CHAPTER 2

1210 Words
CATTLEYA SAKAY ng Holanda scooter ay pumasok na ako sa malapalasyong entrance ng Greenwood University--isa sa pinakamahal at exclusive school sa buong Makati. Dito napupunta ang kahalati ng perang ipinapadala sa'min ni Ate Caitlyn buwan-buwan. Kung ako lang, sa ibang university na lang sana ako mag-aaral para makatipid. Pero noon pa man, pangarap na ng ate ko ang makapasok dito. Kaya ako na lang daw ang tutupad sa pangarap niyang iyon. Nangako ang Ate Caitlyn ko na tutulungan ako hanggang makatapos ako bilang isang teacher. Malapit-lapit na rin dahil graduating na ako next year. Sa pagpasok ko noon dito sa Greenwood University, natuklasan ko na uso pala rito ang discrimination at bullying. Kapag outdated sa fashion at anak-mahirap na mga estudyanteng scholar o paaral ng mayayamang amo ay tinatawag na "low profile". Kapag fashionista at mayaman ka naman ay mabibilang sa "high profile". Ilang beses na rin akong nabiktima ng mga bullies. Araw-araw din akong na-di-discriminate. Pero hangga't kaya ko ay lumalaban ako. Pinipigilan ko lang kung minsan. Ayoko kasing ma-disappoint sa'kin si Ate Caitlyn, ang asawa niya, at ang magulang ko. "Miss, naka-reserve na 'yan. Do'n ka sa dulo," sita sa'kin ng guwardiya nang aktong ipaparada ko na ang motorsiklo ko sa hilera ng mamahaling motorcycles. Ito na lang kasi ang pinakamalapit na bakanteng nakita ko. Aangal sana ako. Umagang-umaga, na-discriminate agad ako. Porke ba't mumurahin lang ang motorsiklo ko? Pero may quizz kami mamaya. Ayokong mawala isip ko lahat ng mga ni-review ko kagabi. "Sige ho, Manong. Pagbutihin n'yo sa pagbabantay at baka mawala ang mga iyan," sarcastic kong sabi sa guard. Tiningnan lang niya ako nang masama. Pero todo-ngiti nang dumating ang isang mamahaling motorcycle na may tatak na Ducazzi CX. Hindi ko nakita ang mukha ng driver dahil nakasuot pa siya ng mamahaling helmet din. Bumaling siya sa direksiyon ko. Sa pag-aakalang tiningnan niya ako, inirapan ko lang siya kahit natatakpan pa ang mukha niya. Todo asikaso agad ito ng guwardiya. "Good morning, Sir Damon." Siya binati pero ako pinalayas. Sa sobrang inis, umalis na lang ako at lumipat sa itinuro ng guwardiya. Baka gumana na naman ang pagiging warf reak ko. DAMON AWARE ako na pagbaba ko pa lang ng Ducazzi CX na milyon-milyon ang presyo, pinagtinginan na agad ako ng lahat. Sanay na akong maging agaw-atensiyon, lalo na sa mga babae. At sino nga naman ang hindi? Kung suot-suot ko ang maliit na koronang nagsasabi ng status ko rito sa Greenwood University. Isa lang naman ako sa member ng The Royalties--ang pinakasikat at number one clique sa buong school, at itinuturing na mga prinsesa at prinsipe ng campus. At hindi lang ako basta member. Isa ako sa lima na ipinalit sa mga original members nang kusa silang umalis sa grupo para magbagong buhay. Kaming lima na ang itinuturing na "committee" ng The Royalties. Isa sa amin ang itinalagang bagong leader. Si Chloe. Siya ang patron o tagapagtaguyod ng mga batas ni Annaliese, ang dating founder at leader ng grupo. Lahat kaming mga member ay nanalo na sa mga beauty pageants dito sa Greenwood University bilang mga campus princes at princesses; not once, not twice but nth times. Kung saan ay `yon ang pinaka-number one na requirement o rule para makapasok sa The Royalties. Pangalawang rule, dapat ma-maintain namin ang titulong iyon; hindi man sa pagsali sa mga pageants kundi sa atensiyon at paghangang nakukuha namin sa buong campus. Kailangan naming patunayan na kami pa rin ang may pinakamalakas na karisma sa lahat ng mga estudyante dito sa Greenwood University, na kahit sino, hindi kami kayang tanggihan. And to prove that, nagsasagawa kami ng "quarterly evaluation". Bilang patron, si Chloe ang nagdedesisyon kung ano o sino ang magiging "test" namin sa loob ng isang linggo, na sasang-ayunan ng lahat ng member. Desisyong hindi puwedeng kontrahin ng kahit sino man sa amin. And the last but not the least is, to be HONEST. Ito rin ang pinaka-sacred rule ng The Royalties. Dapat kasi, lahat ng nangyayari sa buhay namin dito sa campus ay malaman ng buong grupo; it's either good or bad. Way daw `yon para mapanatili namin ang tiwala ng isa't-isa. At `pag may nilabag kami ni isa man sa mga rules na 'yon, mapapatawan kami ng automatic eviction. Hindi namin alam kung saang saligang batas `yon nakuha ni Annaliese, pero patuloy namin iyong sinusunod kahit wala na siya sa grupo. Kasi nga bawat isa sa amin ay takot na matanggal sa grupo. Seriously, dude. Lahat kaming member ay takot na matanggal sa The Royalties. Ito ang itinuturing naming family. Lahat kasi kami, may mga family breakdown. Lahat kami, madalas tawaging 'kulang sa pansin'. Iyon ang greatest common denominator naming lahat. At thankful ako sa grupo. Because with them, hindi ko kailangang mamalimos ng atensiyon. Hindi ako isang hangin. Kundi isang 'prinsipe' na tinitingala at hinahangaan ng lahat. Isang titulo na pangarap ng halos lahat ng mga lalaking taga-Greenwood University. With The Royalties, everything is perfect. That's why I love them more than my family. At alam kong gano'n din silang lahat sa'kin. "What happened?" usisa ni Chloe nang magkita kami sa congregating area, isa sa pinaka-favorite spot ng The Royalties. "Ang aga-aga pero nakasalubong ang kilay mo." I sighed bago inayos ang suot kong korona. Maliit lang ito. Pero buong campus ang "power" na sakop nito. As long as na suot namin ito, titingalain at sasambahin kami nang halos lahat dito sa campus. Walang sino man ang susubok na kalabanin kami. Puwera na lang sa mga ayaw nang mabuhay. I mean, sa mga ayaw nang mag-aral dito sa Greenwood University. "What else?" nakasimangot kong sagot kay Chloe. She smirked. "Same." Natawa na lang kaming dalawa. Sa aming lima, kami ni Chloe ang may parehong sitwasyon. Kaya kaming dalawa ang mas nagkakaintindihan. "Anyway, next month na nga pala ang first evaluation mo this year, ah. Are you ready?" "At kailan pa hindi?" pagmamayabang ko. "Kung ang dean nga ng IT department na lagi tayong kinakalaban ay napatalsik ko, eh. Ano pa ba ang hindi ko kayang gawin?" Freshman pa lang ako nang maging member ako ng The Royalties. And I am proud to say na lahat ng test ko ay nagawa ko nang walang kahirap-hirap. At last evaluation ko last year ang pagpapatanggal ng isang dean. I blackmailed him. Na kung hindi siya lalayas ng Greenwood University, ikakalat ko ang nude photos niya na kasama ang isang student. "That's why I like you, eh," tumatawang sabi ni Chloe. "Kung hindi lang kita friend, at wicked prince, baka naging boyfriend kita." "And you're not my type too. Hindi ako pumapatol sa isang wicked spoiled brat." Nagkatawanan lang kaming dalawa ni Chloe. "Oh, they're here na pala!" bulalas niya nang makitang paparating na ang tatlo pa naming mga kaibigan. But accidentally, napatingin ako sa hallway na papuntang library. Kumunot ang noo ko nang makita ang isang babaeng may hawak-hawak na sapatos at hinahabol ang isang lalaking estudyante. Tsk. "Low profile". And I hate them so much just as I hate with our slaves at home. Natigilan ako nang mamukhaan ko ang babae. Siya iyong nakasabay ko kanina sa parking lot na sakay ng bulok niyang motorcycle. Siya rin ang babaeng sikat dito sa campus dahil sa pagiging palaban. Kaya madalas siyang mapansin at kainisan ng The Royalties.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD