The Royalties si Damon, siya rin ang pinaka-arogante, pinakamasungit, at pinakamaarteng "prinsipe" sa buong campus. Kasing sama ng pangalan niya ang pag-uugali at kasing amo naman ng apelyido ang mukha. Si Damon ang tipo ng lalaki na dinaig pa ang babae sa kasosyalan mula pananamit, pananalita, at pagkilos. Palagi ko rin siyang nakikitang may dala-dalang alcohol. Kunting kibot lang, nag-i-spray kaagad. Napakaarte, 'di ba? Pero pila-pila pa rin ang mga babaeng nagkakandarapa na mapansin niya. But me? Never ko siyang magugustuhan! At feeling mo naman, magugustuhan ka rin ni Damon. Di ba nga may grudge siya sa mga "low profile"? sabat ng epal kong isipan. "Mabait naman si Sir Talla. Okay lang sa kaniya kahit latecomer. Kaya marami tayong mga kaklase ang hindi pumapasok nang maaga," sabi ni Stefano. "At hindi tayo katulad nila," sagot ko habang nakatingin pa rin kay Damon. Hindi ko siya bet pero kapag nakatingin ako sa kaniya, parang ayoko na siyang tantanan. Napakaguwapo niya kasi. Attitude lang talaga ang problema. Sa dami nga ng lalaking nakaharap ko na, kay Damon lang ako na-attract physically. May mga crush naman akong artista tulad nina Daniel Padilla at James Reid. Pati nga ang ibang mga lalaking bida sa bagong Korean series ng Netflix na All Of Us Are Dead ay mga crush ko na. In fairness naman kasi sa galing umarte at kaguwapuhan sina Chan-Young Yoon as Lee Cheong-san at Park Solomon as Lee Suhyeok. Pati si Yoo In-soo as Yoon Gwi-nam ay crush ko na rin. Nakakadala kasi ang pagiging kontrabida niya. Nahuli ni Damon na nakatingin ako sa kaniya kaya mabilis akong nag-iwas ng tingin. Baka isipin pa niya na isa ako sa mga babaeng patay na patay sa kaniya. PAGPASOK namin sa classroom ay wala pa si Sir Talla. May ten minutes pa naman kasi bago mag-start ang class. "Oy, Stef. Pakopya naman ng assignment," bungad ng kaklase naming si Chandra. Siya ang muse ng class at rich kid pero bopols naman sa lahat ng subject. Ang ikinaganda lang niya, mabait at hindi matapobre. Mahilig siyang manlibre, at mamigay ng yellow pad during quizzes. Palagi rin siyang may pasalubong na mamahaling donut at kape sa lahat ng professors namin, lalo na kapag may exams. Ayokong isipin na nanunuhol si Chandra. Pero... parang ganoon na nga. Biruin mo, laging bagsak sa mga pagsusulit at academic performance pero kasabay naming ga-graduate next year? Sabagay, uso naman talaga dito sa Greeenwood University ang tinatawag na "palakasan system". "Paano ka niyan matututo kung palagi kang umaasa kay Stefano?" sita ko kay Chandra. Tumabi na siya sa best friend ko at nag-start nang mangopya. "Ngayon lang naman 'to, Cat," nakangising sagot niya sa'kin. Siniko ko si Stefano. "At ikaw naman, pakopya ka nang pakopya. Sa tingin mo, nakakatulong ka sa kaniya?" "Hayaan mo na. Kawawa naman kasi kung bumagsak. Mabait naman sa'tin si Chandra, 'di ba?" Napa-face palm na lang ako. Kahit naman ano ang sabihin ko ay hindi rin pakikinggan ng best friend ko. Bukod sa natural siyang mabait at maawain, crush din niya si Chandra noon pa man. Nang dumating si Sir Talla, tumayo na agad si Chandra at bumalik sa upuan niya. Ewan ko lang kung natapos niya ang pangongopya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD