CHAPTER 5

1232 Words
"LOLO!" sinalubong ng yakap ni Gab si Lolo pagkababa namin sa sasakyan. Bakas ang saya sa ngiti ni Lolo ng makita kami. "Namiss ko po kayo. Kamusta na po?" tanong niya ng bumitaw sa pagkakayakap. "Ayos lang ako, masarap ang buhay dito. Tahimik at malayo sa stress." natatawang sagot ni Lolo. Sa Batangas na pinili ni Lolo tumira simula ng mailipat nya sa akin ang pamamahala sa kompanya. Mas gusto nya daw ubusin ang natitirang oras nya sa mundo sa ganitong kapaligiran. Graduate na daw siya sa pagpapayaman at sa stress,which is true, matanda na din si Lolo sa edad na 84years old. Nagawa na nya na matulungan ang pamilya nya at makapagtatag ng matibay ng negosyo na nakakatulong sa angkan. "Eh Timothy,kamusta naman ang kompanya?" baling sa akin ni Lolo habang naglalakad kami papasok sa simpleng bungalao na tinitirhan nya. "Ayos naman po 'Lo. Nakakayanan po ang mga pagsubok." nakangiting sagot ko sa kanya. "Hmmm...hindi ba maganda kung nasa tabi mo si Gabby sa pagpapatakbo ng kumpanya? Matalino naman ang asawa mo." nagkatinginan kami ni Gab. "Lolo siguro po by next week ay nasa main office na din ako. Nagresign na po si Mrs.Sison at ako na ang papalit sa position nya bilang head." sagot ni Gab. Tumigil si Lolo sa paglakad at napakamot sa ulo. Napatigil din kami at naghintay sa susunod na sasabihin nya. "Tumawag sa akin si Edgar." si Edgar ay isa sa matatalik na kaibigan ni Lolo. Isa din sa maimpluwensyang tao sa hotel industry."Medyo hindi maganda ang kalagayan nila at gusto nilang ibenta ang shares sa atin." kwento nya. "Ano po ang sagot nyo?"tanong ko. "Sabi ko kakausapin muna kita. Ayoko na mawala sa kanila ang negosyo nila. Pinaghirapan din niya iyon. Halos sabay kami nagsimula sa wala bago nakarating sa kung anong meron kami." "Ano po ang gagawin natin?" minsan lang si Lolo magsabi sa akin. Alam kong may gusto siya ipagawa sa akin. "Sabi ko bakit hindi na lang ipag-merge ang mga kompanya? Gagawin natin silang business partner besides its a great opportunity for us para mapalaki lalo ang company." "That's great Lo but paano po ang gagawin natin?" i mean yung gagawin namin sa board of directors. "That's why im asking you and Gab na dapat magkasama na kayo. Matagal na din vacant ang VP position. Why don't you give the position to Gab? And then we can give them other available positions?". nagulat kami parehas sa sinabi ni Lolo. Nang parehas kami hindi sumagot ay iniba ni Lolo ang usapan."Tara na nga at mananghalian. Nagugutom na ako at namimiss ko na ang kwento mo Gab." Sumunod na lang kami, hindi na inungkat ni Lolo ang usapan siguro ay ayaw nya din mapressure si Gabby. Saka hindi pwede na basta ko ilalagay si Gab sa isa sa pinakamataas na posisyon not unless na i-announce ko sa lahat ang totoong relasyon namin pero mukhang mahirap gawin yun at tanggapin agad ng mga nakapaligid sa amin. Hapon na ng magpaalam kami umalis kina Lolo, nangako kami na babalik sa weekend at dadalasan ang pagbisita sa kanya. Habang nasa byahe ay tahimik lang kami ni Gabby sa sasakyan siguro ay naiisip nya din ang mga sinabi ni Lolo. Hanggang sa makarating sa bahay ay tahimik lang kami at walang kumikibo. Natapos na kami magdinner at kasalukuyang nakahiga ng magsalita si Gabby. "You know that i can't." narinig kong sabi nya habang nakatitig lang sa kisame. Alam ko ang tinutukoy nya, hindi nya lang masabi kay Lolo kanina dahil alam nyang madidissapoint ang matanda. Humarap siya sa akin at bakas ang takot at lungkot sa mata nya. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Wala ka naman dapat ipagalala sweetie. You are my wife, i think we should tell them our real status." bumitaw siya sa akin. "Para ano? Para sabihin nila na kaya ko naabot yung position na yun dahil asawa mo ako? No way! Ayoko!" pagtanggi nya. "Okay. Fine. Let's think other way. C'mon matulog na tayo." niyakap ko ulit siya bago pumikit hanggang sa nakatulog na kami. ************************ FRIDAY. Weekly meeting sa main office and the day na iaannounce ni Mrs. Sison kung sino papalit sa pwesto nya. Maaga kami naghanda ni Gabby, nauna siya umalis ng 15minutes bago ako para hindi kami magkasabay sa office. On the way sa office, Gab texted me. Lolo is here. Kasama nya si Lolo Edgar and his grand daughter they are waiting for you. Napakunot ang noo ko. Wala naman nasabi sa akin si Lolo na bibisita siya sa opisina at isasama si Lolo Edgar. "Mang Bert, pwede po ba pakibilisan? Nasa office daw po si Lolo." pagmamando ko sa driver namin. Tumango lang si Mang Bert. Pagdating sa building ay nagmamadali ako naglakad papunta sa office. Nadaanan ko sa conference room ang ibang staff na nagreready at si Gab. Saglit ako tumigil, napatingin siya sa akin at malungkot na ngumiti. Binawi ko ang tingin ko at pumasok sa office. Nadatnan kong nagtatawanan sina Lolo at Lolo Edgar habang nakaupo sa couch na nasa opisina ko. Magalang akong nagmano sa dalawa bago bumaling sa isang babaeng nakaupo sa single sofa. Ito marahil ang apo ni Lolo Edgar, mahahalata mong galing sa mayamang angkan. Sopistikada ang dating, maputi at makinis, maganda din ang kanyang mukha. Bagay sa kanya ang suot na pulang coat at pang itim na loob na tenernuhan nya ng black above the knee pencil skirt at mga 2inches siguro ang taas ng sandals na suot nya. "Done checking on me?" napaangat ang tingin ko sa mukha nya. Hindi ko namalayan na natulala ako. "Ehem..." i cleared my throat." Im sorry i was just ...." natigil ang pagsasalita ko ng iabot nya ang kamay nya. "Hi! Im Nicole, nice to meet you Timothy, finally." ngumiti siya sa akin. Inabot ko ang kamay nya, halatang hindi ito sanay sa gawaing bahay dahil malambot ang mga kamay nito. "Maganda ang apo ko, hindi ba?" nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Binitawan ko ang kamay nya at humarap kay Lolo Edgar. "Yes LoLo Edz. Mana sa inyo." pabiro kong sabi "Bagay kayo. Gwapo at maganda." tukso niya. "Eheemm...." narinig kong tumikhim si Lolo."Malapit na magsimula ang meeting,mabuti na tayo muna magusap."pagiiba nya ng usapan. "Yeah. By the way po, what brought you here?". tanong ko. Then Lolo explained."Nabanggit ko na sa iyo ang balak na pag memerge ng mga kompanya natin. Hindi na ako makaantay ng sagot mo kaya naman hindi ko na hihingiin ang approval mo. I made my decision to give the position of VP to Nicole." "What?!" napabulalas ako sa sinabi ni Lolo. Bakit naman biglaan nagdecide si Lolo ng ganito. "You heard it right,apo. Since the companies are merging wala naman siguro masama kung ilalagay natin sa 2nd highest position si Nicole and besides she is good in marketing,malaki ang maitutulong nito sa pagmamarket sa mga hotels natin. "But Lolo--------" "No buts. Now let's go. You can now start the meeting and add to your agenda the new management." pinal na sabi ni Lolo. Sino ba ako para tumanggi? He's still the owner of this company. Paano ko ipapaliwanag kay Gabby ang desisyon ni Lolo? Hindi pa nga kami nakakapagusap ng maayos tapos ito na at may desisyon na. Hindi pa man nagsisimula ang meeting parang sasabog na ang ulo sa sakit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD