Maaga akong pumasok sa office kinabukasan. Hindi ko na hinintay na dumating pa siya para sa sinabi niyang paglilipat bahay. Yes, I don’t doubt na totohanin niya ang sinabi niya. Ni hindi nga ako magtataka kung pati kotse meron na din ako. At siguro at the mere mention of money he would in an instant deposit millions in my account.
Noon pa, alam ko na yan. He always would go overboard. He was always generous sa mga bagay bagay. Kaya sobrang nasanay ako sa presensiya niya at kaya nainsecure ako nung nabawasan at halos mawalan na siya ng oras sa akin. Halos maging dependent ako sa kanya to the point na natatakot na akong tumawid sa kalsada mag isa ng hindi siya kasama samantalang nung hindi pa kami nakikipagpatintero ako sa mga sasakyan. Oo ganun ako ka dependent sa kanya dati. Ganyan niya ako sinanay that he would provide everything for you in a golden platter and you would not be needing anything except him. That’s why nung nawala siya sa buhay ko, hindi ko na alam kung paano magsimula. Para akong batang nag-aaral ulit kung paano maglakad. At ang hirap. Ang hirap tumayo mag isa ng wala kang kahit isang makakapitan. At ang isang tao na sana dadamay sato ay siya pang taong ipagtabuyan ka sa mga panahong kailangang kailangan mo siya.
Ngayon, mas gugustuhin ko bang bumalik sa dati? Just when I have started to stand on my own two feet may gusto ko bang may aagapay na naman sa akin? Kinakaya ko na di ba at alam kong kakayanin ko kaya bakit ko pa gugustuhing maging dependent ulit?
“Ma’am May pinapatawag ka ni Sir Cloud.” Halos tumalon ako nung marinig ko yun. Andito na siya at alam kong galing siya sa apartment dahil pagdating ko wala pa siya kanina sa office. Siguro kakarating lang niya at ayaw ko siyang harapin.
“Si-sige. Aakyat ako pagkatapos nito.” Sinulyapan ko lang saglit ang staff ko na nagsalita. Kinuha ko ang mug ko na may laman pang malamig na kape and I noticed that my hand is shaking. God! I am becoming a nervous wreck because of him.
“Nakasalubong ko kanina si Sir Cloud.” Narinig kong kwento ng isang staff ko din sa katabi niya. Hindi naman ako tsismosa pero hindi ko maiwasang hindi marinig ang sinabi niya lalo na at pagdating kay Cloud nagooverdrive ang lahat ng senses ko.
“Ang pogi niya sa polo at jeans. Kikiligin na sana ako pero magkasalubong na naman ang kilay niya. Babatiin ko sana pero nakakatakot kasi baka singhalan lang niya ako.”
“Hindi ka pa nasanay? Pero kahit na ang seryoso niya palagi, di pa din maipagkakaila na pogi talaga siya. Alam mo yun? At yung kasungitan niya parang nagpapadagdag sa appeal niya.” Pinilit kong alisin ang atensiyon ko sa dalawa kong staff na nag uusap at ibinaba ko na din ang hawak kong mug kasi natatakot ako na baka mabitiwan ko pa.
Nagconcentrate na lang ako sa pagtatrabaho hanggang sa malapit ng maglunch.
“Ma’am tumawag po ulit sa taas. Tinatanong kung bakit di pa daw kayo umaakyat.” Sabi ulit nung nagsabi sa akin.
“Naku! Nakalimutan ko.” Sabi ko na lang pero hindi ko talaga nakalimutan. Kahit mahigit isang oras na ang nakalipas simula nang pinatawag niya ako, hindi ko yun nakalimutan. Ayaw ko lang siyang makausap. Ayaw ko siyang makaharap dahil napapagod na akong makipagtalo sa kanya dahil alam ko, anytime I would break down. Ngayon nacocontrol ko pa ang emosyon ko pero alam kong kapag nasa harapan na niya ako, mahihirapan na akong gawin yun.
“Sige aakyat na ako.” Tumayo na ako at naglakad palabas ng Department at papuntang washroom. Ayaw ko, ayaw kong humarap sa kanya. Hindi sa mga panahon ngayon. Tumayo lang ako para masabi ng mga tao na pumunta ako sa office niya. Alam kong hindi mga tanga ang mga tao sa office at alam ko ding madami na ang nakakapansin ng palaging pagpapatawag ni Cloud sa akin. Alam ko din na madami na ang nagdududa at nag uusap ng tungkol sa amin pero lahat ng yun binabaliwala ko. Siguro nga nasanay na ako dahil college pa lang pinag uusapan na ako. Ano ang kaibahan ng opisina sa campus?
Medyo nagtagal ako sa washroom. Pinalipas ko ang 30 minutes and when I entered our Department, nakatingin ang lahat ng tao sa akin na parang natatakot at a slight fear crept up in my heart.
Anong problema at ganyan sila makatingin sa akin? Pero nasagot naman agad ang tanong na nung palapit na ako sa table ko. Sitting in my chair is the CEO of the company looking like he’s going to eat everyone alive anytime soon.
Ramdam na ramdam ang tensiyon sa buong Department. Lahat ng tao kahit hindi nakatingin ng diretso, alam kong nakafocus ang buong atensiyon sa amin at sa mga maaaring mangyari.
“Go-Good Morning Sir.” Ilang beses akong napalunok. s**t May. Umayos ka, nasa harap ka ngayon ng mga kaopisina mo at hindi pwedeng ganyan ang reaksiyon mo sa harap nila.
“How many times did I call for you Ms. Dominguez?” He asked in stern voice na kahit sino ay matatakot.
“Twice Si-Sir.” And now I’m regretting why I didn’t come when he called.
“And do I have to come down here before I could talk to you?” Humawak ako sa pinakamalapit na mesa sa akin just to prevent myself from falling down. God! Help me.
“No..”I barely managed to say. Pero hindi niya ako pinatapos.
“Follow me at my office. Ms. Dominguez.” Formal pa din na sabi niya at naglakad na palabas ng Department. Wala na akong nagawa kundi ang sundan siya. I have seen the look of pity in my co workers eyes before I went out of the Department. Hinintay niya akong makapasok sa elevator. I stood as far away from him habang nasa elevator kami and ni hindi ako tumitingin sa kanya. I’m just thankful na hindi siya nagsasalita pero alam ko that once we’re inside his office he would erupt like a volcano.
Napatigil ang secretary niya sa sasabihin nito sana kay Cloud when she saw his expression and a look of curiosity upon seeing me tailing his boss.
He held the door open for me and tightly closed it nung makapasok na ako. Mas lalo akong kinabahan.
“Why do you keep on defying me May?” Napaatras ako because he was too close to me. His eyes full of anger.
“What is wrong with staying in a decent place? Hindi naman ako humihingi ng kahit na anong kapalit sa’yo. Gusto ko lang na maayos ang tinitirhan mo. Anong masama doon?”
“Gusto mo? Ginawa mo yun without informing me dahil lang sa gusto mo? You didn’t even ask me if I like what you’re doing or not.” Dahil lang sa gusto niya. And he’s doing whatever it is he likes.
“Because I don’t see the point kung bakit mas gugustuhin mo pang tumira sa apartment na yun kaysa sa condo na sinasabi ko.” Yeah he’s right. Sino ang mas gugustuhing mamuhay sa napakaliit na apartment in an impoverished place kaysa sa isang spacious,well ventilated and fully furnished condominium?
“What do you know about what I lke Cloud? Anong alam mo tungkol sa akin? You expect me to be the same four years ago? I’m sorry but I’ve changed. And anyway, why do you care? Why do you care where I live? Why do you care now when…when you almost throw me out four years ago? Kung nanggaling na din sayo na kahit ano mang mangyari sa akin wala ka ng pakialam!?” I burst out. Sinasabi ko na. Hindi ko kayang pigilan ang sarili ko pag nagkausap kami. I can’t stop myself from voicing out what I trully feel. And I know that it would hurt him and it would hurt me too.
Nakita ko siyang nautla dahil sa mga sinabi ko. Hindi ko na din pinigilan ang mga luha ko na nag uunahang lumabas. f**k you! f**k you Cloud Elixier Tan for bringing back my miseries.
“Bakit ka nakikialam ngayon? Sa tingin mo ba…You really think that by doing all these things you could somehow bring back what was lost before? You really think na maibabalik mo pa ang dating ako? You can’t Cloud. Kahit anong gawin mo hindi mo na maibabalik ang mga yun. Kahit isampal mo pa sa akin ang lahat ng pera mo, wala na yung magagawa dahil hindi mo alam kung ano ang nangyari. Wala kang alam dahil pinairal mo ang pride mo nung araw na yun. Dahil sa mga panahon na kailangan kita wala ka. Sa mga panahong halos mamatay na ako, wala ka! Sa mga panahong kinakailangan ko ng makakapitan, wala ka! Ilang beses akong tumawag sayo pero kahit kunting oras pinagkait mo sa akin.” Hindi ko na mapigilang sumigaw. Ang sakit sakit. Ang sakit sakit maalala ng mga panahon na yun. For almost a year, halos hindi ko maibangon ang sarili ko. Almost a year of pure misery at wala akong makapitan kahit isa at ang iisang taong nilapitan ko, pinagtabuyan ako.
Kung namatay man ako sa mga panahon na yun, hindi ko alam kung sino ang magpapalibing sa akin? Would someone even care?
Pinahid ko ang mga luha ko.
“May…” Hinawakan niya ang dalawang balikat ko. Halos hindi na ako makahinga dahil sa emosyon ko. Itinulak ko siya.
“Kahit ano pa ang gawin mo Cloud wala ng mangyayari. You’ve wasted your chance, you’ve wasted our time. Apat na taon. You’ve wasted it. At ngayon, kahit balutin mo pa ako ng kayaman mo, it wouldn’t change a thing. Matagal na akong nawala sayo Cloud at kahit kailan hindi mo na kayang ibalik ang dating ako.”