MARAHAN kong hinahaplos ang mukha ng natutulog kong asawa. Nakaramdam ako ng guilt sa mga nangyayari ngayon.
Matapos maisugod sa hospital ang Lolo ni Nicole at masiguradong nasa ayos na ito na kalagayan ay inihatid ko na si Lolo.
"Tim..alam kong mali ang ginawa ni Nicole, pero hindi alam ni Edz ang mga ginawa ng apo nya. Hayaan muna natin na umayos ang lagay niya at kakausapin ko siya. Mabait si Edz, siguro ay nabigla lamang siya sa mga nangyari. Marahil ay natauhan na din si Nicole sa mga ginawa nya."
Naalala kong sabi ni Lolo sa akin. Hindi ko din lubos maisip kung bakit umabot sa ganun ang mga ginawa ni Nicole. Malinaw naman ang pagkakasabi ko sa kanya na walang namamagitan sa amin. Nagkausap na kami at nilinaw ko na wala siya aasahang pagmamahal sa akin lalo na sa ginawa nya.
Alam kong nasaktan siya, pero wala naman ako maipapangako sa kanya dahil nakatali na ako sa iba.
Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at pumasok ang doctor. Tumayo ako at bumati.
"Hi Doc. Kamusta po ang asawa ko?" nagaalalang tanong ko. Pero bakas sa mukha ng doctor ang pagtataka ng makita siya at tawagin kong asawa si Nicole.
Pagdating ko sa bahay ng bandang alas dose ay siyang dating din ni Mang Bert at sinabi ang mga nangyari. Hindi na ako nagaksaya ng pagkakataon at sumugod sa hospital.
"Huwag ka magalala Mister. Natural lang naman ang naranasan ng asawa mo. Magingat na lang tayo sa susunod at huwag masyado bigyan ng stress si Mrs. dahil delikado sa kalagayan nya ang stress." paliwanag ng doctor.
"Ano pong ibig sabihin nyo, Doc?"
"Congratulations Mr. Lopez ...your wife is 2 months pregnant." masayang paglalahad nito.
Napatutop ako sa bibig ko at naluha ng marinig ko ang napaka gandang balitang nalaman ko. Kinamayan ko ang doctor at nagpasalamat.
Ilang habilin pa ang sinabi nito at chineck ulit si Gab bago lumabas ng kwarto. Lumapit ako kay Gab at hinalikan siya sa noo at marahang dinantay ang kamay sa flat pa nyang tyan.
Mayamaya ay naramdaman kong unti unti na siyang nagigising. Nakangiti ako habang marahang minumulat nya ang mga mata.
"Sweetie ..thanks God at gising ka na." akma ko siyang hahalikan sa pisngi ng umiwas siya.
"Hindi ka na dapat nagpunta dito." puno ng hinanakit na sabi nito habang nakatingin sa kabilang panig ng silid.
"Im sorry Gab..nalobat ang phone ko at may nangyari kasi k-----------". natigil ako ng umiiyak na humarap siya sa akin.
"Nangyari? Tulad ng ano?? Tulad ng pagpipicture sa media ng paghahalikan nyo ni Nicole? C'mon Tim! Oo! Kasalanan ko nanaman yun. Alam ko naman eh."
"No ...please listen Gab. It's not what you think....wala din ako alam sa mga nangyari kagabi." paliwanag ko sa kanya.
"Wala kang alam?! Pero nagawa mong halikan ang babaeng yun?!!! Pinakilala ka pa na magiging asawa?!!" galit na sigaw nito.
"Look...please calm down Gab. Nabigla lang din ako, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Nicole at ganun ang ginawa nya." mahinahon na sabi ko sa kanya.
"Gab...trust me. Walang katotohanan ang nasa balita at alam natin na hindi pwede ang gusto ni Nicole dahil asawa na kita." hinawakan ko ang mga kamay nya at hinalikan.
"But still ....you kissed her." nagmamaktol na sabi nito habang umiiyak.
Hindi ko napigilang matawa sa ginawi nya, kanina lang ay galit na galit siya ngayon ay para naman siyang bata. Ganito ba kapag buntis? Pabago bago ng mood?
Sinamaan nya ako ng tingin kaya napatigil ako at niyakap siya.
"Im sorry for making you feel this way Sweetie. Maging maayos lang ang lagay ni Lolo Edz ay kakausapin siya ni Lolo para sa ginawang kalokohan ng apo nya. Kaya wag ka na magalit sa akin." hinawakan nya ang mukha nito at akmang hahalikan ng umiwas ito.
"Galit ka pa din?" nakangusong sabi ko bago hinawakan ang tiyan nya. "Baby, galit pa din si Mommy kay Daddy. Kapag lumaki ka na dyan sa tummy ni Mommy sumipa ka malakas ha? Iganti mo si Daddy." sumbong ko. Hindi ko alam kung naririnig na niya ako pero nagbibiro lang naman ako.
"Sira ka! Pinagsasabi mo!!" hinampas nya ang kamay ko kaya napa-aray ako sa sakit. Malakas kasi at namula ang kamay ko. Hindi ko pa nga pala nasasabi sa kanya.
"Hehehe ...you're preggy my dear wife." ngumiti ako sa kanya ng pagkalapad lapad.
Nakita kong namilog ang mga mata nya at nangilid ang mga luha bago hinawakan ang tyan at marahang hinaplos.
"Two months na daw sabi ni Doc." masayang sabi ko. "Arrrraaaaaayyyyy !!!!!" napahiyaw ako ng kurutin nya ako sa tagiliran.
"Tignan mo kang lalaki ka! Magkakaanak na pala tayo nakikipaghalikan ka pa kung kanikanino!!!" naluluhang pagbubunganga nya sa akin.
Natatawang niyakap ko na lang siya ulit habang umiiyak siya. Alam kong masaya siya tulad ko, hindi man naging maganda ang pagsalubong namin sa balitang may munting anghel na kami dahil sa mga nangyari. Ramdam ko ang saya niya at alam kong nagtitiwala pa din sa akin ang asawa ko na malaking bagay na pinagsasalamat ko.
"I love you Mrs. Lopez." hinawakan ko siya sa balikat at marahang inilapit ang mukha para halikan siya.
"Ooopppsss!" hinarang nya ang kamay nya at tinakip sa bibig ko.
"Hindi pa din ba pwede??? Gab naman ehhh..." pagmamaktol ko habang takip nya bibig ko.
Kumuha siya ng tissue bago tinanggal ang kamay na nasa bibig ko at ipinunas sa labi ko ng madaming beses bago ngumiti.
"Yan. Pwede na." nakangiting sabi nya at siya na mismo ang humila sa leeg ko para maglapat ang aming mga labi.
Pumulupot ang mga kamay ko sa bewang nya at hinatak pa siya lalo palapit sa akin. Masayang masaya ako at madaming dapat ipagpasalamat dahil binigyan ako ng asawang ganito.
**************************
Kinabukasan ay pinayagan na din naman si Gab na lumabas sa hospital. Gising na din ang Papa nya at naibalita na namin na magkakaapo na sila.
Hindi pa lang masyado makapagsalita ang Papa ni Gab dahil sa kalagayan nito. Pero bakas ang tuwa sa balitang nalaman.
Napagpasyahan naming manatili muna si Gab sa mga magulang kahit mga isang linggo hanggang sa maiuwi lamang sa bahay ang magulang. At habang inaayos ko ang problema sa pagitan namin ni Nicole.
Ayoko ko mastress si Gab sa mga maririnig nya sa opisina lalo na sa kalagayan nya.
"Always call me and eat on time okay?" bilin ko sa kanya habang nasa parking kami sa hospital. Pabalik na ako ngayon sa Manila.
"Opo Sir. Ang dami mo namang bilin sa akin." reklamo nya.
"Siyempre naman nuh? Ayoko may mangyaring hindi maganda sa inyo ni baby." hinimas ko ang tyan nya.
"Hmmmmpp ...sige na at baka gabihin ka pa sa daan." pagtataboy nya sa akin.
Bumaba na siya ng sasakyan at hinintay na makaalis ako bago ko natanaw sa side mirror na pumasok ulit siya ng hospital.
Nang makalayo na ay tinawagan ko si Lea. Pinindot ko ang loudspeaker sa monitor ng kotse kung saan nakakonek ang cellphone ko.
"Lea, may balita na ba kay Lolo Edz?" tanong ko.
"Wala pa Tim. Unconcious pa din siya pero stable na daw ang lagay. Hinihintay na lang na magising siya." sagot ni Lea sa kabilang linya.
"Sige. Please keep me updated sa lagay ni Lolo Edz. Nakausap mo na ba si Nicole?"
"Okay..hindi siya sumasagot sa mga tawag ko. Mukhang iniiwasan nya ang mga tawag ko. Anong gusto mong gawin natin?"
"Hayaan mo na lang siya. Hihintayin ko lang na maging maayos ang lagay ni Lolo Edz saka ko siya haharapin. Please take care of the media and release a statement regarding the false announcement."
"Copy. Will pass it to you tomorrow morning for approval."
"Yeah. Thank you Lea. Bye." paalam nya.
Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa din ako ng galit na may kasamang awa kay Nicole. Hindi ko din naman siya masisi dahil hindi naman nya alam na mag asawa kami ni Gab.
Kailangan ko umiwas sa mga ganung isyu dahil sa kalagayan ni Gab ngayon. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa asawa ko.