Sa pagiging assistant na lang ni Calheb ang maaaring maging papel ni Nikole Kim sa buhay nito kaya handa siyang gampanan iyon nang walang pagkama- kasarili at walang pag-aalinlangan. Sa loob ng maigsing panahon ay nakabisado na niya ang mga trabaho niya, at na- improve pa nga niya ang mga dating ginagawa niya. Naisasabay pa niya roon ang pagtawag at pagbisita niya sa kanyang ina kapag nakakakuha siya ng pagkakataon.
Iyon nga lang, may hangganan din naman ang maaari niyang pakialaman at pagdating sa usapin ng puso ay wala na siyang magagawa para maayos iyon. Dahil sa palagay niya, ang mismong nobya ni Calheb ang problema.
Totoo pala talagang madalas mag-away ang mga ito. Kadalasan ay si Skyleigh ang nauuna. Thrill na yata nito sa buhay ang magtampo at magpaamo kaya inis na inis siya rito.
Tulad na lang ngayon. Pagpasok niya sa sala ay napakinggan niya ang huling pakikipag away ni
Calheb kay Skyleigh sa Cellphone nito..
"You know what? Do what you want to break up with me? Lagi mong sinasabi na maghahanap ka ng iba. Go for it! yan ang gusto mo diba? fine! I don't care anymore, Let's break up!" Pagkasabi ni Nas niyon ay ibinalibag nito ang cell phone.
Dinampot ni Nikole Kim ang cell phone. Tiningnan niya kung gumagana pa, saka lumapit kay Calheb. Mabuti na lang at sa carpeted na bahagi ng sahig iyon bumagsak kaya hindi nasira.
"Bakit pati sa cellphone mo isinasama mo sa init ng ulo mo kung galit ka? eto o hindi pa siya nasira kunin mo na." Iniabot niya rito ang cell phone.
"Alam kong hindi mo hinihingi ang opinyon ko pero kahit minsan lang sa buhay ko ay magpapaka- epal ako. Hindi nakakatuwa ang kaartehan ng girlfriend mo, ha. Ang mga gimik niya at style puro bulok, pabebe masyado. Kaya tama lang ang sinabi mo sa kanya kanina. Sana lang ay panindigan mo. Kaya mo ba? O susukuan na agad ang desisyon."
Tumingin ito sa kanya sobrang lungkot ng itsura nito kaya naawa siya rito kahit mas masarap itong batukan. Tinapik nito ang espasyo sa tabi nito. Walang pag- aalinlangang umupo siya roon.
"Ano ba kasi ang mali sa 'kin? Bakit lagi na lang akong inaayawan ng mga gusto ko? siguro boring ako kaya hindi sila kontento sa akin, ano ba ang mali sa ginagawa ko? Mahirap ba akong mahalin?" mahabang sabi nito.
Napatingin siya rito.
"Nagpaparinig ka ba sa akin?" hindi niya napigilang itanong.
"Tinatamaan ka ba, sa mga sinabi ko?" ganting tanong nito sa kanya.
"Nanunumbat ka yata eh, ano? Pero sige, aaminin ko tinamaan nga ako. kaya sasamantalahin ko na rin ang pagkakataon para ipagtanggol ang sarili ko. Oo na, inaamin ko. Engot na ako kung engot. Ang tanging maikakatwiran ko lang. eh, hindi naman talaga natuturuan ang puso, 'di ba?"
"Pero ako, gusto mong turuan ko ang puso ko? Baka lang umubra na ito ngayon," biro ni Nikole Kim.
"O kung hindi man, puwede namang magpanggap ka lang na astig. Hindi 'yong kaunting tampu, ay nagpapaamo sa 'yo ang Skyleigh na 'yon na pasensiya na, pero para sa 'kin, ay hindi bagay sa kanya ang pangalan niya. Hindi mala- sky ang ugali niya, 'no demonyita dapat ang pangalan niya kasi ganoon ang ugali niya."
Tumawa si Claheb sa sinabi niya.
"Yan ang gusto ko sa 'yo, eh. Sa kabila ng lahat, nagagawa mong paga- anin ang pakiramdam ko kahit ilang saglit lang tayong magkausap masaya na uli ako."
"Joker ako sa past life ko. O siguro, isang clown. Next lifetime, malamang comedian naman. At, kasing- sikat ko si Vice Ganda."
Tumawa ito pero ilang sandali lang ay sumeryoso rin.
"You know what? Sige, susundin ko ang payo mo. Paninindigan ko 'to. Malalaman namin ni Skyleigh kung mahal ba talaga namin ang isa't isa, kaysa naman 'yong maya't maya kami nag-aaway-bati. Nakakapagod na rin, sa totoo lang."
"Well done!" Pinalakpakan niya ito.
"Bakit parang masaya ka pa riyan na nag-away atta kaming dalawa?"
"Ito naman, medyo lang. Kasi naman, you deserve someone better diba iyong dika sasaktan ng ganyan, iyong mamahalin ka ng lubos at iintindihin ka."
"Like who? sino yang sinasabi mo at liligawan ko na agad." Tinitigan siya nito.
Parang lumipad mula sa katawan ni Nikole Kim ang katinuan niya nang magtama ang mga paningin nila. it can't be explained tila ba nanaginip siya na nag-hahalucinate na di niya maipaliwanag bumilis din ang t***k ng kanyang dibdib. Sa pagkakataong iyon ay hindi lang siya naubusan ng oxygen. Parang may mainit na liquid na inilagay sa kanya at ngayon ay mabilis iyong dumadaluy sa kanyang mga ugat.
Masyadong maganda ang mga mata ni Calheb para sa isang lalaki. Soulful. Iyon siguro ang tamang paglalarawan doon. Iyon bang parang may malalim na emosyong mababasa sa mga iyon.
"A-ang.... dami kaya. Nandiyan si... Ano si.. Ano.. " Pinilit niyang alalahanin ang mga babaeng na-link dito pero bigla ay hindi niya maalala kahit isa sa mga iyon.
"Basta marami diyan sa paligid hindi mo lang nakikita kasi bulag ka ng iyong pagmamahal kay Skyleigh."
"Marami pero wala kang masabi. Hindi nga siguro ako ka-mahal mahal at charming." Mukha itong kawawa.
"Kutusan kaya kita diyan. Ikaw pa ang hindi ka-mahal mahal at charming kung tutuusin maraming nagpaparamdam sayo."
"Hindi ka nga na-in love sa 'kin no'n, eh di ba?" hindi mo man lang ako nagustughan kahit andiyan na ako sa harap mo na ginawa na lahat para mapansin mo, pero waley pa rin talaga ni reject mo ako."
"Akala mo lang 'yon nahuli lang ako." mahinang sabi ni Nikole na malinaw pa ring narinig ni Calheb.
"What?" may ibinubulong ka atta lakasan mo para marinig ko naman hindi iyong ikaw lang ang nakakarinig, share mo yan sa akin." Mukhang nagulat ito.
Natahimik siya. Ano ba ang nasabi niya? Nakakahiya na ngayon pa siya magpapakita ng motibo rito. Baka isipin nito na oportunista talaga siya.
"Ahm, 'sabi ko, 'wag ako ang gamitin mong modelo. Inamin ko nga, 'di ba? Tanga ang puso ko dati kaya ganoon."
Pinisil niya ang mga pisngi nito. "Yang guwapo mong `yan, hindi ka-in love-in love, hindi charming hindi yan totoo. At 'wag kang mag-alala kung talagang si Skyleigh ang gusto mo. I'm sure, matatauhan din ang isang yon. Sindakin mo lang nang kaunti at baka umapekto. Wag mong hayaan na siya ang sisindak sayo at ikaw ang sumuko sa kanya."
"Siguro nga, tama ka. Masyado na siyang na-spoil sa 'kin, Dahil lahat ng gusto niya ay ibinibigay ko."
"Napansin mo rin pala kaya ugali niya ay pabebe masyado."
Tumawa si Calheb ng Malakas.
"Ah, Nikole Kim, ano ba ang gagawin ko kung wala ka? Siguro kung di kita kasama ngayon nagkulong ako sa kuwarto at uminom ako mag- isa." Kinabig siya nito at inakbayan.
Napapikit siya nang isiksik nito ang mukha sa leeg niya. Hindi niya madescribe ang kiliti, pati na ang tuwa, na gumapang sa kanya sa paglalambing nito. Wala sigurong ibig sabihin dito ang ikinikilos nito pero hindi niya maiwasang maapektuhan niyon.
Hinay-hinay ka, Nikole Kim, mahigpit na paalala niya sa sarili. Hindi niya maaaring panghawakan na nagkagusto ito noon sa kanya dahil iba na ang sitwasyon ngayon. Ang problema lang, mukhang bumabalik ang pagmamahal niya rito na huli na nang maramdaman niya iyon noon.
"In a way, I'm glad we had that history at magkaibigan tayo noon pa man palagay ang loob ko sayo,"
sabi nito nang alisin na ang pagkakapatong ng ulo sa balikat niya.
"At least, sure ako na hindi mo mami-misinterpret ang kilos ko at magigising na lang ako isang umaga na hinahabol-habol mo na ako dahil may gusto ka na pala sa akin." sabi nito sa kanya.
Huwag kang pakasiguro, muntik niyang isagot dito pero naisip din niya, baka diplomatikong paraan iyon ni Calheb ng pagsasabi sa kanya na huwag siyang umasa. You had your chance, ika nga. Pinalagpas mo. Ngayon, tiis ka. Sermon ng kanyang isip sa kanya.
"Oo naman. Ako pa, kaibigan tayo di ba?" sabi na lang niya.
Mukhang handang sundin ni Nas ang payo ni Nikole. Tinikis nga nito si Skyleigh. Dahil halos beinte kuwatro oras silang magkasama, alam ni Nikole.Kim na hindi nito tinatawagan ang dalaga. ipinag-mamalaki pa nga nito na hindi nito iyon ginagawa. Ang mas ikinatuwa ni Nicole, parang hindi naman gaanong iniinda ng binata ang pagkakagalit na naman nito at ng girlfriend. Maaaring mahusay itong magpanggap o nasanay na ito.
Nandoon sila ngayon sa shooting ng Myx ng carrier single ni Calheb. Pinag-aaralan pa ang blocking at wala pa ang babaeng makakapareha nito sa video.
"Tatayo ka rito, lalakad paikot sa fountain, at bigla mong masasalubong si Azirha," anang direktor ng Myx na ang tinutukoy ay ang kapareha ni Calheb.
"Ang tagal naman ng babaeng 'yon. Stand-in nga muna tayo." Luminga-linga si Direk Zinn.
"Hmmm, i want you girl ikaw na muna ang kapareho ni Calheb." Itinuro siya nito.
"Wait me? H- hindi ako marunong umarte," sabi ni Nikole Kim.
"Stand-in ka lang, loka. Hindi ikaw Dali na." ang kukunan
Sinunod na lang niya ang direktor.
"Okay, ganito." Ipinaliwanag nito ang gagawin niya saka ito lumayo para tingnan ang anggulo.
"Gawin mo nang may kaunting feelings, ha?" bilin kanya. "Music please," sabi nito nang nakaposisyon na sila. Nagsoar up ang awitin ni Nas.
"Action!" pa nito sa lumakad si Calheb, parang malungkot na malungkot. Ang tema kasi ng kanta ay hiwalayan. Umikot ito sa fountain. Iyon na ang simula ng pag arte niya. Sinalubong niya ito. Nagtama ang kanilang mga paningin. Matagal. Hanggang sa unti-unting ngumiti ang binata.
Mahusay din palang umarte si Calheb dahil nang tumingin ito sa kanya, pakiramdam ni Nikole Kim ay hinaplos ang puso niya ng malaking kamay. Kung titigan kasi siya nito ay para bang nag-uumapaw ang pagmamahal nito sa kanya. Nakakadala. At nang ngumiti ito, pakiramdam niya ay nagliwanag ang buong paligid.
Hinawakan ni nga Calhen ang pisngi niya at inilapit ang mukha nito sa mukha niya. Lahat ng ginagawa nila ay base sa script, pero bigla ay nakalimutan ni Nikole na umaarte lang siya. Totoong-totoo ang paninikip ng dibdib niya na dulot ng pinaghalong excitement at pag- asam. Habang lumalapit ang mukha ni Calheb sa kanya ay napapikit siya, sabik na hinintay ang paglalapat ng mga labi nito sa mga labi niya.
"CUT!"
Nagulat si Nikole Kim nang sumigaw ang direktor. Napadilat siya at nakita niyang kahit si Calheb ay tila nabigla din. Nakatingin pa rin ito sa kanya. Naroon pa rin ang napakagandang ngiti sa mga labi nito.
"May chemistry kayo," sabi ni Direk Zinn.
"Sige, stand-in ka na rin muna sa ibang eksena," sabi nito sa kanya
Parang hindi pa rin makagalaw si Nikole. Nag- trance na yata siya, o kaya ay sinaniban ng engkanto dahil ang tanging nagawa niya ay tumulala kay Calheb.
"Halika na." Tinapik nito ang pisngi niya, siguro ay para mahimasmasan siya.
"Ah, eh, s-sabi ko nga halika na," aniya na nagbara yata ang mga salita sa kanyang lalamunan.
Calheb was so close to Nikole kim he could almost taste her lips. Inaamin niya na saglit niyang nakalimutang eksena sa Myx ang ginagawa niya. Inakala niya na nangyayari iyon sa totoong buhay. Bigla siyang naibalik sa panahong in love na in love siya kay Nikole Kim. Pagmamahal na habang pinapatay niya iyon ay isa lang ang magagamit niyang deskripsiyon sa prosesong pinagdaanan niya: Dammit! Hellish! mura niya sa sarili alam mo naman na masakit ang mabasted, lalo na kung paulit-ulit. Pero mas masakit na nagalit sa kanya ang babaeng mahal niya dahil inilayo niya ito sa lalaking totoong gusto nito. Matagal na ring nangyari ang pag-aaway nila ni Nicole Kim tungkol kay Acheaus, pero nakatanim pa rin iyon sa puso niya hanggang ngayon hindi niya makalimutan.
Tingnan mo kung ano ang tinanggihan mo. Inaamin din niya na may bahagi siya na gustong pamukhaan si Nikole Kim kung ano ang nakamit niya pero sa pagbabalik ng closeness nila. at pagkatapos niyang makita ang pagtulong nito sa kanya, ay napagdesisyonan niyang wag nalang niyang gantihan ito o ipamukha dito ang nakamit niya ngayon.