CHAPTER 11

1484 Words
HANGGANG ngayon ay hindi pa din ako kinakausap ni Gab. Hindi ko naman talaga gustong masabi ang mga salitang iyon. Masyado lang ako nadala ng selos sa nakita ko. Alam ko kung paano tingnan ni Aries ang asawa ko at alam ko ang ibig sabihin ng mga titig na iyon dahil lalaki din ako. Anytime na makakuha ng pagkakataon ay siguradong aatake agad yun. Hindi ko din siya malapitan sa opisina dahil madalas si Nicole na nasa tabi ko. Sa bahay naman pagkauwi ko galing opisina natutulog na siya or nagtutulog tulugan lang para iwasan ako. Alam kong sobra ko siyang nasaktan. Napabuntong hininga na lang ako, hindi ko alam kung ano ang dapat ko gawin ngayon. Ayoko lalong lumala ang away naming magasawa. "Problem?" nagulat ako ng may magsalita sa pinto. "Nicole. .." lumapit siya sa akin at puwesto sa likod ko at marahang hinilot ang sintido ko."Masyado ka yatang stress this past few days, remember party bukas baka magmukha kang gurang." biro nito na ikinatawa ko. Napapikit na lang ako habang minamasahe nya kahit paano magaan sa pakiramdam ang ganito kapag madami ka iniisip. "By the way, pwede bang ikaw na lang ang partner ko bukas?" naglalambing na sabi nito habang marahang bumaba ang mga kamay sa dibdib ko at ipinatong ang baba nya sa balikat ko. "Aaaayyy!!! N-naku po!!! Sorry ! Sorry!" nagulat ako sa tili ng kapapasok pa lang na secretary at nakita kami sa ganung posisyon. Mabilis na pilit kong inaalis ang kamay ni Nicole pero hindi ito nagpatinag. "It's okay." matamis na ngumiti ito." May kailangan ka kay Tim?" "Ah...eh ....mag...magpapa---pirma lang po."tila hindi nito alam ang sasabihin at hindi mapakali sa pagtingin sa amin. Pinilit ko tanggalin ang mga braso ni Nicole bago tumayo. Lumakad ako palapit sa secretary at inabot ang mga dala nitong papeles. Akma na itong aalis ng tawagin ito ni Nicole at lumapit sa akin. "Tell me....bagay ba kami?" kinikilig na tanong ni Nicole. "Ayy! Opo naman Maam!! Bagay na bagay po." masigla naman sagot nito. "See?" bumaling siya sa akin at kumindat."Hindi lang naman sila ang may crush sayo, pati ako nuh?." at inangkla nito ang kamay sa mga braso ko. "Bakit kasi hindi na lang maging tayo di ba?." Magalang na inalis ko ang mga kamay ni Nicole na nakahawak sa akin. "Excuse me...alam ko may mga kailangan pa tayo tapusin this week. I need it before 4pm". seryoso kong sabi bago bumalik sa table ko. Nagmamadali namang lumabas ng opisina ang secretary at sinundan ng nagmamaktol na si Nicole. Napabuntong hininga nanaman ako ng maiwan ako magisa. Habang nagtatagal ay masyado ng obvious si Nicole sa pinapakita nya sa akin. Pinipilit ko siyang iwasan pero talagang determinado siyang mapalapit sa akin. Minsan naaawa na lang ako sa kanya, hindi ko din naman direktang masabi sa kanya ang dahilan. Itinuon ko na lang ulit sa mga papeles ang atensyon ko, madami pa ako kailangang tapusin. ********************** SABADO. Before 6pm ay nasa venue na ako ng party. Hindi kami sabay ni Gab dahil hanggang ngayon ay hindi pa din kami nagpapansinan. Hindi ko pa din siya nakikitang dumating, madami na sa mga empleyado ang mga naroon at abala na sa pagkukwentuhan at kainan. Mayamaya ay napako ang tingin ko sa entrance ng hall ng pumasok mula doon si Gab at pagtinginan ng mga tao. Sino bang hindi? She's wearing a silver spaghetti party dress na ang haba ay kalahati lang ng hita nya at humahapit sa katawan nya. Makikita mo ang magandang hubog ng katawan nya mula ulo hanggang paa at bahagya pang nakalabas ang cleavage nya sa baba ng neckline nito. Tinernuhan nya ng gladiator sandals na may 2inches heels na color white. Pinusod nya ang buhok nya ng buo paitaas at nagiwan lamang ng ilang hibla na nakabagsak sa magkabilang gilid. Kitang kita ko ang admiration sa mga mata ng mga taong nasa party. Lalo pa akong napanganga ng lumagpas siya sa pwesto ko at tumambad sa akin ang bukas na likod nya. Hindi ko alam kung namalik mata lang ako pero nakita kong bahagyang ngumisi si Gab pagdaan sa tabi ko. Sinundan ko siya ng masamang tingin na ngayon ay busy na sa pakikipagkwentuhan sa mga empleyado. Napalagok ako bigla ng wine na hawak ko sa nakita ko. Balak ko na sana siyang lapitan ng may humatak sa braso ko. Paglingon ko ay si Nicole, malapad ang ngiti nito at hindi din papahuli sa suot nitong black tube fitted long dress na may slit sa magkabilang gilid na aabot hanggang sa taas ng mga hita nito. Aaminin ko, kahit sinong lalaki makakakita kay Nicole ay matutukso lalo pa at masyado itong open sa pagpapakita ng interes. Napalunok ako ng naglambitin siya sa leeg ko at bahagyang inilapit ang mukha sa akin. Naamoy ko na ang alak sa hininga nya. Hindi ko alam kung anong oras siya dumating at kung gaano na kadami ang nainom nya. "Hi Tim. How do i look?"bahagyang pasigaw na tanong nito. Medyo malakas kasi ang tugtog sa party. "Pretty." tipid kong sagot habang tinatanggal ang mga kamay nya sa leeg ko. Napatingin ako sa direksyon ni Gab, buti na lang at abala siya sa mga kausap kaya hindi nya kami kita ni Nicole. Medyo madilim din ang ilaw at tanging party lights lang ang nagbibigay liwanag. "C'mon let's enjoy the party ..." aya ni Nicole habang marahang umiindayog ang katawan na bahagyang dumidikit sa akin. Medyo maharot kasi ang tugtog at marami na din sa mga empleyado ang nageenjoy sa saliw ng musika. Napansin ko namang puro kalalakihan ang halos nakapalibot kay Gab. Tila naman nageenjoy ang asawa ko at malakas na nakikipagtawanan. Hindi na ako makapagtimpi, dahil lango na din naman sa alak si Nicole mabilis ko lang siya naiwan at pinuntahan si Gab. "Hi Sir Tim!" bati ng mga empleyado ng makalapit ako. Ngumiti ako sa kanila at pasimpleng bumulong kay Gab. "What the hell is your wearing?!!" galit na anas ko sa tenga nya. Pero imbis na sumagot, kumuha siya ng isang glass of wine sa napadaan na waiter at nakakalokong ngumiti lang sa akin. "Hey Gab!!!" tawag ni Aries sa di kalayuan. "Wow!!! You look so sexy and gorgeous!" papuri nito kay Gab. Habang pinasadahan ng tingin ang asawa ko mula ulo hanggang paa. "Thank you. Maliit na bagay." nakangiting sagot ni Gab. Nakuyom ko ang mga kamao ko sa pagpipigil ng galit, napansin kong napatingin si Gab sa mga kamao ko. Tumingin siya sa akin ng walang ekspresyon bago nagpaalam. "Excuse me guys...need to go to the CR." bago ibinaba sa maliit na table na bilog ang hawak na wine glass. Pagkaalis nya ay mabilis ko siyang sinundan sa labas. Hinatak ko siya sa braso para mapatingin sa akin. "Sinusubok mo ba ang pasensya ko Gab?!!" galit na sigaw ko sa kanya. "Ano bang problema mo?" mahinahong tanong nya habang binawi ang brasong hawak ko. "Ikaw ang problema ko! Nakikita mo ba kung paano ka pagtinginan ng mga tao sa loob?!!" "Yes. I know. Oh? Hindi ba ganung klaseng babae naman ang tingin mo sa akin? Attention seeker?" sarkastikong sagot nito. "C'mon Gab! Alam mo naman na nagseselos lang ako! Hindi mo ba alam na mahirap din sa side ko ang ganitong set up?!!!" "I already told you Tim. Kung hindi mo kaya...hindi kita pipilitin. Handa ako sa consequences ng desisyon ko. At willing ako tanggapin ano ang kalalabasan nito sa huli." buo ang loob na sabi ni Gab bago muling tumalikod sa akin. Mabilis ko siyang hinatak pabalik at hinapit sa bewang palapit sa akin. "Please be reminded also my dear wife, that you are mine...and im willing to take risk." at siniil ko siya ng halik sa labi. At siyempre alam ko namang hindi kaya ng asawa ko iresist ang charm ko. Mabilis na pumulupot sa leeg ko ang mga braso nya at gumanti ng halik sa akin. Ilang araw din kaming nagtiis. Alam kong mali ang mga nasabi ko at handa akong bumawi sa kahit anong paraan. Hindi ko papayagan na masira kami ng dahil lang sa selos at kawalan ng tiwala. Nang pumasok ako sa relasyon na ito, binigay ko na ang buong tiwala ko kay Gab. May mga panahon nga sigurong darating ang ganito pero hinding hindi ko papayagan na mawala sa akin ang pinakamamahal ko. "Gosh! I missed you." anas ko ng maghiwalay ang mga labi namin at kapwa kami naghahabol ng hininga. Ngumiti siya sa akin at muli akong diampian ng halik sa labi bago nagaya na bumalik na sa event hall. Sinamaan ko siya ng tingin bago hinubad ang suot kong coat at ipinatong sa mga balikat nya. Natatawang kinurot nya ang magkabilang pisngi ko at nagpatiuna ng bumalik sa loob. Habang pinagmamasdan ko siya sa likod napabuntong hininga ako. Haaayyyss! Pasalamat ka talaga at mahal na mahal kita Therese Gabrielle Garcia-Lopez.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD