CHAPTER 6

1260 Words
GAB's POV LUTANG pa din ako ng ianunsyo ni Lolo ang pagmemerge ng dalawang kompanya at ang pag upo ni Nicole Ezperanza bilang Bise Presidente. Sa buong meeting tila wala ako naiintindihan. Pilit ko hinuhuli ang tingin ni Tim pero iniiwasan nya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na si Nicole, nakatayo siya at nakangiti sa akin. Ngiting hindi ko gusto, iba ang pakiramdam ko sa babaeng ito. "Congratulations Ms. Garcia. I guess from now on tayo ang madalas na magkakasama?" bati nito sa kanya. Nai-announce na pala na siya ang papalit sa posisyon ni Mrs. Sison. "Thanks." matipid kong sagot bago inabot ang mga kamay nya. Bahagya kong naramdaman ang paghigpit ng hawak nya sa palad ko. Mabilis na binawi ko ang kamay ko. After ilang adjustments ay natapos na din ang meeting it's almost lunch time na. Nagtext agad ako kay Timothy na magkita kami sa labas for lunch. Nakita kong kinuha nya ang phone at napatingin sa akin bago nagtipa pero agad din nyang ibinalik sa bulsa nya ng lumapit si Nicole. "Let's have a lunch. My treat. Celebration na din." narinig kong aya ni Nicole kay Tim at hindi pa nakuntento ang loka at kinalang pa ang kamay sa braso ng asawa ko. "Ahmm. ..sorry but--------" "Yeah! Why don't we celebrate?"sabat ni Lolo Edgar ng marinig na tatanggi si Tim. Nakatingin lang si Lolo kay Tim at bahagyang sumulyap sa akin. Tinatansya nya siguro ang sitwasyon. Ako ang hindi makatiis, hindi ko napigilan ang sarili ko at padabog na sinara ang laptop ko. Napatingin sila sa akin. Ngumiti ako ng nakakaloko at nag peace sign. "Ooppss! Sorry! My hand slipped." i waved my hand." I think i better go and check my new office. Bye!" then i went out to the conference room. Pagkapasok sa magiging office ko hindi ko na napigilan na impit na sumigaw sa inis. Nang maramdaman kong may tao sa likod. Napaharap ako at nakita ko si Mrs. Sison. "May problema ba Therese? Parang kanina ka pa wala sa mood?" nagaalalang tanong ni Mrs. Sison sa akin. "Ahh ...w-wala po. ..medyo hindi lang po okay pakiramdam ko. Would you mind po if maghalf day ako? I'll be early on Monday po." magalang na paalam ko sa kanya. "Yeah ..no problem. May mga aayusin pa naman ako dito para sa mga gamit na ililipat mo. Rest and see you next week." mukhang nagaalangan pa siya bago ngumiti. "Thank you Ma'am. I'll go ahead." at lumabas na ako sa opisina. TIM'S POV Hindi na ako nakatanggi kay Nicole at Lolo Edgar ng inaya nila kami na maglunch out. Habang kumakaen ay hindi din ako mapakali, naiisip ko si Gab. Alam kong nasaktan siya at sumama ang loob nya. "Hey? Are you okay?" bahagya ako napapitlag ng tanungin ako ni Nicole at marahang humaplos sa braso ko ang kamay nya. s**t! Guyyss ! lalaki ako yung mga ganitong gestures may dating sa amin. "Ehem ..." tumikhim ako para mapalingon sila sa akin." E-excuse me ...i need to make a call." paalam ko habang palihim na iniiwas ang braso ko. Nagmamadali akong tumayo ng tumango si Lolo. Lumabas ako sa resto na kinakainan namin at tinawagan si Gabby. Pero nakakailang ring na ay hindi nya pa din sinasagot ang tawag ko. Tinawagan ko si Lea at nalaman ko na naghalf day na si Gabby. Nanlulumo akong bumalik sa loob. "Is something urgent happened at the office?" tanong agad ni Lolo pagkaupo ko. "Ahmm...s-sort of..i need to sign some docs for Monday." palusot ko at alam kong nakuha ni Lolo yun. "You can go now. Ako na bahala kina Edgar." tumango kay Lolo bago nagpaalam sa kanila. "See you on Monday, Tim." paalam ni Nicole at tumayo pa para yumakap sa akin at humalik. Bahagya pa nito idinikit ang labi nito malapit sa tenga ko. Mahinahon na lumayo ako sa kanya. sanay na ako sa mga ganitong flirt na ginagawa ng babae, pero tila ba nagugustuhan ko ang pinapakita ni Nicole siguro dahil masyado siya vocal sa pagpapakita ng interes sa akin. Pinilit ko winaksi ang nararamdaman ko. Nasanay lang siguro ako na patago kami ni Gab sa ganitong bagay. "I'll go ahead." at nagmamadali na ako umalis para bumalik sa opisina. Tila ako nakahinga ng maluwag ng makalayo ako sa kanila. Maghapon ko sinubukan tawagan si Gabby pero ni isa sa mga tawag ko ay wala siyang sinagot. Kahit sa mga text at chat ko ay wala siyang sagot. Saktong alas singko ng umalis ako sa opisina. Kailangan ko makausap si Gab ng maayos. Pagdating ko sa bahay, wala ang kotse ni Gab sa garahe. Tinanong ko agad si Yaya Eden pagkapasok ko sa loob ng bahay. "Yaya...si Gab po?" "Aba? Akala ko nagpaalam sayo? Umalis kninang alas tres. Hindi naman nagsabi kung saan ang punta."nagtatakang tanong ni Yaya. Tumalikod na ako ng magsalita ulit si Yaya."Tim kayo ba ay nagaway? May dala kasi siyang maleta pagalis." Pagkarinig ko nun ay nagmamadali akong umakyat sa kwarto namin. Kinakabahang binuksan ko ang mga closet nya at nagcheck ng mga gamit niya. Nanghihinang napaupo ako sa kama namin pagkatapos bago napahilamos sa mukha. Nandoon pa ang mga gamit nya. Iilang damit nya lang nawawala, agad kong kinuha ang phone ko ng tumunog yun tanda na may nagtext. Galing kay Gab. Nagmamadaling binuksan ko ang message at binasa. I'll be home on Sunday. I need some space to think. Text nya sa akin. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Agad akong nagreply. See you then. Please take care and take your time. Let's talk when you're back. I love you sweetie. Pabagsak na inihiga ko ang katawan ko sa kama habang nagaantay ng reply nya. Pero hanggang sa nakatulog na ako ay wala ng reply si Gab sa akin. Kinabukasan, nagcheck agad ako ng phone, no text and calls from her. Ngayon lang naman nangyari sa amin yung ganito after our marriage. Tinatamad na bumangon ako at bumaba sa kusina. Nagaayos si Yaya Eden ng pagkaen. Day off nga pala nila. Every week ay pinapayagan namin sila na lumabas at mag day off. Tutal wala naman kami pasok ni Gab ng weekends. After lunch every Saturday sila umaalis at Sunday ng hapon bumabalik. "Pwede ako hindi muna mag day off." nakangiting sabi ni Yaya Eden ng iabot sa akin ang tasa ng tsaa. "No Yaya. Enjoy kayo sa mga lakad nyo. Pwede po kayo pahatid kay Mang Bert at pasundo." sagot ko sa kanya. Pinapadala ko kay Mang Bert ang van namin para maipasyal nya din ang pamilya nya. Saka bihira kasi namin magamit kaya maganda din na every week nailalabas ang sasakyan. "Sigurado ka ba? Malungkot ang bahay wala ang maingay na si Therese." pabirong sabi ni Yaya. Totoo. Tahimik nga kapag wala si Gab, walang madaldal na nagkukwento. Ito na ata ang pinaka malungkot kong weekend. "Yeah." sang ayon ko. "Ako na bahala dito 'Ya, bukas nandito na po si Gab." Tumango lang si Yaya. Mayamaya pa ay nagsialisan na sila. Tahimik na ang buong bahay. Bumalik na lang ako sa kwarto at naglaro ng games at nanuod ng mga videos namin ni Gab. Ganun lang ako sa buong araw. Namimiss ko na ang asawa ko. Natapos ko ang araw na yun na sobrang miss ko ang asawa ko. Haaaayyyss. Naisipan kong magbukas ng wine pampatulog hindi ko namalayan na napaparami na ako ng inom. Kailangan maayos namin ito. Hindi kami pwede ng ganito. Hanggang sa nakatulog na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD