SA Tulong ni Jenn, ang stay-out maid ni Nas na tuwing umaga ay nagpupunta sa unit nito, ay nagpatulong siya na ilagay ni Nicole Kim sa van ang lahat ng gamit na kakailanganin ng binata. Ni-review niya ang schedule nito na nakalagay sa tablet na ibinigay nito sa kanya. Nang matiyak niya na ayos na ang lahat ay saka lang siya bumalik sa condo unit para mag-ayos ng sarili. Dumeretso siya sa banyo, nag-shower, at saka nagbihis. Habang ginagawa niya iyon ay naulinigan niya ang pagkanta ni Nas. Malamang ay nagpa-practice ito para sa number nito sa show na pupuntahan nila. Natigil siya sandali sa paglalagay ng pressed powder sa mukha niya. Ang ganda talaga ng boses nito. Hinahangaan na iyon ng napakaraming tao pero maipagmamalaki niya, kahit sa sarili lang niya, na may panahong hinarana siya ng ganoon kagaling na singer.
Gaga siya kaya hindi niya ito pinatulan. At ngayon ay siya naman ang malabong pasinin nito. Napakaganda ng girlfriend nito at mas ang mga ito. magkalebel
Napasimangot siya nang maglaro sa diwa niya si Skyleigh. Hindi niya ito gusto para kay Nas. Pero may magagawa ba siya kung gusto ito ni Nas?
Lumabas na siya ng kanyang kuwarto. Tatawagin na sana niya si Nas nang mapadaan siya sa indoor garden boses ni Skyleigh mula roon naririnig niya may kausap itong lalaki.
"Krypher you know I'm already taken, maghintay ka na lang." naninita ang tono ni Skyleigh pero ang dating para din itong naglalandi.
"Sorry ka na lang. eh. But don't worry. You'll be the first in case things don't work out between me and Nas kaya magtiyaga ka diyan."
Kung puwede lang niya itong sugurin, sipain, at sabunutan ay ginawa na niya. Ang sabi ni Romary ay may-pagka-flirt ito. Hindi lang may-pagka Super fit siya. Sana lang ay mauntog si Nas nang matauhan ito. nag desisyon na siyang pumunta sa kuwarto ni Nas at
Kinatok na niya ang pinto ng kuwarto ni Nas. Agad namang bumukas iyon. Sandali siyang natukso pasadahan ito ng tingin. Basa pa ang buhok nito Amoy na Amoy niya ang cologne na marahil kalalagay lang nito. He looked so fresh and clean.
Parang ang sarap yakapin Lalo pang sumidhi ang Pait na iyon ngayong may ideya na siya kung ang pakiramdam ng nakapaloob sa mga bisig nito. Paano pa kaya ang mahalikan nito?
Censored ang iniisip niya kaya nang lumapit ito sa na akmang kakabigin siya ay napaigtad siya. agad din iyong nasundan ng pag-asam. Nasasabik at natuturete. Pagkatapos ay na-disappoint siya ng matanto niyang wala naman pala itong balak na ganoon sa kanya. Sa halip ay may inalis lang pala ito sa pisngi niya.
"Pilik-mata." Ipinakita iyon ni Hans sa kanya. Dapat mag-wish," sabi ni Nicole Kim, Tumawa ito nang mukhang naalala nito ang dati na
niyang nakagawian.
"Oo nga pala. O, wish na Pumikit siya at agad umusal sa sarili ng inaasam niyang mangyari. Pagkatapos ay hinipan niya ang pilikmata
"Be careful what you wish for. You might just get it," nakangiting sabi nito, saka lumayo na. Malabong nahulaan nito ang wish niya pero na- guilty pa rin siya. Sana mahanap ko na ang lalaking magmamahal sa 'kin. Kung puwede, si Nas na lang Ulit this time kung mangyayari iyon ay tatanggapin ko na siya nang buong puso at walang pag-aalinlangan.
Maya maya ay dumating na si Skyleigh at lumapit siya kay Nas.
"Babe, let's go, alis na tayo para maaga tayo sa lakad mo ready ka na?" narinig niyang sabi ni Skyleigh at nang bumaling siya ay nakita niyang yumakap pa ito kay Nas.
Para na ring ipinagdiinan sa kanya na hindi magkakatotoo ang secreto niyang hiling.
"MARAMI ang nakakaalam na on and off ang relationship n'yo ng girlfriend mo. How true are the rumors that you've parted ways for good?" tanong host kay Nas ng morning show na pinagtampukan nito.
"Napakalayo po sa katotohanan." sagot ni Nas.
"Actually, she's here." Dumako ang tingin nito kay Skyleigh na nakaupo kasama ng audience. "Kagaya ng other couples, we fight but we also make it up. Siyempre hindi naman maiiwasan mag away ang couples diba?"
"Naku, marami ang siguradong manghihinayang at malulungkot na fans mo niyan." sabi ng host.
Marami talaga. Agree si Nicole Kim sa sinabi ng host. Isa na siya sa mga iyon.
"Totoo ba ang tsismis na malapit nang mag- propose si Nas kay Skyleigh?" biglang tanong sa kanya ng isa staff doon.
Nagulat si Nicole Kim sa tanong sa kanya ng staff. Walang nababanggit si Nas tungkol doon pero hindi ibig sabihin na wala itong balak na ganoon.
"Ewan ko," sagot niya.
To naman. Atin-atin lang," pangungulit ng staff.
"Ayon sa reliable sources ko ay nakita niya pumipili ng singsing ang bossing mo. O, para kanino 'yon?"
"Por que ba tumitingin ng singsing, magpo-propose na? Siya na lang kaya ang tanungin mo. Hindi ko talaga alam kung bakit kasi bago lang akong alalay niya." At wala siyang pakialam. Pero hindi niya maitatanggi ang matinding protestang umaalpas sa kalooban niya.
"Hayaan mo itatanong ko na lang sa kanya kapag free time niya," sabi pa niya. "Sige, sige." Naniwala naman ang kausap niya. "l-text mo sa 'kin ang balita, ha? sabihan mo ako kung anong malalaman mo." bilin pa nito.
"Oo ba. "Yon lang pala, eh."
Dahil sa pag-chika sa kanya ng staff ay hindi niya sundan ang pag-uusap ng host at ni Nas. Nagulat pa siya nang may kuha ng pictures niya mula sa camera. Nagulat siya pero pinili pa ring magpaka-poise. Kumaway siya na style beauty queen. Nagtawanan tuloy ang audience.
"Siya ang nag-aasikaso sa mga pangangailangan ko sa ngayon. She is also a very good friend from way, way back" sabi ni Nas na mukhang siya ang tinutukoy "Ay, ang taray. May special mention pa sayo girl." Siniko siya ng staff na kausap niya. Ngiting-ngiti naman siya Ang sarap pala na mapuri, lalo na at on-air iyon. Tinignan naman siya ng staff. "Hoy, umamin ka. May gusto ka sa bossing mo, no?" kantiyaw nito.
"Maka gusto ka." Defensive agad siya.
"Narinig mo naman ang sinabi niya, 'di ba? Friend ako. Friend." "Showbiz mo naman ayaw mo pang umamin halata naman girl" anang isa pang staff na naki join sa pag-uusap nila.
"Bakla ka, 'te," anito, saka sila iniwan. napadaan at
"You're not the first," sabi ng kausap niya. "Pero kung ako sa 'yo, hindi na 'ko aasa. One woman man si Nas. Kaya iyak ka na lang dahil ikakasal na nga raw sila ni Skyleigh." Nag-about face na rin ito at umalis pagkatapos tawagin ng kung sino sa backstage.
Halatang pagod si Nass nang pauwi na sila ni Nicole Kim. Maghapong ngarag ang schedule nito. Nakipag- meeting ito sa record company na gumawa ng unang album nito. Nakipagkita ito sa isang movie producer na nagbabalak itong isali sa isang pelikula. Nag-fitting ito para sa mga damit na isusuot nito sa concert kung saan makakasama nito ang naging finalists sa reality talent search na pinanalunan nito.
Nakapikit si Nas habang umaandar ang sasakyan. Kanina pa humiwalay ng lakad si Skyleigh pagkatapos nitong mangulit nang walang humpay na samahan ito ni Nas sa kung saan. Hindi naman ito napagbigyan dahil sunod-sunod nga ang appointments ng naiinis na nagpahatid na lang ito sa mall at hindi nagpaalam nang maayos sa boyfriend nito. Mula noon ay hindi na umimik si Nas. Na-bad mood din siguro ito sa pangyayari kaya marahil ay dagdagan ang pagod nito. Tinignan ni Nicole Kim ang ang dala niya, saka binuksan ang cooler na nasa tabi niya para tingnan kung malamig pa ang special blend na energy drink na iniinom ni Nas.
"Gusto mong Uminom?" tanong niya kay Nas nang makitang dumilat ito. Itinaas niya ang inumin.
"Mas gusto ko atang gin ang tagayin," biro nito bagaman malamlam ang ngiti nito.
"Puwede rin. Diyan lang sa suking tindahan, meron na. Pero ito na muna'ng inumin mo dahil mukhang
low batt ka na oh wala ka na yatang lakas na natira."
"Hindi lang low. Drained na."
"Ang sipag mo naman kasi, sobra." Mula sa unahan ng van ay lumipat siya sa tabi nito para maiabot dito
ang inumin.
"Dapat lang. Nangako ako noon na kapag nagkaroon ako ng break ay hindi ko sasayangin ang pagkakataon, na pagtatrabahuhan ko 'yon. Pangarap to talaga to, remember? Ang sarap din naman ng pakiramdam na unti-unti ko nang nakakamit ang noon na mga panaginip lang para sa 'kin. May naipundar na ko kahit paano, sapat para sa isang simpleng buhay." "Asawa na lang ang kulang, tama?" biro ni Nicole.
"Oo nga."
"Totoo ba ang tsismis? Magpo-propose ka na raw
kay Skyleigh?" tanong niya rito.
Tumawa si Hans.
"Sandali ka pa lang sa trabaho mo, mukhang naging showbiz ka na, natuto ka agad makipag tsismisan sa iba, mosang ka na agad." biro nito.
"Para malaman mo, maya't mayang kumakalat ang tsismis na yan. Pero sa 'yo ko lang to sasabihin, ha?"
Napasulyap sa driver ng van si Nicole Kim. Maririnig din niya, sabi ng tingin niya kay Nas
"Huwag kang mag-alala, maraming alam sa buhay ko si Tatay Vencio. Proven ko nang hindi siya tsismoso." "Siyempre, bossing, basta ikaw," sang-ayon ng driver nito.
"Ilang beses na 'kong nag-propose kay Skyleigh, pero talagang ayaw pa atta niya." sabi ni Nas. Nalaglag ang panga at puso ni Nicole Kim sa narinig.
"O, ano bang sabi niya? Kailan ba ang kasal? matutuloy din ba kahit paano?"
"Nagdadalawang isip pa siya. Gusto pa raw niyang magpa- kasawa sa pagiging single. 'Hula ko, gusto niya ng mas marangyang pamumuhay na hindi ko pa kayang ibigay sa kanya."
"Aba, ang laki pala ng sira niya. Kung hindi ba naman siya isang tanga..." Naudlot ang umaatikabong paninira niya kay Skyleigh nang maalala niya na minsan ay umasta rin siyang ganoon. Napabuntong-hininga siya. "Marami talagang tangang babae sa mundo." nasabi na lang niya.
"Pero okay na rin siguro yon. Mas namo-motivate ako na Magpakamatay sa pagtatrabaho at mag mas magpursige," sabi ni Nas. Inaayos nito ang pagkakasandal sa upuan, saka siya inakbayan.
"Having you by my side makes it easier."
"Huu, at bakit mo naman nasabi?" "Bukod sa efficient ka at mahusay sa pag-aalaga sa kin, naaaliw rin ako na isang malapit sa puso ko ang nag-aasikaso sa 'kin. Okay din naman si Romary pero iba yong kilalang-kilala ko na ang gumagawa ng mga bagay na napakapersonal para sa 'kin. Nakakasiguro ako na hindi ako lalasunin sa mga pagkain na niluluto para sa akin," biro nito.
Eh paano pala kung gayumahin kita?Naisip ni Nicole Kim.
"Nag-e- enjoy din naman ako," sabi ni Nicole Kim na totoo naman. "Siguro nga ay dahil kaibigan kita."
"Kapag kasama kita, naaalala ko rin 'yong mga panahong simple lang ang buhay.
"Yong ordinaryong tao lang ako na kahit saan ay puwedeng maglakad nang hindi pinagkakaguluhan ng tao. Nakaka-miss din kaya ang gano'n. Kaya nga 'yong mga dating kakilala at kaibigan ko ang lalong naging mahalaga sa 'kin ngayon."
"May mga nakakabalitaan ka pa ba sa kanila?" tanong niya.
"Oo naman. Kahit nga si Acheaus, may komunikasyon pa kami hanggang ngaun madalas pa rin kaming nag-uusap."
"Talaga?" Hindi niya inaasahan iyon. "Interesado ka naman agad sa nalaman mo." Parang nainis si Nas
"Hindi ko lang akalain, taong to parang nagtampo na agad."
"Nasa London siya kaya sorry, hindi kayo magkikita dito lipinas kung iniisip mo na makipagkita man sa kanya." sabi nito sa kanya.
Napailing siya ang gaga niya noon kung maghabol siya dito, Nagkagalit pa sila ni Nas nang dahil doon. Ngayon ay malinaw na si Nicole Kim nang maalala si Acheaus. Para
kanya na mas mabuti nga palang iniiwas siya ni Nas kay Acheaus dahil kung hindi ay baka nasaktan lang siya.
"Teka, no'ng panahong iniiwasan mo 'ko, ay nakita ka raw ni Diane sa mall sa Makati. Lalapitan ka nga raw sana niya pero may nakahawak na babaeng seksi sa braso mo at nagmamadali pa raw kayo. Sino siya?"
Natahimik si Nas, parang inaalala ang tagpong tinutukoy niya.
"Baka si Lettixia," anito pagkalipas ng ilang sandali.
"girlfriend mo dati?"
Umiling ito.
"Nag apply siya pero iba ang gusto ko no'ng mga panahong 'yon." Pagkasabi niyon ay isinandal nito ang ulo sa headrest, saka pumikit uli.
May hula si Nicole Kim na siya ang tinutukoy nito pero hindi na siya nag-tanong kung sino ang tinutukoy nito. Iyon nga lang, muli siyang inatake ng matinding pagsisisi sa pagkakataong pinalagpas niya.