CHAPTER 3 SA PUSO KO IKAW LAMANG

2074 Words
Naku kang bata ka ngaun ka pa nagsisi, ibig mo sabihin gusto muna siya ngaun? noon todo pakipot ka ate late ka na naisip niya. Nakaramdam si Nikole ng matinding panghihinayang. At bakit naman huli na may asawa na ba? "Di ba't habang may buhay may pag-asa? habang walang asawa may pag-asa? May bahagi pala siya na matindi fighting spirit. Walang masama kung susubukan kaysa walang ginawang paraan. Natagalan si Nikole sa pagpili ng isusuot pati na rin sa pag-aayos sa sarili. Nabawasan siya ng maraming ganda points dahil haggard siya noon. Pero ngayong nakapag-rest na siya, kahit paano ay nakabawi na siya ng ganda. ayie excited na siyang makita at makasama si Calheb na dati ay kulang na lang, mapakalunod sa kanya. Ayaw niyang ma-late kaya dumating siya sa condo unit ni Calheb nang mas maaga kaysa sa pinag-usapan nila ni Paulin. Ibinigay na nito sa kanya ang spare key para hindi raw niya maabala si Calheb kung tulog pa ito at mauna siyang dumating. Pagbukas niya ng pinto ay muntik na siyang mapasigaw ng gulat sa tagpong bumungad sa kanya. Gising na pala si Calheb pero hindi ito nag-iisa. Nasa sofa ito at nakakandong paharap dito ang isang babae. Mainit na Nagtutukaan ang mga ito. diyos ko almusal ba niya iyon? napaka aga naman tukaan ang ginagawa ng mga ito hindi ko alam pero parang nadismaya o inggit lang siya sa kanyang nasaksihan. Napasimangot tuloy siya at biglang sumama ang mood niya. Parang lobong tinusok ng aspile ang lihim niyang pag-asa na mapansin uli siya ng binata. Bakit ba hindi niya man lang naisip na imposibleng may girlfriend na ito ngaun? Di sana, kahit konti na pag-asa ay hindi na Umaasa ang puso niya. Yan ang napapala ng mga ambisyosang babae, Napahiya ka tuloy! Patunay ang scene na nakita niya. Imposible nang maibalik ang dating Pagka-humaling ni Calheb sa kanya, lalo na at mukha siyang basura kung ikokompara sa katukaan nito ngaun kahit side view pa lang ng babae ang nakita niya ay maganda ito. Wala man sa rason ay nakaramdam siya ng matinding lungkot. Kung puwede lang na sugurin ko ang babae ay ginawa ko na pero ano bang karapatan kung magselos nakatayo pa din siya sa harap malapit sa mga ito balak na sanang umatras ni Nikole pero bago siya makakilos ay napatingin sa direction niya si Calheb at tinignan siya. Kaswal itong lumayo sa kahalikan. "Ohh we have company huh, sino siya ngaun lang ba siya nakakita ng naghahalikan bakit nakatitig siya sa atin kanina?" sabi ng babae kay Calheb. Umalis sa kandungan ni Calheb ang babae saka humarap din ito sa kanya. Naka pantulog na ito pero halos wala namang naitago ang suot nito sa katawan. Napalunok si Nikole nang makita ang exposed na katawan ni Calheb wala pala itong damit pang itaas. Naka-boxer shorts lang ito. Malapad at matambok ang dibdib nito. Pamatay ang abs na nakikita niya at ang mga hita nito ay tila kasintigas ng bakal ang sexy tignan parang naakit siya pero bigla na lang nawala ang pagpapantasiya niya ng magsalita ang babaeng kasama nito. "By the way who is she?" Tila naiinis ang babae nang tumigin ito kay Calheb. "She's Nikole kim. Kapalit ni Paulin," sagot ni Calheb. "Nikole kim, this is Skyliegh, my... my girlfriend." Hindi lang parang Bumagsak sa sahig ang puso ni Nikole kundi tila piniraso-piraso pa iyon ang sakit sa pandinig at dibdib ang salitang "Girlfriend" na si Calheb pa ang mismong nagsabi sa harap niya. Teka nga may karapatan ka bang masaktan diba ikaw ang nagpaalis sa kanya tapos ngayon maka-emote ka akala mo ewan, sabi niya sa isip. Bumalik lang ang katinuan niya ng nasa tabi na pala niya si Paulin at kanina pa pala ipinaliliwanag kung anong dapat niyang gawin. "O, DAPAT tuwing umaga, hindi mawawala sa agahan ni Calheb ang juice niya, ha? Pipino, carrots, at pineapple ang hihiwain mo. At saka Ilalagay mo sa juicer, 'tapos... Hoy! Ano ba ang tinutunganga mo diyan?" "H-ha? Ah, eh, sorry. A-ano nga ulit iyon? Napahiya si Nikole Kim nang matanto niyang hindi pala siya nakikinig sa sinasabi ni Paulin habang nagpapaliwanag ito kung paano gamitin ang juicer. Nasa kusina sila pero kanina pa nahahatak ang atensiyon ni Nikole ng nangyayari sa indoor garden kung saan nandoon si Calheb at ang babaeng bruhang kasama nito. Nasisilip niya sa pagitan ng mga dahon ang dalawa. Katulad ng kanina ang posisyon ng mga ito at Sarap na sarap sa paghalikan ang ginagawa ng mga ito. "Naku ano na naman ba ang sinisilip mo diyan? 'sus! Masanay ka na," bulalas ni Paulin at ipinaikot pa ang mga mata. "Talagang ganyan ang Skyliegh na 'yan. Kabaligtaran ng pangalan niya kung umasta. Haliparot! Parang laging uhaw sa euthan. Kunsabagay, kung gaya ni Calheb ang boyfriend ko, eh, mauuhaw din ako sa euthan." Humagalpak pa ito ng tawa. "Buti na lang, ikinasal na 'ko. Kung hindi, ang sarap magkasala, matitikman ko kung sakali si Calheb."Napangiti siya sa sinabi nito. "M-matagal na ba sila ni Skyliegh?" "Depende. My time kasi na tupakin si Skyliegh kaya On and off sila, eh. Kung isasama mo yong panahong off sila, mga three years na rin. Pero naku naman, kalahati n'on, magkagalit o cool off sila May-kaartehan din kasi si Skyleigh. Yummy at tasty na ang boyfriend pero parang naghahanap pa siya ng iba. Ang daming reklamo sa mundo. Kesyo sobrang busy si Calheb kesyo kulang ito sa lambing, et cetera, et cetera. Sarap sabunutan ng newly rebonded hair niya. As if naman, ulirang nobya ang peg. Hindi ko nga alam kung ano'ng nakita ni Calheb sa kanya." "Well, maganda siya,Sexy din." nasabi ni Nikole. "Marami pang ibang katangian na mas importante kaysa sa kagandahan at kaseksihan, 'no. Pero 'yan kasing si Nas, kapag na-in love, talagang nai-in love. Matindi tamaan , alam mo iyong salitang gagawin niya lahat para babaeng nagugustuhan." Alam ko kaya yan ako ang una niyang minahal pero sinayang ko. Naisip ni Nikole. Naalala niya ang panahong siya ang nililigawan ni Calheb. Inabot man ito ng katakot-takot na pang babalewa mula sa kanya ay hindi agad ito nasisiyahan. Hindi niya mapigilang manghinayang at malungkot. Bakit ba hindi agad niya nalaman noon na ginto pala ito ka sweet at maalaga sa magiging Girlfriend nito. Huli na nang mabuksan ang mga mata niya. Ayaw na ni Calheb sa kanya. At ngayon, ni sa palagay niya ay hindi na niya dapat isipin na babalik pa ang dati nitong damdamin para sa kanya. Ang layo na ng pagitan nila sa isa't isa para mangyari pa iyon. "Hmmm by the way handa ka na bang makinig?" "Oo naman," sagot niya. "Okay, ganito ang gagawin mo..." Itinuloy na ni Paulin ang pagpapaliwanag. Nahiya na si Nikole kim rito kaya kahit parang may naririnig siyang mga ungol na nang gagaling sa sala ay hindi na siya lumingon doon. Mahaba ang listahan ng mga trabahong kasama sa job description ni Nikole pero hindi naman siya nahirapang gawin ang mga iyon. Palibhasa ay kaibigan niya ang pinagsisilbihan niya kaya hindi siya nahiyang ibigay ang mas mataas na lebel na kalinga rito. Madaling-araw na sila nakauwi ni Calheb galing sila sa taping ng isang programa. Guest si Calheb sa isang teleserye at matigilan na sa isang shooting day ang lahat ng eksenang sasalihan nito kaya inabot sila nang gabi. Kung patang- pata ang katawan ni Nikole, ay lalo naman siguro si Calheb dahil bago ang taping ay galing pa sila ng Bulacan para sa launching ng CD nito sa isang mall doon. Pagkatapos ay guest naman ito ngayon sa isang show kaya maaga dapat itong gumising. Binilisan na ni NiKole ang paghahanda ng agahan ni Calheb. Nang matapos siya ay pumasok na siya sa silid nito. Nakadapa ang binata nang makita niya. Kagaya ng nakagawian nito wala itong pang-itaas na damit. Hindi niya mapigilang titigan ang katawan nito. habang tulog, Tasty and yummy. Description iyon ni Paulin na pinahintulutan niya nang isang one hundred persent. Hindi na nakakagulat na ganoon kaganda ang katawan ni Calheb dahil palagi pala ito sa gym na nasa condominium building na iyon. "Calheb..." Tinapik niya ang balikat nito. "Gising na." "Umm... "Oy, gising na. Male-late ka na, Bakit ba ang tagal mong gumising?" Kumilos ito pero ibinaon lang ang mukha sa unan. Gumulong si Calheb palayo sa kanya dahilan para bumaba sa katawan nito ang kumot na nakatabing dito. Brief lang pala ang suot nito at nakatayo ang... Junior nito.. Jusko naman ang lalaking to. parang gusto ng takpan ni Nikole ang kanyang mga mata. Pero patuloy pa din niya itong ginigising dahil naasiwa siya sa nakikita niya first time niya makakita. "Gising naman na," sabi ni Nikole. Napakamot siya sa ulo nang hindi tuminag si Calheb. Napilitan siyang umupo sa gilid ng kama para maabot Niyugyog niya ang balikat nito at nang hindi rin ito niya ito. pa tuminag ay inilapit niya ang bibig sa tapat ng tainga nito. "Gising na po." Kasabay ng pagbalikwas ni Calheb ay ang paghilanito sa kanya. "You smell good, ang bango- bango mo naman." sabi nito sa kanya "Ano raw mabango ako?" inulit niya ang sinabi ni Calheb sa kalituhan. Parang naalimpungatan pa ito na hinagkan nito ang batok niya. Parang kinilig ang pep* niya sa sinabi ni Calheb na mabango raw siya. Ayei.. Ano ba Calheb papatulan na kita diyan eh. Naisip ni Nikole Kim Malakas ang kiliti ni Nikole sa batok kaya ganoon na lang ang paggalaw niya, lalo na nang maramdaman niya ang pagdampi ng mga labi ni Calheb sa bahaging iyon. Kinilabutan siya kasabay ng pagkabuhay ng kakaibang kiliti sa katawan niya. Pero sa tingin niya ay hindi iyon kiliti na ikatatawa niya kundi parang may apoy na nabuhay sa loob niya. Bumaling siya kay Calheb para patigilin ito pero hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa kanya. Isiniksik nito ang mukha sa dibdib niya, saka nanatili roon. Unti- unti ay naging banayad ang paghinga nito, tanda na muli na namang nakatulog ito. Panay ang lunok ni Nikole. Hindi niya dapat lagyan ng malisya ang ginagawa ni Calheb dahil kung nagising lang ito saglit, malamang na hindi nito alam ang ginagawa. Siya ang gising at siya ang tila nakakaramdam ng malisya. Malay ko ba sa malisyang 'yan. Hindi pa siya nagkaka-boyfriend kaya wala siyang pagbabasehan ng mga nararamdaman. Ang tanging alam niya, ang kiliting nagpaparamdam sa mga diwa niya ay ngayon pa lang niya naramdaman sa buong buhay niya. Pinagmasdan na lang ni Nikole kim ang mukha ni Calheb, mula sa mga pilik-mata na hindi yata makatwiran na sa isang lalaki ibinigay dahil sobrang kapal ng mga iyon, hanggang sa mga labi nito na hindi lang mamula- mula kundi maganda rin ang pagkahugis. Ganoon na dati ang hitsura ni Calheb kaya sigurado siyang wala itong ipinaretoke. Kuminis lang ang kutis nito at naging mas matipuno ang katawan. Speaking of Body... Napapikit si Calheb nang matantong nakasubsob pa rin ang mukha ni Calheb sa kanyang dibdib. Hay, kung puwede lang na dito na 'ko sa posisyong to forever. Pero hindi puwede dahil male-late si Calheb sa appointment nito at kasalanan niya kapag nagkataon. Humawak siya sa balikat nito para sana itulak ito palayo pero bago pa mangyari iyon ay narinig niya ang pagbukas ng pinto. "What the hell is the meaning of this?" Sigaw ng pumasok doon. "Ikaw Babaeng haliparot gustong gusto mo naman na niyayakap ka ni Calheb hindi ka man lang pumalag." Naiinis si Nikole sa bintang ni Skyliegh sa kanya kaya hindi niya naiwasang sagutin ang sinabi nito sa kanya. "Kung makapag- bintang ka wagas ano? Haliparot na agad ni hindi ko nga siya niyakap siya lang ang yumakap sa akin, Nakita mo naman siguro di ba? hindi ka bulag Ma'am." "Aba, sumasagot-sagot ka pang babae ka huh!" "Paano di ka sasagutin, wagas kang magsabi ng kung ano- ano wala pa ngang nangyayari yakap palang niya ako. Paano kung nag love making na kami ha ano na kaya ang gagawin mo? Baka makapatay ka na?" "Aba-" hindi natuloy ni Skyleigh ang sasabihin dahil inawat na ito ni Caleb. "Tama na yan, hon wala naman talaga kaming ginagawang madama ni Nikole natutulog ako kaya walang malisya iyon akala ko nakayakap ako sa unan tara na sa kusina nagugutom na ako kumain na lang tayo." "Mauna kana sa kusina Nikole ipaghanda mo na lang kami ng makakain salamat." Sabi ng binata na tinanguhan niya na lang bago umalis kuwarto ni Calheb ay tinignan niya ang bruhang babae at saka inirapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD