TIM'S POV
Madami ng tao sa party ni Lolo Edz, siguro dahil medyo late na din kami nakarating ni Lolo. Napatingin ako sa relong suot ko. Alas syete na din pala.
Habang alalay ko si Lolo sa paglalakad ay lumilibot ang paningin ko. Mga kilalang tao din sa mundong ginagalawan namin ang mga naroon.
"Lo..ano po ba ang okasyon ngayon kina Lolo Edz?" tanong ko, hindi man lang kasi kami nakapagdala ng mga regalo samantalang nakita ko sa ibang bisita na may dala.
"Hindi ko din alam Apo. Wala naman nasabi si Edz sa akin basta inimbita lang tayo." sagot ni Lolo. Hayaan mo na kapag nalaman natin pwede naman na cash na lang ang ibigay."
Mayamaya pa ay natanaw ko si Nicole na palapit sa amin. Habang palapit sa amin ay kinakamayan siya ng mga tao. Birthday ba nya? napaisip ako.
"Hi po Lolo Vic!" bati ni Nicole ng makalapit sa amin at nagmano kay Lolo.
"Hi hija! Napakaganda mo naman talaga". papuri ni Lolo. Naka off shoulder puscha pink long gown kasi si Nicole na bagsak lang ang tela na may design na mga sequence.
"Naku! Thank you po 'Lo." bago bumaling sa akin at humawak sa braso ko.
"Buti dumating ka, tara na nagaantay na si Lolo." aya nya sa amin ni Lolo.
Hindi ko alam bakit ang saya ni Nicole ngayong gabi, hindi mapatid ang ngiti nya sa mga labi nya habang nakahawak sa akin at akay namin si Lolo.
Nang makita kami ni Lolo Edz na magkakasama ay kumaway ito bago pumunta sa gitna at inabot ang nakahandang mikropono doon.
"Magandang gabi mga kaibigan at kapamilya. Nais kong magpasalamat sa inyong pagpunta. Ang ilan sa inyo ay alam na ang dahilan ng pagtitipon na ito. Hindi na ko na din patatagalin pa dahil nandito na ang hinihintay natin." mahabang litanya ng Lolo ni Nicole habang nakangiting nakatingin sa amin na nakalapit na sa kanya.
"I want to introduce to you. ..my grand daughter Nicole Ezperanza and her future husband Timothy Dave Lopez." masayang pagaanunsyo ng matanda.
Napako ako sa kinatatayuan ko sa mga narinig ko, hindi ako makapaniwala sa nangyayari at sa mga sinabi ni Lolo Edz.
Anong nangyayari? Tama ba ang pagkakarinig ko na pinakilala ako bilang magiging asawa ni Nicole??!! Ano bang kahibangan ito???!!
Nang mag sink in sa akin ang lahat, galit na humarap ako kay Nicole na isang pagkakamali. Saktong pagharap ko sa kanya ay sumalubong sa akin ang kanyang mga labi. Pumulupot sa leeg ko ang mga braso nya at diniinan ang halik.
Ilang segundo din ako hindi nakahuma, hanggang sa matauhan ako sa masigabong palakpakan at kislap ng mga camera ng mga taong nandoon.
Marahas na bumitaw ako kay Nicole at tinitigan siya ng masama. Tila naman natauhan si Nicole at
namuo ang mga luha sa mga mata.
Napatingin ako kay Lolo Edz na nagtataka din ang tingin sa amin ni Nicole. Pagkatapos ay bumaling ako kay Lolo na nabigla din sa mga nangyari.
Akmang aalis na ako sa eksena ng pigilan ako ni Lolo. Nakakunot noo na tiningnan ko siya.
"Let me talk to Edz first." mahinang sabi nito. Ayaw siguro ng Lolo nya na mapahiya ang kaibigan.
Napatango na lang ako bilang paggalang sa matanda. Nilingon ko si Nicole na pilit na ngumiti sa mga bisita at umiiwas ng tingin sa akin.
Naiinip na nakatanaw ako sa dalawang matanda. Hanggang sa napansin ko na nagdilim ang mukha ni Lolo Edz. Pero nakikita ko na mahinahon lang si Lolo na nagpapaliwanag sa matanda.
"Tim. ..." narinig kong sabi ni Nicole sa tabi ko.
"Don't you dare say a word." galit na sagot ko sa kanya. Baka hindi ako makapagpigil at mapahiya silang mag Lolo.
Natameme naman ito at mayamaya ay napasigaw. Napatingin ako sa tinitingnan nya ng makita namin na sapo sapo ni Lolo Edz and dibdib nya at marahang tumumba sa kinatatayuan.
Kahit na galit ay mabilis na lumapit ako sa matanda, ganun din si Nicole na umiiyak at hindi malaman ang gagawin.
"Call an ambulance!" sigaw ko kay Nicole na natatarantang kinuha ang phone at nag dial.
Habang nagkakagulo ay nakalapit na ang nurse na nangangalaga kay Lolo Edz at binigyan ng first aid habang nagaantay sa saklolo.
***********************
GAB'S POV
Alas siyete na ng gabi. Marahil ay nasa party na sila Lolo at Tim. Nasa sala ako at nanonood ng mga news ng mag ring ang cellphone ko.
Agad ko dinampot iyon ng makitang ang Tita Mabel ko ang tumatawag, kapatid ni Papa. Nagtaka naman ako dahil bihira lang ito tumawag sa kanya.
"Tita? bakit po?" tanong ko sa kanya pagkasagot sa telepono. Pero imbis na saliti ay mga hikbi ang narinig ko na ikinakaba ko.
"T-tita bakit po? M-may nangyari po ba?" kinakabahang tanong ko.
Paunti unti ay nagkwento ang tita nya sa kabilang linya. Tila siya nawalan ng lakas sa mga narinig. Nang makahuma ay nagmamadaling tinawag nya si Mang Bert. Hindi nya alam kung kakayanin nya magmaneho sa ganung sitwasyon.
"M-Mang Bert...pwede ho ba pakibilisan?" umiiyak na sabi ko.
Tumango lang si Mang Bert, hindi na nya nagawang tawagan si Tim dahil nakalimutan nya ang telepono sa bahay sa pagmamadali. Pagdating na lang nya siguro sa hospital.
Nagdadasal siya habang nasa byahe na sana ay mailigtas ang Papa nya. Inatake ito ng presyon at nawalan ng malay habang kumakaen sila ni Mama. Si Tita Mabel lang ang malapit na kaanak sa kanila kaya marahil ito na ang tumawag sa kanya.
"Magtiwala ka lang sa Diyos Therese. Kailangan mo lakasan loob mo." sabi ni Mang Bert ng mapansin na hindi siya mapakali.
"Salamat po. Ah Mang Bert baka pwede ho pakitawagan si Tim pagdating natin sa hospital. Naiwan ko ho kasi ang cellphone ko." bilin nya. Alam na din naman ni Yaya Eden kaya lang baka late na makakauwi si Tim dahil ihahatid nya pa si Lolo.
"Sige ako ng bahala magsabi kay Tim."
Nang makarating sa hospital ay agad na sinalubong siya ng Tita Mabel nya. Nagtataka man dahil may driver na naghatid sa kanya ay hindi na nagusisa. Mabilis siyang inakay nito sa loob at nagpunta sa ward area. Nandoon ang Papa nya at natutulog habang hawak ng Mama nya ang isang kamay nito.
"Ma. .." tawag ko ng makalapit sa kanya.
"A-anak . ..." naiiyak na sambit nito ng makita siya.
"Ayos lang yan Ma. Ipapalipat ko po si Papa sa maayos na kwarto. Magpahinga ka na po ako na ang bahala." niyakap ko siya at tinapik sa likod.
Nagpunas ng luha ang Mama nya at muling umupo sa tabi ng hospital bed. Hinalikan nya ang Papa nya sa noo.
"Papa, nandito na ako. Pagaling ka po." bulong ko sa kanya.
Tapos ay pumunta ako sa information desk, nagtanong ng available na private room at pinalipat doon ang Papa ko. Kinausap ko na din ang doktor na assign kay Papa.
Sinabi nitong kalahati ng katawan ng Ama ay nastroke at naapektuhan ang isang bahagi sa utak dahil sa biglaang pagtaas ng presyon nito. Kailangan din nito dumaan sa ilang theraphy upang manumbalik sa dati ang katawan.
Pinayuhan din siyang laging icheck ito at ang presyon dahil maaaring mas malala pa ang mangyari kapag naulit ang ganito. Sa ngayon ay ligtas na ang ama at kailangan na lang imonitor ng ilang araw sa hospital bago iuwi sa kanilang bahay.
Matapos makausap ay pumunta siya sa parking area kung nasaan si Mang Bert. Tinanong nya kung nakausap ba nito si Tim.
"Hindi nga eh ...unattended ang phone nya Therese." sagot nito sa kanya.
"Ganun po ba? Pwede ho bang umuwi muna kayo? Ipapakuha ko lang po yung gamit ko at phone ko. Pasensya na po Mang Bert, alam ko po malayo pa ang ibabyahe nyo."
"Naku naman itong batang ito! Wala sa akin yun saka trabaho ko naman ito. Sige ako ay aalis na para bukas ng maaga ay nandito na ako ulit." paalam niya.
"Sige po magingat po kayo." at bumalik na ako sa loob.
Natigilan ako sa paglalakad ng mabaling ang paningin sa telebisyon sa lobby ng hospital. Makikita doon ang larawan ng isang babae at lalaki na magkalapat ang mga labi.
"Sa kabila ng masayang pagaanunsyo ng relasyon ng Ezperanza-Lopez na mga kilalang may ari ng 5 star hotel sa bansa ay isang trahedya naman ang naganap matapos na atakehin sa puso ang matandang Ezperanza at isugod sa ospital. Sa ngayon ay wala pang balita kung ano ang lagay nito."
Tila ako napako sa kinatatayuan ko at umikot ang paningin ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga narinig at mas lalong parang sinasaksak ang puso ko sa larawang nakita ko.
Hindi naman ako nananaginip o namamalikmata lamang. Kilalang kilala ko si Tim at Nicole, kitang kita mula sa larawan na talagang magkahalikan sila.
Pilit na inihakbang ko ang mga paa ko para makabalik sa kwarto ni Papa pero nakailang hakbang pa lang ako ay tila nawalan na ako ng lakas at nagdilim ang paningin ko.
"Bakit Tim?" huling nasambit ko bago bumagsak at tuluyang mawalan ng malay.