Friday night na at pakiramdam ni Kate, para siyang totoong asawa na nag aabang sa pag-uwi ng kanyang mister. Samantalang si Fiel naman nawawalan na ng pasensya sa mahabang traffic dahil hindi na siya makapaghintay na makarating sa bahay niya sa Sentosa. Sadyang hindi lang niya maipaliwanag kung bakit sabik na sabik siyang makarating agad doon. Nang makita na niya ang dagat palatandaan na malapit na siya sa bahay, mas lalong nag uumapaw ang sayang nararamdaman niya. Pero sa ibang banda naisip niya na temporaryo lang pala ang lahat ng ito. Bumaba na si Fiel sa kanyang kotse at naglakad papunta sa bahay. Nang nasa harapan na siya ng kanyang bahay, biglang napakunot ang noo niya. Something was diferent, and it took a moment or two to figure out what it was. Pumasok siya sa loob at agad na

