CHAPTER 9 Tyler O Zeb POV Pagkatapos ng aming mainit na pagniniig ni Annika sa park, nagpasya na kaming umuwi. Hinatid ko siya sa kanyang apartment at bago kami maghiwalay, naghalikan kami ng matagal. "I'll see you soon, Annika," sabi ko, hawak ang kanyang kamay bago siya pumasok sa loob. "Can't wait," sagot niya, ngumiti at kumaway habang papasok sa pinto. Naglakad ako pabalik sa aking apartment, iniisip ang bawat sandali ng araw na iyon. Pagdating ko sa bahay, mabilis akong nag-shower at nagbihis. Magsisimula na ang aking shift sa Kaldag Night Club, kung saan nagtatrabaho ako bilang macho dancer. Iba ang saya na naibibigay sa akin ng pagsasayaw, lalo na kapag nakikita ko ang reaksyon ng mga tao. Habang nagsusuot ako ng aking costume, ramdam ko na naman ang excitement na bumabalot s

