"Dalian mo friend, doon tayo sa harap ng stage para makita natin siya ng mabuti."
"Hinay-hinay, ano ba? Madadapa ako sa ginagawa mong 'yan sa akin eh" sita ni Nikole Kim kay Eleonor na kulang na lang ay kaladkarin siya sa kamamadali sa kanya.
"Excited na kasi ako na, makita siyang kumakanta uli kaya, Tara bilisan mo." Parang wala itong narinig sa mga sinasabi niya. Patuloy ito sa paghila sa kamay niya hanggang sa marating nila ang kumpulan ng mga tao.
Naroon sila sa mall at maggo-grocery sana sila pero nang makita ni Elly ang nakalagay na poster tungkol sa album launch ngayon ni Calheb sa mall na iyon ay na-excite agad ito at bigla na lang siyang hinila kung saan ginaganap ito. Kinalimutan muna ang tungkol sa pamimili at hinila na siya papunta sa naturang lugar. Mukhang kakasimula pa lang ng event nang
makarating sila roon. Ganoon na lang ang hiyawan ng mga tao nang ianunsiyo ng host ang pangalan ni Calheb. Ilang metro pa ang layo nina Nikole kim sa stage pero napahinto siya sa paglalakad nang makita niya si Calheb na kumakanta sa stage. Hindi lang ang boses
nito ang nagbago nang husto kundi pati ang itsura nito. Halos hindi na niya makita ang dating Calheb na kilala niya iyong medyo madaming pimples sa kanyang mukha at kung minsan ay nangingintab pa. Nagkalaman ang katawan nito. Laman, hindi taba. Para ngang nag- gym ito. Kung noon ay may dating na ito, ngayon ay nag-uumapaw na lalo ang dating nito. Projection. Iyon siguro ang natutuhan nito kaya kahit malayo ito sa kanya ay para siyang natulala nang makita niya ito.
Nadagdagan pa ang paghanga niya rito habang nakikinig siya rito. Mas may lalim na ang pag-awit nito na tila ramdam na ramdam nito ang kinakanta. Hindi lang technical expertise at voice quality ang umangat dito kundi lalo ang paglalagay ng sa inaawit nito. damdamin
Soft rock ang kinakanta ni Calheb at pakiramdam niya ay tumatagos sa dibdib niya ang lyrics na para bang sa kanya mismo kinakanta ang awitin; na Natatawa siyang isipin dahil hindi naman niya alam na nandoon siya at nakikinig sa kinakanta nito.
"Hoy napatulala ba? Hello friend punta muna tayo sa pinaka- harap para makita natin siya ng husto mamaya kana matulala." Pinandilatan siya ni Elly
"at saka gumalaw-galaw ka nga diyan para 'wag kang ma-stroke," anito, saka siya hila uli nito.
Magaling sumingit si Elly. Sa husay nito, nakarating sila sa harap ng stage na inakala ni Nikole kim na imposible nilang magawa sa kapal ng mga tao.
Up close, Nas looked more appealing than ever. Clean-cut ang buhok at parang ang bango-bango nito. Ang husay nitong maki-communicate sa audience.
"
CALHEB,CALHEB!" pasigaw na bati ni Elly dito.
Halos mabingi siya sa lakas ng sigaw ni Elly. Narinig din yata iyon ni Calheb kaya napalingon ang tingin nito sa kanila. Bahagyang kumunot ang noo nito nang makita sila at nagulat ito pero pagkatapos ay ganoon na lang ang ngiti nito sa kanila. Pero sandaling- sandali lang iyon dahil naglakad na ito papunta sa kabilang bahagi ng stage.
Kung si Nikole kim ang masusunod ay sapat na sa kanya ang mapanood si Calheb na kumanta, pero iting si Elly ay ayaw paawat. Habang hila-hila siya nito ay sinundan-sundan nito ang entourage ni Calheb hanggang sa makarating sila sa parking area.
Pasakay na sa van si Calheb nang tawagin ito ni Elly. Nang makita sila ay hindi itinuloy ni Calheb ang pagsakay sa sasakyan. Sa halip ay lumapit ito sa kanila at hindi pinansin ang pagpigil dito ng kasama nitong babae na marahil ay nasa forty na ang edad. Tila manager nito ang babae.
"Long time no see, kumusta kayo?" sabi ni Calheb sa kanila.
"Oo nga,eh. Nagtagal kami sa abroad. Imagine naman kung gaano kami na- surprise nang malaman naming big time ka na pala ngayon." Mabuti na lang at madaldal si Elly dahil si Nikole Kim ay biglang tila ayaw gumalaw ang dila. Nanatili siyang nakatingin kay Calheb. Nang bumaling sa kanya si Elly ay siniko siya nito.
Nag- paalam na pala ito na aalis na sa kanya at kay Elly ay mukhang hindi niya narinig dahil nakatingin lang siya dito. Nakakailang hakbang pa lang si Calheb ay nilingon sila nito. at ngumiti ito nang makitang niyang nakatingin pa rin
siya rito.
Hindi na nagawang tawagan ni Nikole si Calheb Noong una ay dahil nakahiyaan niya at kalaunan ay dahil malaking problemang dumating sa buhay niya. Kagagaling lang niyang magsimba sa Quiapo Church noon nang pagdating niya sa bahay ay nadatnan niyang nakahiga ang mommy niya. Para itong kitikiti at parang lalagnatin kapag hindi gumagawa ng gawaing bahay kaya nakakagulat at nakakaalarmang makitang nakahiga ito. Masama diumano ang pakiramdam nito pero pahinga lang daw ang katapat niyon. Pero nang mga sumunod na araw ay hindi pa rin bumuti ang lagay nito kaya pinilit na niya itong magpatingin. Noon nila natuklasan na kumalat na pala ang cancer sa baga nito.
Napilitan ang kapatid niya na magtapat sa kanya. Hindi talaga nag-remission ang mommy nila. Ipinasabi lang nito iyon sa kanya para umuwi na siya dahil nahuhulaan raw nito na hirap na hirap na siya sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Gusto rin daw siyang makasama ng mommy niya sa natitira oras nito sa mundo.
Ngayon ay lalong lumaki ang problema ni Nikole Kim. May ipon naman siya kaya pansamantala ay mayroon pa siyang maipantutustos sa gamutan ng mommy niya. Pero paano kapag nasaid na iyon? Nangako si Elly na ihahanap siya nito ng mapapasukan sa Taiwan pero habang hindi pa nangyayari iyon ay kailangang may pagkakitaan siya. Ayaw naman niyang umalis agad ng bansa. Kung posible nang mawala ang mommy niya ay gusto niya itong makasama.
Nagpapalakas na sa bahay nila ang mommy niya mula sa dalawang araw na pagka-confine sa ospital nang magkaroon siya ng hindi inaasahang bisita. Napamaang siya nang si Calheb ang napagbuksan niya ng pinto.
"Uy, Ate, kilala ka pa niya," sabi ni Rose na tiyempong pababa ng hagdan.
"Big time na 'yan. Hindi ko nabanggit sa 'yo kasi..."
Hindi nito itinuloy ang sinasabi. Nag-alangan siguro ito dahil nandoon si Calheb. Hindi lingid dito na nanlamig ang pagkakaibigan nila ni Nas at hindi na iyon bumalik sa dati hanggang sa makaalis siya papunta sa ibang bansa.
"Makakalimutan ko ba ang kaibigan ko?" sabi ni Calheb.
"Kaya lang, parang ako ang nakalimutan na ni Nikole kim.
"Sobra ka. Hindi naman ah," salungat niya. "Halika, pasok ka muna. Pagpasensiyahan mo na itong bahay at nakakahiya na hindi ko pa napapa-ayos at kahit gusto kong ipaayos ay wala naman akong budget sa pag- papaayos nito sa ngayon."
"Ano ba ng nakakahiya? Dati na 'kong tumatambay rito, di ba." limot mo na ba? Tumuloy na sa loob si Calheb "Kumusta si Tita Emma?"
Hindi makasagot si Nikole. Bigla kasing nanikip ang dibdib niya at pinangiliran siya ng mga luha.
"Hey..." Niyakap siya ni Calheb at niyakap. Kahit paano ay naibsan ang mabigat na nararamdam niya na bigla lang yumakap sa kanya.
His embrace was so soothing she was temple stay just where she was. Pero siyempre, hindi naman siya maaaring manatili na lang doon kaya lumayo agad siya rito kasabay ng pagpunas ng mga luhang bumalong sa kanyang mga mata.
"Sabi ni Elly may cancer si Tita Emma," tukoy ni Calheb sa kanya. Tumango siya, saka mabilis na sinabi ang
tungkol sa aitwasyon ng mommy niya.
"That sucks, nakakalungkot naman malaman iyon" bulalas nito at parang nanlumo. "Kung meron man akong puwedeng maitulong-"
"O, 'ayan, Ate, pagkakataon mo na, sabihin muna kay kuya Calheb para matulungan ka niya." singit ni Rose sa usapan na hindi pala sila iniwan.
"Ano ka ba?" Nilingon niya si Rose at pinandilatan ito. Alam niya ang tinutukoy nito. Nang marinig nito ang pinag-uusapan nila ni Calheb sinang-ayunan nito ang ideyang iyon. Bakit daw hindi siya lumapit kay Calheb at baka may maitulong ito? Tumanggi siya. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ay ganoon na lang ang pagtutol ng kalooban niya. Baka lalong tumibay ang opinyon ni Nas na oportunista siya.
"Nag-aalok siya, eh," katwiran ni Rose. "Ano ba 'yon?" tanong ni Nas. "Ah, w-wala...
Hinawakan nito ang baba niya at iniangat ang kanyang mukha. Nang magtama ang mga paningin ay saglit na nakalimutan ni Nicole ang hiya, pati na rin ang lahat ng bagay sa buhay niya. He was looking at he so intently that she suddenly found it hard to breathe yumakap sa matipunong katawan, nakadagdag pa nang husto sa shocking na damdamin ang nalanghap niyang samyo ni Nas. Hindi lang pala itong mukhang mabango. Talagang mabango ito. Mild pero fresh at manly ang dating ng kung ano mang pabangong gamit nito. Bagay sa image nito.
"Pasensiya na. Na-carried away lang." Lumayo na siya rito.
Tumango ito na may bahagyang ngiti sa mga labi.
"Nag-hahanap kasi ako ng trabaho dito sa atin ang kaso diko alam kung saan ako mag-aaply na company na matatanggap kaagad ako para sa gamutan ni mommy at pag- aaral ni Rose."
"If you want sa akin ka nalang pumasok dahil naghahanap ako ng assistant aalis na kasi ang dati kung assistant."
"Kailan ba `ko magsisimula?" tanong niya.
"Next week na ang simula ng bakasyon ni Romary, 'yong assistant ko. Uuwi kasi galing ng Saudi ang asawa niya. Siguro mag-report ka mga ilang araw bago siya umalis para ma-brief ka niya sa mga gagawin mo."
"Walang problema. I-text mo 'ko o kaya tawagan kung may pag-iiba sa plano. 'Eto ang number ko."
"Okay na. Nasabi na sa 'kin ni Diane. Dapat nga tatawag muna ako bago magpunta rito pero naisip kong sorpresahin ka." sabi ni Nicole.
"Well, napakagandang sorpresa nito," nakangiting
"Puwedeng makita si Tita Emma?" Saad ni Nas.
"Oo naman. Halika, sasamahan kita sa kuwarto ni mommy." Nauna na siya sa paglalakad pero nang paakyat na sila sa hagdan ay bigla siyang may naalala kaya bumaling siya rito. "Siyanga pala, uhm, s-sorry."
Huminto siya sa pag-akyat ng hagdan.
"For what?" "Sa... sa mga nasabi ko dati. Hinanap kita pero-
"Sshh... Nakaraan na 'yon at hayaan na lang nating manatili yon doon. Kalimutan na natin 'yon, okay?"
Hindi niya alam kung sobrang sensitibo lang siya pero sa palagay ni Nicole ay hindi lang ang naging pagtatalo nila ang tinutukoy nito kundi pati ang idinulog nitong pag-ibig sa kanya noon. As in huwag na siyang umasang itutuloy nito ang panunuyo sa kanya ngayong nagkabati na uli sila.
Hindi ako naman feelingera talaga ano. naisip tuloy niya.
"Okay burahin ko na sa isip ko ang mga nakaraan," sabi niya, saka itinuloy ang pag-akyat sa hagdan.
NAUUNA sa pag-akyat sa hagdan si Nicole kaya natural lang na sundan ito ng tingin ni Nas. Nakaraan na yon at hayaan na lang nating manatili yon doon. Iyon ang sinabi ni Nas kay Nicole at iyon naman talaga ang dapat. Kung alam lang nito, ininda niya nang husto ang pagkakagalit nila. Lumayo si Nas kay Nicole hindi dahil galit siya rito kundi dahil nasaktan siya nang husto. Galit na galit ito sa kanya sa ginawa niyang pagharang dito at kay Acheaus. Lalo lang ipinamukha sa kanya ng pangyayaring iyon ang katotohanan na walang-wala siyang pag-asa rito noon. Na kahit siguro kunin niya ang buwan at mga bituin sa langit para ialay sa paanan nito ay basted pa rin siya rito.
Hindi naman niya ito sinisisi. Kaya nga niya piniling lumayo ay para mabigyan ito ng pansamantalang katahimikan, at para na rin paghilumin ang sugat na nakuha ng puso niya. Napakinabangan din naman niya ang masakit na pangyayaring iyon dahil doon siya humugot ng inspirasyon habang kumakanta siya. Ang naging advantage nga raw niya-ayon sa judges ng reality talent search na sinalihan niya ay ang madamdamin niyang pag-awit. He had moved on from that painful rejection, Ang layo-layo na nga ng narating niya. Leveled-up ang lahat ng bagay sa kanya, mula sa talent, itsura, at estado niya sa buhay. Kahit ang tipo ng mga babaeng umaaligid sa kanya ay nag-iba na, kung hindi man saksakan ng ganda ay glamorosang- glamorosa naman. Iyon ang showbiz.
Nang makita uli niya sina Nicole kim at Diane ay hindi niya napigilang Makaramdam ng kahit kaunting kurot sa puso niya. For a brief moment, he felt stunned to see a face that had been so dear to him. Pero agad din niyang pinigil iyon.
It's all in the past. Naging routine niya iyon noon at paulit-ulit niya iyong ipinapaalala sa sarili. At handa siyang pangatawanan iyon. Kung hindi siya type ni Nicole kim, wala iyong problema sa kanya. Dati silang magkaibigan at walang dahilan para hindi siya maging masaya sa pagbabalik nila sa estadong iyon. Ang magkaibigan ay nagtutulungan. Kaya nga nag-alok agad siya ng tulong dito.
Napamura si Nas sa sarili nang mapansin niyang sa kaakit-akit na pag-indayog ng balakang ni Nicole kim napako ang kanyang paningin.
All in the past, man. All in the past. Inalis niya ang kanyang paningin sa pinagkakaabalahan niyon. Sinaktan na siya ni Nicole kim noon at wala siyang balak na ilagay uli ang sarili sa ganoong posisyon. Sobrang tanga na lang siya kung gugustuhin niya iyon.
Nang makapasok sila ni Nicole sa kuwarto ng mommy nito at pinaupo kaagad siya ng ina nito at saka binati.
"Kumusta ka na hijo, lalo kang gumuwapo," nakangiting sabi ni Tita
Emma nang nasa kuwarto na siya ng ginang.
"Lalo? Ibig pong sabihin, guwapo na 'ko dati?" biro niya.
"Batang 'to, parang hindi niya alam 'yon."
"Naku, hindi po talaga."
Tumawa ito. "Guwapo ka at mabait pa. Ewan ko nga ba rito kay Nicole kim kung bakit-"
"Mommy!" saway ni Nicole kim sa ina nito.
"Joke lang," ani Tita Emma.
"O, kuwentuhan mo naman ako. Wala kasi akong masyadong balita sa showbiz. Busy-busy-han kasi ako sa sari-sari store ko, eh. Hindi ko man lang nalaman na sikat ka na pala."
"Hindi pa naman po sobrang sikat. Kaunti lang.
Napansin ni Calheb na parang nangangawit na ang matanda kaya nang makasilip siya ng pagkakataon ay nagpaalam na siya rito. Nang makasakay na siya sa sasakyan niya na kasama sa naging premyo niya sa talent search-ay hindi agad niya iyon pinaandar. Tinignan muna niya sa rearview mirror si Nikole kim, na ang background ay ang lumang bahay ng mga ito na hindi na niya mabilang kung ilang beses niyang
naging tambayan. Mabilis ang naging takbo ng buhay niya mula nang manalo siya sa talent search at na iyon ang pagkaka-expose niya sa mas sopistikadang bagay sa mundo. kasabay magagara at
Life in the fast lane, iyon ang description doon ng manager niya. Masanay na raw siya dahil iyon na ang magiging mundo niya. Bigla ang dagsa ng mga bagong aktibidades sa buhay niya, ang pagkakakilala niya sa mga taong nakakalula ang kinalalagyan sa lipunan, at ang pagdami ng bank account niya.
Marami na siyang napuntahang lugar na dati ay sa telebisyon o magazine lang niya nakikita at noon ay pinapangarap lang niyang marating. It was a dream come true.
Pero sa kabila niyon ay nadiskubre niya na habang nakatingin siya sa bahay na naging bahagi ng dati niyang buhay, may bahagi pa rin ng pagkatao niya ang naghahanap ng mga simpleng bagay na nakasanayan niya.