Thirtenth Day

1760 Words
Nagising ako dahil sa pagriring ng cellphone ko. I squinted my eyes para kahit papaano mabawasan ang sakit ng ulo ko sabay kapkap ng cellphone. Pinilit kong tingnan kung sino ang tumatawag at parang napaso ako when I saw Cloud’s name on it. Hinayaan kong mag ring ang phone.  Naalala ko pa ang mukha niya kahapon bago ako nagwalkout sa opisina niya. Alam kong madami siyang hindi naiintindihan pero hindi pa ito ang panahon para sabihin ko sa kanya. At hindi ko alam kong kakayanin ko bang sabihin lahat sa kanya na hindi nagbbreakdown. At natatakot ako sa maaring mangyari pag nalaman niya ang lahat. Ang lahat ng nangyari pagkatapos ng aksidente. Flashback. Pagkatapos ng accident nila Mommy and Daddy, wala na ako sa sarili ko. I was hospitalized for 5 days dahil sa mga bruises at sugat ko sa katawan. I was so weak at bedridden ako. Nanganganib na din ang buhay ng anak ko. Inasikaso ng abogado namin ang lahat hanggang sa pagpapalibing ng parents ko. I was on a wheelchair nung inilibing sila. Hindi ako pwedeng tumayo at maglakad dahil baka makunan ako.  It was during the burial that I’ve met Andrew. Kasama niya ang Daddy niya na abogado namin. Nalaman ko na isa siya sa mga nagbantay sa akin when I was on the hospital, nung wala pa akong malay.  Doon niya nalaman ang nangyari sa akin, doon din niya nalaman na buntis ako. Siguro masuwerte pa din ako kasi kahit papaano, Andrew is there for me during those times. Na kahit hindi kami sobrang close andyan pa din siya sa tabi ko.  Sinabi sa akin ni Andrew na tumawag si Cloud while I was unconcious pero nung sinagot ni Andrew ang phone at sinabi kung sino siya binaba agad ni Cloud and phone. Ilang beses kong tinry na tawagan si Cloud pero hindi niya sinasagot ang tawag. And when I am using another phone, kapag nasasagot niya at narinig ang boses ko, agad niyang pinapatay ang cellphone niya. Malungkot na malungkot ako nung mga panahong yun.  Pakiramdam ko iniwan ako ng lahat. Wala kaming relatives na pwede kong macontact. Nasa ibang bansa lahat sila. The only brother of Mom was in the US and I have no way to contact him.  After 3 days, nakakalakad na ako at kung sa akala ko sobra sobra na ang naranasan ko, another tragedy came. Kinausap ako ng corporate at family lawyer namin. I found out that we’re bankrupt. Pati ang bahay namin nakasangla at mareremata na ng bank. Hindi ko na alam ang gagawin ko nung mga panahon na yun. With my condition, hindi ako pwedeng magtrabaho. Paano ko bubuhayin ang sarili ko at ang anak ko? So I have decided to talk to Cloud. Kakainin ko na ang pride ko for the sake of my child. Pumunta ako sa condo niya. Sasamahan pa sana ako ni Andrew pero tumanggi ako. Alam kong malaki ang galit ni Cloud sa kanya at ayaw kong dagdagan pa yun. Kinakabahan ako habang pasakay ako ng elevator on the way to his condo. Hindi naman niya siguro kami matiis ng anak niya di ba? Or kahit sobrang galit siya sa akin at hindi niya ako mapatawad sana… tanggapin pa din niya ang baby. Kasi kung hindi, papano na? Paano ko bubuhayin ang anak ko? Paano kami kakain? Saan kami titira? Hindi na sasapat ang kukunting pera na naiwan sa akin nina Mommy and Daddy.  Tanggap ko naman na hindi na ako makapag aral dahil sa kondisyon ko pero gusto ko pa ding mabigyan ng magandang kinabukasan ang bata.  Nanginginig ang kamay ko nung pinindot ko ang doorbell sa unit niya. Pinagpapawisan ako ng malamig at ni hindi ko alam kung paano ko sasabihin and how to start saying it. Nakatatlong doorbell pa ako before the door opened at hindi ko alam kung sino ang mas na shock sa amin.  The girl wearing Cloud shirt who opened the door o ako. Agad na nagbara ang lalamunan ko at alam ko na kunti na lang iiyak na ako. At hindi ako dapat umiyak sa harap ng babaeng to. Dapat pinapakita ko na malakas ako na palaban ako like I always did pero sa dami ng napagdaanan ko these past week, parang wala na akong lakas.  “Yes?” The girl said na nakataas ang kilay.  “Si Cloud?” Halos hindi ko masabi ang mga salitang yun. Tiningnan ako ng babae mula ulo hanggang paa at nagbuntunghininga, “Cloud, ikaw ang hinahanap.” Tapos tumalikod na siya at iniwan ako sa harap ng pinto. She didn’t even invite me in. Pero siguro nga hindi ko na kaialngang pumasok dahil nakita ko na si Cloud na papalapit sa pinto. Mukhang kagigising lang din niya katulad ng babae. At first, I saw shock in his eyes upon seeing me pero agad itong napalitan. His face become emotionless at parang galit pa ata ang nakikita ko sa mga mata niya. Gusto ko siyang sampalin nung mga oras na yun.  “What are you doing here?” he said in a cold voice. At hindi ko makakalimutan ang boses na yun. Parang yelong bumalot sa puso ko ang boses niya. And I swear nung mga oras na yun, I’d rather die. I’d rather die than face the pain.  “I need to talk to you Cloud.”  “What for? Bakit nagsawa ka na ba agad kay Andrew? Kaya babalik ka sa akin? DI ba hindi mo na binabalikan ang mga lalaking dumaan na sayo? Bakit andito ka ngayon? Just go and find someone else.” Hindi ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. But my hand automatically flew to his face. Tumulo na din ang luha ko na kanina ko pa pinipiglan. “You son of a…”Dinuro ko ang dibdib while saying those words pero hindi ko na tinapos ang sasabihin ko. What for? May magagawa ba ako kung mumurahin ko siya? Maiiba ba nun ang sitwasyon?  Nagmamadali akong umalis sa building na yun. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay na malapit ng kunin ng bank. Dumiretso ako sa kwarto ko at doon nag iiyak hanggang sa makatulog ako. Hidni ko din alam kung paano ako nakasurvive sa mga araw na yun. But after a week I found myself  in a bus going to Quezon. Sumama ako sa Yaya ko  kasi siya lang ang nagoffer na kupkupin ako nung pinaalis na kami ng bangko sa bahay. Awang awa ako sa sarili ko pero naisip ko kailangan kong maging matatag.  Surviving those months might have been a miracle. Pero isang bagay ang desidido akong gawin. Kahit anong mangyari, Kailangan kong maggraduate dahil kailangan kong bigyan ng magandang kinabukasan ang anak ko.  I stayed there until I gave birth. I gave birth in a public hospital that doesn’t have the capacity to handle my case. Kaya pinadala ako sa Maynila. Nauna pang nakalabas ang anak ko sa akin. My yaya called our former lawyer and Andrew came.   All those times, I was unconscious for 2 weeks. I nearly didn’t make it.  It was also Andrew who urged me to talk to Cloud again at sabihin sa kanya ang sitwasyon namin ng anak ko. For the sake of the child. At dahil alam kong tama siya, I obliged.  I called his office dahil wala na akong cellphone. Binenta ko din yun nung nasa Quezon na kami. Sa hirap din ng buhay nila Yaya, kailangan ko din tumulong kaya naubos mga alahas, sapatos, bags at mga gamit ko. Nag iwan lang ako ng mga kakailanganin ko and I saved some para sa panganganak ko at sa gamit ng anak ko.  But another heartache came the moment I called his office. Dahil ng araw na yun, he denied me. Babae ang sumagot ng phone which I assume ay kasama niya sa work or secretary niya.  “Sir, a certain May Dominguez is on the line.” A leap of hope is hanging on me at that time.  “I don’t know anyone by that name.” Agad nawala ang kunting pag asa na yun the moment I heard his voice. At isinumpa ko nung araw na yun na kailanman man hinding hindi na ako lalapit sa kanya at itataguyod ko mag isa ang anak ko.  Andrew is generous enough to give me money nung makalabas na ako. Bumalik ako sa Quezon and started working kung ano mang trabaho kayang ioffer ng maliit na lugar na yun. And after 2 years, I have decided na bumalik sa Maynila para I continue ang studies ko dahil alam kung wala akong maibibigay sa anak ko kung habang buhay akong maging saleslady. Sinugal ko ang naipon ko para makapag aral pero alam kong hindi yun sapat. Kailangan ko pang magpadala ng pera sa Quezon para sa pangangailangan ng anak ko. Halos hidni na ako natutulog dahil nagtatrabaho ako sa umaga at nag aaral sa gabi. I was always sick dahil sa pagod kaya hindi ako nakakapasok sa trabaho at sa school. Naisip ko din na matatagalan akong makatapos kung ganito na lang ako palagi.  Until one of my classmates na nakakaalam sa sitwasyon ko introduce me to the business of w*****g. Yes, w*****g. May pumupunta sa school to pick me up.  Nakakasuka man, nakakadiri man pero ginawa ko yun. And because of that I was able to finish my studies and send money to my child.  Kahit hindi ko na kayang tingnan ang sarili ko sa salamin, sinikmura ko ang lahat ng yun.  And after I finished college I stopped it  hanggang sa makahanap ako ng trabaho sa mismong company nila Cloud.  Akala ko magiging maayos na ang buhay ko. Akala ko tapos na ang paghihirap ko. Handa na akogn talikuran ang lahat at magsimula ng panibagong buhay ko but on that fateful day at the elevator, all my nightmares and my fears came back.  Nung araw na yun, gusto ko ng magresign pero hindi ko yun magagawa basta basta. At kahapon. Kahapon was the last straw. Kung hindi ko napigilan ang sarili ko muntik ko ng maipamukha sa kanya ang pagkukulang niya sa anak niya. Kahit sa anak na lang niya.  Pinahid ko ang luha ko. My phone rang again at kinabahan ako nung makita ko kung sino ang tumatawag. Sina Yaya. Oo. Sa kanila ko iniwan ang anak ko at hiundi sila tatawag kung hindi importante.  “Hello, ya?” “Hello May, sinugod namin sa hospital si Sky. ”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD