MABILIS na lumipas ang mga araw, nakauwi na ang Papa ni Gab. Nag hire na lang kami ng nurse na magaalaga sa ama habang nasa Manila kami.
Nasa byahe na kami pabalik sa aming bahay. Tahimik naman ang buong linggo sa opisina dahil hindi pa din naman nagpapakita si Nicole. Nasa ayos na kalagayan na din ang Lolo nito pero hindi pa kami nagkikita.
Madami pa din ang nakikisimpatya sa nangyari sa amin ni Nicole. Matapos namin maglabas ng statement at pabulaanan ang inanunsyo ng mag Lolo ay hindi na nagpakita pa sa opisina si Nicole.
Malaking bagay dahil napanatag na ang loob ko. Napatingin ako sa gawi ni Gab na nakatulog na sa byahe. Napangiti ako, lalo yata gumanda ang asawa ko ngayong buntis. Medyo nagkalaman ang pisngi nya na bumagay sa maliit nyang mukha.
Malapit na mag gabi ng makarating kami sa bahay. Marahan kong tinapik ang pisngi niya para gumising.
Marahan nyang minulat ang mga mata at nakangiting bumaling sa akin bago bumaling sa paligid.
"Oh! Sorry! Nasa bahay na pala tayo, nakatulog ako." aniya habang nagiinat.
"It's okay sleepy head. Naging maaantukin ka yata." tukso ko sa kanya.
"Hmmmmpp! Symptoms of pregnancy." nakangusong sabi nya.
Hinapit ko ang batok nya at dinampian siya ng halik sa mga labi.
"Let's go inside. Nagugutom na ako at si baby." aya niya na ikinatawa ko. Sumunod na ako ng bumaba siya ng sasakyan.
Sinalubong na kami ni Yaya Eden na tuwang tuwa.
"Naku! Gab! Buti at nakauwi ka na. Congrats sa pagbubuntis mo. Ako eh natutuwa sa inyo ni Tim." tuwang tuwa pagkakasabi nito.
"Salamat po Yaya Eden. May pagkaen na ho ba? Nagugutom na po ako." sabi ni Gab.
"Ay! Oo naman! Tara na at kumaen na kayo."
"Magbibihis lang po muna kami." sabi ko at inakay si Gab paakyat sa taas.
Nasa kwarto na kami ng may tumawag sa akin. Napakunot noo ako ng makita kung sino ang tumatawag.
Napatingin sa akin si Gab ng hindi ko sagutin ang tawag.
"Bakit di mo sinagot?" takang tanong nya.
"Wala hindi naman importante, halika na kumaen na tayo." aya ko sa kanya ng makitang tapos na din siya makapag palit ng damit.
Palabas na kami ng tumunog ulit ang telepono ko. Napatingin ako sa bed table kung saan nakapatong ang mga phone namin.
"Sige na sagutin mo na yan kasi baka importante, mauuna na ako bumaba." nakangiting sabi ni Gab.
Kung kilala mo lang sino tumatawag baka hindi ka makangiti ng ganyan.
Tumango na lang ako bago humakbang pabalik. Nang masigurado kong nakalayo na si Gab ay saka ko sinagot ang tawag.
"What?!" angil ko sa tumatawag.
"T-tim? H-hijo ...si Lolo Edz ito. Please! Kailangan kita. Kailangan ka ni Nicole.". si Lolo Edz ang nasa kabilang linya gamit ang telepono ni Nicole. Bakas sa boses nito ang pagaalala.
"Lolo Edz...please po, wala na po akong kinalaman kay Nicole. Ipapaliwanag ko po sa inyo ang lahat kapag nagkita tayo." magalang na sabi ko.
"Tim huling pakiusap ko na ito sa iyo. Ilang araw ng nagkukulong si Nicole sa kwarto at ayaw kumaen o makipagusap. Nakikiusap ako sa'yo."
Napabuntong hininga na lang ako bago nagpaalam sa matanda. Tinungo ko na ang pinto para lumabas, nagulat ako ng makita ko si Gab sa labas at nakatingin sa akin.
"A-akala ko nauna ka na?" hindi ako makatingin sa mata nya.
"Aalis ka?" deretsong tanong nya pero nakangiti.
"Will you let me go there?" wala na din namang dahilan para itago ko dahil alam ko din naman na narinig nya ang lahat.
"Bakit naman hindi? Hirap talaga may asawang gwapo at mayaman nuh? Haaayyy . .." natatawang sabi nya at kumindat
Natatawang niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
"Hindi ako magtatagal ...promise! Kumaen ka na i'll call you kapag pauwi na ako." paalam ko sa kanya.
Tumango lang siya at sabay na kami bumaba. Hinatid nya pa ako hanggang garahe. Masaya siyang kumaway habang palabas ang sasakyan.
Hindi ko alam pero mabigat ang pakiramdam ko sa pagalis. Ayoko sana pumunta pero kailangan ng matapos ang problemang ito kay Nicole.
GAB's POV
NAGAALALA na ako kay Tim kasi simula ng umalis siya ay hindi nya pa ako tinatawagan. Napatingin ako sa oras sa telepono ko. Alas-onse na, tatlong oras na ang lumipas. Ganoon ba katagal kausapin ang babaeng yun?
Sinubukan kong tawagan si Tim, pero nagriring lang ang phone nya. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa maging sampu. Ni isa ay hindi nya nagawang sagutin ang tawag ko.
Kinakabahan na ako kaya naman tinawagan ko si Lolo. Sinabi ko sa kanya ang lahat maging siya ay nagalala din. Hiningi ko ang address nila Nicole.
"Apo...delikado na magbyahe ng ganitong oras at sa sitwasyon mo. Mabuti pa ay hintayin mo na lang si Tim. Siguradong inaayos nya lang ang lahat."
Pero hindi talaga ako mapakali. Pinalipas ko muna ang isang oras at hinintay kung magrereturn call ba si Tim sa kanya. Sigurado akong may nangyari kaya hindi pa nakakabalik ang asawa.
Nagmamadaling kinuha ko ang susi ng kotse at umalis. Hindi ko na naisip na magpasama kay Mang Bert malamang ay nagpapahinga na iyon.
Inilagay ko sa waze ang address na binigay ni Lolo, dahil madaling araw na din. Mabilis lang ang naging byahe. Pinagmasdan ko ang mansyon nila Lolo Edz.
Patay na ang mga ilaw, wala ng senyales na may gising pa na ipinagtaka ko. Saan pumunta si Tim? Marahan akong bumaba sa kotse at naglakas loob na nag doorbell.
Ilang minuto din ang hinintay ko at muli akong nag doorbell. Napansin kong bumukas ang ilaw sa garahe. Inayos ko ang sarili ko at hinintay na bumukas ang gate.
Bumungad sa akin ang gwardiya. Nagtataka ang tingin nito.
"Yes Maam? Ano po ang kailangan ninyo?" magalang naman na tanong nito.
"Ahmm...nandyan ba si Lolo Edz or Nicole?" kinakabahang sabi ko.
"Naku Maam! Nagpapahinga na po sila. Saka anong oras na po. Sino po ba kayo?".
"Nagpapahinga?? Teka ...eh pumunta ba dito si Tim?".
"Eh sino po ba kayo Maam? Bukas na lang ho kayo bumalik. Alanganing oras na din po kasi.".
"Sagutin mo ang tanong ko." madiing pagkakasabi ko ng hindi nya masagot ang tanong ko.
"Eh Maam pasensya na po kayo ano? Mapapagalitan po ako kapag hindi pa kayo umalis. Sise na po." pagtataboy nito at akmang isasara na ang gate.
Mabilis nyang hinarang ang kamay at pilit na pumapasok sa loob.
"Maam...Maam...baka po kayo masaktan ..umalis na lang po kayo." pigil ng guard sa kanya habang tinutulak siya.
Binuhos nya ang buong pwersa para makapasok sa loob. Nang makapasok ay nakita nya agad sa garahe ang kotse ni Tim, ibig sabihin nasa mansyon pa ang asawa.
Dala ng emosyon ay nagmamadaling kong tinungo ang pinto. Mabilis na napigilan naman ako ng guard.
"Maam lumabas na po kayo baka magising pa po sila Don at Maam." natatakot na sabi nito.
"Kuya hindi ako pwede umalis ng hindi ko kasama si Tim. Nandyan ang kotse nya!" pasigaw na sabi ko. Wala na akong pakialam kung maeskandalo ang mga tao dito.
Muli kong sinubukan kalampagin ang pinto. Hinatak ako ng guard at dahil sa lakas ng pakakahatak ay nawalan ako ng balanse at natumba. Napapikit ako sa sakit ng maramdamang tumama ang pwet ko sa matigas na semento.
"Naku ! Maam pasensya na po ...Sorry ..please po umalis na kayo." dinaluhan ako nito at tinulungang tumayo.
"Hindi nga ako pwedeng umalis dito!!!" galit na sigaw ko. "Tim!!! Timothy Dave!!!!". tawag ko sa kanya.
Hindi ko ininda ang sakit na nararamdaman ko sa bandang balakang at akmang kakatukin ulit ang pinto. Bigla itong bumukas at bumungad mula doon si Nicole.
"Oh? What a surprise Therese?" nakangiting sabi nito sa kanya.
"Nasaan si Tim?!" masama ang tingin na pinukol ko sa kanya.
"Yan ba ang pinunta mo dito ng ganitong oras?" humalukipkip ito at inayos ang suot na robe.
"Oo."
"Ano bang hinahabol mo kay Tim? At saka ano naman kung nandito siya?? Bakit parang nanggagalaiti ka?" tila nangaasar pa na sabi nito.
"Tim!!!" sigaw ko imbis na sagutin ang tanong nya. Hinawakan muli ako ng guard at pilit na inilalayo. Nakita ko na tinaas ni Nicole ang palad nya at sumenyas sa guard. Mabilis na binitawan ako nito at umalis.
"Well...kesa mag iskandalo ka dyan. Bakit hindi mo tignan sa sarili mo kung nasaan si Tim?" tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Halika ...pasok."
Hindi ko alam pero biglang lumakas ang kaba ko ng ihakbang ko papasok sa loob ang mga paa ko at sumunod kay Nicole.
Umakyat kami sa 2nd floor ng mansyon at tinumbok ang ikalawang pinto. Bago pa man niya buksan ang pinto ay humarap siya sa akin.
"Sabi ko naman sayo Therese, sa ating dalawa...ikaw ang masasaktan." makahulugang sabi nito bago pinihit pabukas ang pinto.
Tila ako napako sa kinatatayuan ko sa mga nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang iindahin kong sakit. Yung sakit na parang hinihiwa ng puso ko o yung sakit na nararamdaman ko sa may balakang.
Parehas masakit at hindi ko kaya ang nasisilayan ng mga mata ko sa kwartong iyon. Hanggang sa maramdaman ko na lang ang mainit na likidong dumaloy sa aking mga mata.
Tila naramdaman ni Tim na may nakatitig sa kanya at marahang minulat ang mga mata. Nagtama ang mga mata namin. Nabakas ko ang pagkagulat sa mga mata nya bago tinignan ang sarili na tanging kumot lamang ang nagtatabing sa hubad nyang katawan.
Kasabay ng mabilis na pagbangon ni Tim ay mabilis din akong tumalikod at nagmamadaling lumabas sa kwarto na iyon. Pagbaling ko kay Nicole ay ngiting ngiti ito at tila tuwang tuwa.
"Gab!!! Gab!!!" naririnig ko ang tawag ni Tim. Pero sobrang sakit na. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung kakayanin ko.
Nagmamadaling nilisan ko ang bahay nila Nicole na puno ng luha sa aking mga mata.