CHAPTER 12

1577 Words
MASAKIT na ang ulo ko sa dami ng kailangang gawin at tapusin. Malapit na ang annual party ng company kaya naman puspusan na ang mga gawain. Napatingin ako sa relo na suot ko, ala una na pala. Hindi pa ako nagtatanghalian, tumayo na ako para puntahan si Gab sa opisina. Yes. After ng party we decided na mas maging open , we allowed ourself to eat together every breaktime. Pero siyempre bawal pa din umamin haha! Kinda found it exciting! Sabagay wala naman pakialam ang asawa ko, kahit nga napaguusapan na kami sa opisina binabalewala nya lang. She can handle what people throw at her. Sa akin? Boss ako, kaya siguro wala ako marinig na hindi maganda sa kanila. Kumatok ako sa pinto ng opisina nya bago pumasok. Alam nya siguro na ako kasi hindi man lang siya nag abala na iangat ang ulo para tignan kung sino ang pumasok. "Im hungry Sweetie, can we take our lunch?" parang batang naglalambing na sabi ko. "You can go first, i need to pass it to Nicole by 3pm." sagot nya habang abala pa din sa ginagawa. "May lunch break po tayo Mrs. Lopez, pwede mo yan tapusin mamaya."napaangat ang mukha nya at napatingin sa pinto bago ako sinamaan ng tingin. "Bunganga mo. Mamaya nyan may makarinig sayo."babala nya sa akin. "Oooppps! Sorry!" nakangiting sabi ko bago lumapit sa table nya at umupo dito. "Tim naman eh...alis dyan." pagtataboy nya sa akin dahil naupuan ko ang mga papel na ginagawa nya. "Do it later okay? It's the boss order." seryoso kong sabi sa kanya at kinuha ang kamay nya para hatakin patayo sa upuan nya. Wala na siya nagawa kundi ang magpahila sa akin. Paglabas ng opisina at nandyan na naman ang mga mata ng mga taong nanghuhusga. May iba na natutuwa at may iba naman wala naman ginawa kundi ang magsalita ng wala naman talagang alam. Nakakatawa na lang, ano na lang kaya ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang totoo. Napatigil ako ng masalubong namin si Nicole. Nakataas ang kilay nito at nakatingin sa mga kamay namin ni Gab na magkahawak. Tumikhim muna ito bago nagsalita. "Are you done Ms. Garcia?" mataray na sabi nito. "Konting adjustment ang finalization na lang Nicole, ipapasa ko sayo before 3pm." sagot ni Gab habang pilit na hinihila ang kamay nya. Mas lalo ko pa hinigpitan ang hawak dito. "I need it now." napanganga si Gab sa sinabi ni Nicole. "Hmmm...maglulunch lang ako ng mabilis then ipapasa ko sayo." "Can't you hear? I need it now! Madami din ako gagawin hindi lang ikaw." This past few weeks ay mas lalong pinagiinitan ni Nicole si Gab sa opisina. Mahaba lang talaga ang pasensya ni Gab sa mga taong katulad nya. Kinausap ko na din si Nicole na hindi maganda na binibigyan nya ng maling interpretasyon ang mga tao sa opisina dahil sa pinapakita nya sakin. Kaya siguro lalong napag initan si Gab. Ayoko na din naman na umasa pa siya sa akin pero mukhang hindi susuko ang babaeng ito. Tungkol naman kay Aries, may bago na naman siyang pinopormahan sa opisina, mukha naman nakuha na nya na ayaw sa kanya ni Gab. Madalas ko pa din nakikita na nakikipagusap sa asawa ko, makikita mo pa din ang interes nya kay Gab pero malaki ang tiwala ko at alam kong ginagawa ni Gab ang lahat para umiwas "Nicole...matagal pa ang deadline ng mga iyon. Besides, hindi naman natin binabayaran ang break ng mga tao diba?" hindi na ako nakatiis kaya nagsalita na ako. Naramdaman kong hinigit ni Gab ang kamay ko, tanda na pinatitigil nya ako. Ayaw nya kasi ng pinapatulan pa ng ganito si Nicole. "Hi!" napalingon kami pareparehas ng may magsalita sa likod namin. "May problema ba?" "Aries. .." tawag ni Gab. "Pinakuha ko na sa secretary mo yung mga papeles sa table. May babaguhin lang kasi ako sa budgeting. You can take your lunch habang inaantay mo." nakangiting sabi ni Aries at kumindat sa amin ni Gab. "Yun naman pala eh..now, can you excuse us Nicole?" sabi ko habang hinatak na si Gab paalis doon. ************** Kasalukuyang nasa opisina ako ni Nicole at hinihintay na matapos ang ginagawang pagcheck nito sa mga pinasa kong dokumento. Nangangalay na ang mga paa ko dahil mahigit sa dalawampung minuto na ata ako nakatayo. Paulit ulit lang naman ang ginagawa nyang paglipat ng mga pahina tapos babalik nanaman sa umpisa. Mayamaya ay isinara na nito ang binabasa bago tumayo at lumapit sa akin. Nagpaikot ikot siya sa akin habang pinagmamasdan ako mula ulo hanggang paa at vice versa. Matapos ay pasandal na umupo ito sa table nya habang nakahalukipkip. "Maganda ka nga. ..and you're smart. Siguro alam mo naman kung saan ka lulugar?" seryosong sabi nito habang nakatitig sa mga mata ko. "Tungkol ba ito kay Tim?" napataas ang kilay na tanong ko sa kanya. "Matalino ka nga talaga Therese." tumayo ito at lumapit sa kanya. Halos ilapit na nito ang mukha sa kanya. "Lumayo ka kay Tim." pagbabanta nito. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa babaeng ito. Hindi ba dapat ako ang nagsasabi sa kanya ng mga salitang yan dahil ako ang asawa?? Bahagya akong umatras bago nagkibit balikat at nangaasar na ngumiti. "Nakakadissapoint ka naman Ms. Nicole." nanguuyam na sabi ko. Nakakainis kasi kung paano siya umasta,akala nya siguro magpapatinag ako sa kanya. "What?!" tila nainis naman ito. "Akala ko mas matalino ka kasi sa akin. Ang alam ko kasi nilinaw na sa'yo ni Tim na walang namamagitan sa inyong dalawa and pure business lang? Kaya nakakapagtaka na inuutusan mo ako layuan siya? So ibig sabihin, hindi mo nakuha kung ano ang sinabi nya sa'yo?" "You!" galit na dinuro nya ako pero hindi ako nagpakita ng takot. Haler?! Ako ang legal wife nuh?! "Kung ako sa'yo, makinig ka na lang kay Tim. And stop telling me na layuan siya, i know what you feel Nicole but it's better for you to stop. I don't want to explain anything to you pero i guess naipaliwanag na ni Tim sayo na wala siyang interes sa'yo." "And who are you to tell me those things??! You think kayo ang nababagay? As far i know, hindi ka naman galing sa kilalang pamilya at wala ka maipagmamalaki." "Alam mo Nicole, it's not about money and kung saang angkan ako nagmula. I know myself better than you know me. Hindi ko kailangang makipagkumpetensya sa kung anong meron ka." "Huh! Anong akala mo? Papatulan ni Tim ang katulad mo? Nananaginip ka ba Therese?." Ikaw ata ang nananaginip. Gusto kong maawa sayo pero nakakainis yung ganyang klaseng ugali na pinipilit isiksik ang sarili sa taong ayaw sa kanya. I hate flirts!! Lalo na at wala naman kayong label. "Oh? Natauhan ka na ba?" napangiti na lang ako ng magsalita siya ulit. "I have no time for this Nicole. Whatever's Tim decision please respect that. Huwag mo ipilit ang sarili mo dahil masasaktan ka lang." seryosong advise ko sa kanya. "Hahahaha! Let's see kung sino ang masasaktan sa atin sa bandang huli." confident na sabi nito sa kanya. Ngumiti na lang ako sa kanya bago nagpaalam na lalabas na. Dumeretso ako sa office ni Tim, ngumiti si Lea pagkakita sa akin. "Busy ba si Tim?" tanong ko ng makalapit sa table nya. Siyempre kahit na nasa akin lahat ng previlage bilang asawa nya hindi ko ginagamit sa trabaho ang mga advantages ko. "Alam mo naman kahit busy yun basta ikaw ang naghanap hindi pwedeng hindi ka pagbigyan." pabulong na sabi nito. "Ikaw talaga ...so pasok na ako?" matapos nya tumango ay dumeretso na ako sa loob. May kausap si Tim sa kabilang linya ng pumasok ako. "Sige po 'Lo. My wife is here. See you soon. Love you." paalam nito. Si Lolo pala ang kausap nito. Mabilis na lumapit ito sa akin at yumakap. Bahagya ko siyang naitulak kasi naman kitang kita sa labas ang mga kilos namin sa loob lalo na at hindi nakababa ang blinds sa opisina nya. "Ooopppss! Sorry!" sabay pisil sa tungki ng ilong ko. "Aray naman." reklamo ko sa kanya. "Bakit naligaw ka ata dito?" takang tanong nito. Hindi ko naman kasi ugali na magpunta sa opisina nya tulad ng madalas gawin ni Nicole. "Nakakastress lang ang araw na ito. Gusto lang kita masilayan kahit sandali." biro ko sa kanya. Ayoko na ikwento pa ang napagtalunan namin ni Nicole dito. Siguro sa bahay na lang paguwi namin. "Uyy! Mrs. Lopez. ..ikaw ha?" "Oh bakit?? Hinaan mo boses mo ..sira ka! Baka mamaya may makarinig sayo ...saka ano bang masama nuh?! Kinilig ka naman agad!" depensa ko. "Masama bang kiligin?...Tell me, may nangyari ba?" nanghuhuli na tanong nito sa kanya. "Wala nga ...nga pala, bakit napatawag si Lolo?" pagiiba ko sa usapan. "Ah..may party ata kina Lolo Edz this weekend. Iniinvite daw kami ni Lolo." "Kasama si Nicole?" may halong selos na tanong ko. "Oo naman...natural ..apo nya y-------" napatigil ito ng marealize ang sinasabi. Nag peace sign ito sa kanya at nagpa cute ng mata. "Hmmmpp! Ok lang. ..basta magbehave ka doon ok?!!". bilin ko skanya. Wala din naman ako magagawa dahil hindi naman ako maisasama ni Tim. Ang magagawa ko lang ay magtiwala. Mabilis na pindot ni Tim ang remote para sumara ang blinds sa opisina nya at lumapit sa akin. Hinatak nya ako sa bewang at mariing hinalikan sa mga labi. "Opo Sweetie. Promise!" yun lang naman ang kailangan ko. ASSURANCE and SECURITY.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD