Napabalikwas ng bangon si Calheb dahil sa malakas na sigaw ni Skyleigh.
"Bakit ka ba sumisigaw? What is your problem?" pagalit kong tanong kay Skyliegh.
"At paanong hindi ako sisigaw sa nadatnan kong eksena, nakayakap ka sa babaeng yan." nakasimangot nitong sabi kay Calheb.
Mabilis namang tumayo si Calheb mula sa kama at inaya ang girlfriend nito sa sala at siya naman ay inasikaso ang mga pagkain ni Calheb na kanina pa niya hinanda sa kusina.
"I was asleep, okay? Hindi ko alam ang ginagawa ko, akala ko nga nanaginip lang ako, At saka akala ko unan ang nayakap ko hindi ko alam na si Nikole kim pala." giit ni Calheb sa kasintahan nito.
"I don't believe you." Hindi man lang nabawasan ang panghahaba ng nguso ni Skyleigh.
"I came here to surprise you and this is what I get, iyong maiinis talaga ako ano?" inis pa ring sabi ulit nito sa kanya.
Diyos ko! ano namang kaartehan yan. Gusto nang sumali ni Nikole kim sa usapan. Kanina pa nagpapaliwanag si Calheb sa babae pero mukhang nasa mood magpasuyo ang nobya nito dahil kahit ang liwanag ng paliwanag ng binata ay
ayaw iyong pumayag ni Skyleigh sa dahilan ng binata.
"Well, maniwala ka dahil nagsasabi ako ng totoo. Ano ka ba naman?" Hinila ni Calheb si Skyleigh at hinawakan ang magkabilang pisngi nito.
"Kailan ba 'ko nagtaksil sa yo, ha? may nakita ka na bang ginawa ko na mali o ikakagalit mo?"
Hindi nakasagot si Skyleigh sa sinabi ni Calheb.
"Well...?"
"N- nothing and never."
"You see. Kilala mo naman ako, 'di ba? Loyal akong magmahal, tapos pag-iisipan mo pa ako ng ganyan."
"Eh, bakit kasi gano'n? O sige, nandoon na ang point ko. Sabihin nang tulog ka pero yong yaya mo, gising naman diba? Hindi man lang niya naisipang ilayo ka? o lumayo sayo eh, parang gustong gusto pa niyang niyayakap mo siya."
"Hoy hindi, ah! Tumigil ka nga sa akusasyon mo diyan, siya ang ayaw bumitaw sa akin tinutulak ko nga siya per mahigpit talaga ang yakap niya sa akin" gustong sabihin ulit ni Nikole Kim mula sa komedor. Pero na isip niya na nakakahiya kay Calheb kung papatulan niya ang baliw nitong girlfriend. Dahil kanina nga ay hindi niya napigilan ang sarili na sagutin ang mga paratang ng girlfriend niya sa kanya. Baka akalain nito na pinagsamantalahan niya nga ito. Pero bukod sa hindi siya puwedeng sumabad sa usapan ng magkasintahan, natigilan din siya sa ideyang gumiit sa kanya. Nag- enjoy ka naman talaga, anang isang bahagi ng isip niya. Aminin!
Itinuloy na lang niya ang paglalapag ng mga pagkain sa mesa na kanina pa iniutos sa kanya ni Calheb.
"Hindi ko siya maid," sabi ni Calheb dito.
"Personal assistant ko siya. Iba 'yon sa katulong di ba? at ang layo ng spelling sa maid at personal assistant."
Na-touch siya sa pagtatama ni Calheb sa papel niya sa buhay nito.
"It's the same My Ketchup," pabale-walang sabi ni Skyleigh.
"At bakit mo ba siya ipinagtatanggol, hindi mo naman siya gusto niyan?"
"No, I'm not. Itinatama ko lang yong... sinasabi mong maid ko siya dahil kung katulong ko lang siya ay hindi niya ako sasamahan sa ano mang lakad ko. Oh, my god! Ang hirap mag- explain sa inuong mga babae." Parang naiinis na ito kay Skyleigh.
"Alam mo, kumain na lang tayo. May appointment pa ako at ayokong nale- late, dont worry about that."
"Sure ka, wala kayong hanky-panky ng maid mo?" tanong ni Skyleigh. "Hindi ko nga siya maid, and no, wala kaming hanky-panky. Now, can we eat? oh stop talking na muna pwede?" paliwanag ulit ni Calheb sa girlfriend nito.
"Okay, babe pasensiya na sa nangyari kanina." Malambing at mahinhin na ang tinig ni Skyleigh nang sumagot ito. Nakita ni Nikole Kim na yumakap pa ito kay Calheb.
Naisip ni Nikole na sweet din pala ang babae my pagkaselosa lang ito pero ano kaya kung asarin niya ang babae. Napangiti siya sa naisip umiiral na naman ang kamalditahan niya.
Pero ngaun ay nag-iwas agad siya ng tingin. Hindi niya nagugustuhan ang eksenang iyon. Sa katunayan ay parang may sumundot sa puso niya sa nakita niya. Para namang may bago sa babaeng yon Mas matindi pa nga ang nakita niya noon pero noon ay nainis lang siya. Ngayon, aba! Diyata't may bahid nang inggit ang nararamdaman niya. Lume-level up ba ang kagagahan mo self?
Napangiti si Calheb habang yakap niya ang girlfriend. lyon ang unang pagkakataong nagselos si Skyleigh kaya gusto niyang ipagpalagay na hint iyon na mahalaga siya rito. Dati kasi, kahit nali-link siya sa kung sino-sinong babae ay parang bale-wala lang iyon dito. Kunsabagay, iba nga siguro ang dating ng nakita nito sa kama kanina habang nakayakap siya kay Nikole kim na hindi niya namamalayan. Kahit nga siya ay nabigla rin sa ginawa niya.
Nang magkaroon ng commotion kanina, kahit inaantok pa ay bigla siyang napadilat. Nang matukoy niya kung saan nakahiga ang ulo niya ay agad siyang napabangon. Nang matauhan siya kanina ay natatandaan niyang may kinabig at niyakap siya. Ang malambot na dibdib pala nito ang dahilan ng masarap na pakiramdam niya at amoy pala nito ang kumikiliti sa ilong niya kaya agad siyang napabalik sa malalim na pagtulog.
Talo pa pala ni Nikole Kim ang pinakamalambot na unan. She seemed to fit perfectly in his arms. And Nikole's scent reminded him of simpler times niya. Naalala
pa niya ang pleasant pakiramdam ng saglit na pagkakadikit ng mga katawan nila.
Iniling niya ang kanyang ulo. Hindi siya dapat
nag-iisip ng mga ganoong bagay. Bukod sa iba na ang kalagayan ng ugnayan nila ni Nikole Kim, boss siya nito kaya hindi siya dapat magsamantala. Dapat niyang ipaalala sa sarili na may nobya na siya. Para maiwasan niya ang dapat na iwasan.
"Tara na, kumain na tayo," yaya niya kay Skyleigh. At inakay niya ito papunta sa dining area. Unang subo pa lang ni Caheb sa scrambled egg ay nahalata agad niya na may naiba sa pagkakaluto niyon. Inulit niya ang pagsubo at nasundan iyon ng isa pa. Hindi lang may lasa ang kinakain niya, masarap iyon. Ang layo sa nakasanayan niya.
Naging health buff siya mula nang manalo siya sa talent search, ayon na rin sa mungkahi ng manager niya. Nagustuhan niya ang epekto niyon kaya itinuloy na niya. Nakasanayan na niya ang mga pagkaing halos walang lasa kaya ngayon ay nagulat ang taste buds niya.
"Hey, for once, your food tastes good. Nagsawa ka na ba sa healthy living routines mo?" Napansin din pala iyon ni Skyleigh ang pagkain niya ngaun napadami siya ng kain.
"Not yet." Napakunot-noo siya. Nilagyan ba ni Nikole ang pagkain niya? Number one rule niya iyong ipinagbabawal ng vetsin.
"Your juice, Sir," sabi ni Nikole Kim pagkalabas nito ng kusina at inilapag sa harap niya ang malaking baso ay agad siyang nagtanong dito.
"Ano'ng ginawa mo sa itlog ko?" tanong ni Nas.
Nagulat si Nicole sa tanong ni Nas sa kanya.
Ano raw, inano ka ang itkog niya?
-"Ha?" Anong itlog? Parang nabigla si Nikole Kim. "Hindi ko pakialaman ang itlog mo, ha, Malay ko sa itlog mo nakatago kaya hindi ko naman hinawakan ahh."
Napakunot-noo si Calheb pero mayamaya napahagalpak siya ng tawa nang matanto niyang mukhang ibang itlog ang inakala nitong tinutukoy niya.
"haha this one. I mean itong itlog na 'to ang tinutukoy ko iyong breakfast ko Nikole ano ba ang iniisip mo diyan." Sabay turo niya sa scrambled egg.
"Ah linawin mo kasi kung anong itlog, ang akala ko kasi itlog ay iyong nasa baba ng hotdog mo este ng short mo." Tinutop nito ang bibig at namula ang mukha.
"Diba sabi ko na wala dapat asin, at betsin ang pagkain ko, remember?" sabi sa kanya ni Calheb
"Wala namang asin o betsin yang pagkain mo ngayon. Pero wala naman sinabi na bawal ang herbs na pampalasa, 'di ba? kaya nilagyan ko lang ng konti para may lasa naman ang pagkain mo this time." Nasabi naman ni Nikole kay Calheb. May nalasahan nga si Calheb na rosemary sa kinain
niyang egg.
"Naawa kasi ako sa 'yo. Para kasing baby food ang pagkain mo, halos walang lasa. Naisip kong mag- research sa google para sa pagkain mo. Sekretong reciepe raw ng mga chef ng sikat na nagdidiyeta ang herbs and spices.
" Ano'ng masasabi mo? Anong masasabi mo masarap ba?' paulit ulit na tanong niya dito.
"Yes, masarap nga ito." He was amazed. Kunsabagay, hindi na siya dapat magulat. Magaling si Nikole Kim sa kahit anong trabaho. Masipag at dedicated ito. Matalino rin.
"Hindi ba may-pagkapakialamera 'yong ibahin ang timpla ng pagkain mo nang hindi nagpapaalam sa 'yo?" sabi ni Skyleigh.
"Actually, I like it. Basta ba hindi makakasama sa healthy diet ko okay lang para sa akin." sagot ni Calheb kay Skyleigh. Alam ni Calheb na mali ang isinagot niya nang makita niyang tumahimik sa pagsasalita si Skyleigh. Malamang na mahaba-habang pagpapaamo rito ang kakailanganin niyang gawin. "Kumain ka pa, Bakit kokonti ang kinain mo?"
"No, thanks. I just realized na busog pala ako."
Pati ang juice niya ay nagbago ang lasa.
"Kaunting honey lang ang idinagdag ko pero hindi ko na gagawin kung ayaw mo," maagap na sabi ni Nikole Kim.
"It's... okay," sabi niya.
"Thanks."
Pasimple niyang sinundan ng tingin si Nikole nang magpaalam ito sa kanya dahil ihahanda pa raw nito ang mga gamit niya. Sandali pa lang niya itong assistant pero napansin agad niya na hindi lang ito efficient, mahusay din itong mag-isip ng mga paraan para mapagaan ang mga bagay-bagay sa buhay niya.
Na-organize na nito ang wardrobe niya. Pati yata briefs at boxers niya ay pinakialaman na rin nito. Napangiti siya, lihim na nakiliti sa ideyang sumayad sa mga palad nito ang mga saplot na sumasayad din sa...
Ano bang iniisip niya na mangyari sa kanila ni Nikole.
Huwag ka ngang bastos! Pinagalitan niya ang sarili. She would make a great wife. Naalala niya kung
paano niya ito hinabol-habol dati. He really was enamored by her back then. Sa tingin niya ay ito na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Na-expose na siya sa mga babaeng di-hamak na mas maganda rito pero aminado siya, may kakaibang charm pa rin ito na dito lang niya nakita. Iba ang dating nito sa kanya. Pero hindi niya na uulitin ang nakaraan na siya ang humabol habol dito pero sa huli ay wala naman itong sagot sa kanya. Kung meron man siyang natitiyak sa sarili niya, iyon ay ang pagiging loyal niya. Mahal din naman niya si Skyleigh kahit pa nga kung minsan ay napapagod na siya sa pagiging demanding at matampuhin nito.