Bumangon ng maaga si Kate kinabukasan at agad naman siyang nagpunta sa dalampasigan para maglakad-lakad. Naalala naman niyang magkasama pa sila ni Fiel kahapon na naglalakad sa dalampasigan. Pero ngayon nag-iisa na lamang siya. Umalis na kasi ang asawa niya kanina pang madaling-araw, tuloy bigla siyang nawalan ng gana sa pagsusulat. At naisip na lamang niyang tawagan ang kanyang ina. "Sorry na Ma, kung ngayon ko lang ito sinabi sayo." ani Kate nang ipagtapat na niya sa Mama niya ang kanyang pagbubuntis at pagpapakasal. "May magagawa pa ba ako, huh Kate? Nagpakasal ka na walang basbas sa iyong ina?" "Sorry na talaga Ma, kung nasurprisa ko kayo. Ang bilis kasi ng pangyayari na kinailangan kong magdesisyon agad. Naisip ko lang kasi ang kapakanan ng bata." napahagulgol niyang pahayag sa ka

