CHAPTER 4

1234 Words
NAGISING ako ng tumunog ang cellphone ko sa bedside table. Tumayo ako at napansin kong wala na si Gabby sa tabi ko. Narinig ko ang tunog ng tubig sa shower. Tinignan ko ang oras alas otso na ng umaga late na siya sa office. Si Lea ang tumatawag sa akin. Sinagot ko ang tawag, medyo inaantok pa ako. "Hello.." sagot ko habang naghihikab. "Mukhang puyat ka ah. Kaya pala si Therese ang nakausap ko kanina." sagot ni Lea. "Nauna siya nagising sa akin. Bakit ka napatawag?" naginat inat pa ako habang nakaharap sa real size mirror namin sa kwarto. Napapangiti ako habang nakikita ko ang hubad kong katawan. Hindi ko pa nagagawang magbihis. "Take your time.Ipapadala ko na kasi yung mga need mo pirmahan, urgent kasi to kaya kai--------" "Wait...wait? Bakit nyo ipapadala dito?" nagtataka kong tanong. "Oh? Sabi ni Therese may lakad kayo ngayon kaya pinapadala na lang nya yung mga need mo pirmahan."nagtatakang sabi ni Lea. "Ayyy!!! Timothy Dave !!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Gabby ng makitang nakatayo akong hubad sa kwarto. "Anong nangyari?!" nagaalalang tanong ni Lea sa kabilang linya ng marinig ang tili ni Gab. "Wala. Nakakita lang ng gwapong ipis ang asawa ko. Sige ipadala mo na ngayon dito sa bahay." natatawang sagot ko bago binaba ang telepono. Lumapit ako kay Gab na masama ang tingin sa akin. Habang palapit ako paatras naman siya hanggang sa ma corner ko siya. "Magbihis ka na nga!" aniya habang pilit kumakawala "Ayoko nga." pangaasar ko sa kanya."Bakit ba? Tayo lang naman nandito ah? Saka di naman ako nahihiya ipakita sayo katawan ko." "Ang bastos mo pa nga Tim." nagbablush na sabi nya."Tabi nga dyan" tulak nya sa akin kaya bahagya ako napaatras at nakaalis siya. Pero bago pa siya tuluyang makalayo sa akin at hinapit ko ulit siya palapit sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit, pilit siya kumakawala pero syempre di ko siya papayagang makawala. Naamoy ko ang mabangong buhok nya, itatanggi ko pa ba na nabuhayan ako? Lalo ko pa siya hinapit palapit sa akin. Hinampas nya ako sa likod kaya napasimangot ako. "Aray naman! Masakit yun..gusto ko lang maglambing eh" reklamo ko "Gusto maglambing? Anong klaseng lambing naman aber? Bakit naka ano yan." tanong nya habang nginuso yung ibabang parte ng katawan ko. "Eh ang ganda daw kasi ng asawa ko natural mabubuhay yan."nangaakit na sabi ko. Napangiti siya sa kapilyuhan ko. Kaya lang bigla nya ako kinurot sa tagiliran kaya naman nabitawan ko siya at napahawak sa kinurot nya. "Tigilan mo nga ako Tim. Ang aga aga puro kalaswaan naiisip mo." ismid nya sa akin. "Sakit naman . ...grabe ka talaga sa akin." parang batang sabi ko. "Mag asikaso ka na at aalis tayo ng 10am." sabi nya at pumasok na sa kabilang kwarto sa closet para magbihis.Sumunod ako sa kanya at nagtanong. "Teka? Saan nga pala tayo pupunta? Nakikialam ka na ngayon sa schedule ko sa opisina ko huh?" pangaasar ko. "Kay Lolo.Namimiss ko na siya eh. Ayaw mo ba na pakialaman kita sa office mo?". nakataas ang kilay na tanong nya. "Wala ako sinabi ah. Gusto mo ba simula ngayon ikaw na bahala sa schedule ko?" "Hindi na. Alam ko naman kaya na ni Lea yun." nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa banyo para maligo. Pagkalabas ko nakabihis na siya. Napasimangot ako ng makita ang suot nya. Naka maong short sya na hanggang kalahati ng hita nya at sando na yellow na may maliit na print na flower sa bandang dibdib, medyo hapit sa kanya kaya naman makikita mo nakalitaw na ang cleavage nya. Lalo pa siya pumuti sa kulay ng damit nya. "Ano bang damit yan?" seryosong tanong ko. Ayaw ko talaga nagsusuot siya ng ganyan. Kasi alam kong lilingunin siya ng madami. "Bakit? Wala naman masama saka kina Lolo lang naman tayo pupunta." patay malisyang sagot nya habang naglalagay ng lipstick. "Gabby naman eh! Paano na lang kung may ibang makakita sayo ng ganyan? Gusto ko ako lang nakakakita ng mga yan." naiinis na sabi ko. "Wala naman sila magagawa dyan, may asawa na ako ska sando at short lang naman to. Ano ka ba?" tumayo siya at umikot sa harap ko. "Buti sana kung alam nila na asawa mo ako. Di sana di ako magaalala ng ganito at alam kong gang tingin na lang sila dahil alam nilang taken ka na." Sasagot pa sana si Gabby ng may magdoor bell. Baka yung isa sa mga staff na pinadala ni Lea para sa pipirmahang documents. "Ako na. Umalis sila Yaya, namalengke. Bihis ka na tapos baba ka na para mapirmahan mo na." paalam nya. Nagtaka ako kasi dati hindi siya humaharap sa bisita lalo na at kung sa opisina. Naisip ko na lang na baka wala naman choice at wala ang mga katulong namin. Nagmamadali na ako nagbihis, simpleng tshirt at short lang tapos bumaba na din ako. Naabutan kong nasa sala yung staff, tahimik lang at nagmamasid habang naghihintay. "Good morning Sir." bati nito ng ng makita ako. Mula sa kusina ay lumabas si Gabby at may dalang juice at cookies. "Kaen ka muna habang hinihintay mo mapirmahan mga dala mo." alok ni Gabby. Yung tingin ng staff sa amin Gabby hindi mo alam kung gusto magtanong o nagtataka lang talaga. Kilala din kasi si Gabby sa main office dahil pumupunta ito kapag may mga event at weekly meeting. Siguro nagtataka kung bakit nasa bahay ko. " Kusina muna ako, ready ko lang breakfast." baling nya sa akin. Tumango lang ako at nagsimulang basahin yung mga dala at pumirma. Pagkatapos ko pumirma ay umalis na agad yung staff na inutusan ni Lea. Dumeretso na ako sa kitchen para makapag almusal. Nagcocoffee si Gab ng abutan ko at nakaready na ng breakfast. "What's that?" nagtatakang tanong ko sa kanya ng umupo ako. "Ang alin?" patay malisyang tanong nya. Pero alam naman nya na yung tungkol sa pagaasikaso nya sa bisita galing sa opisina ang tinutukoy ko. "Akala ko ba ------" "Wala naman masamang malaman nila na nandito ako sa bahay mo and besides asawa mo naman ako di ba?" tumingin siya sa akin at ngumiti. Napatayo ako at napalapit sa kanya tapos lumuhod ako sa harap nya para magkapantay kami. Hinawakan ko ang mga kamay nya. "Ibig sabihin okay na sayo malaman nila ang totoo?" natutuwang tanong ko. "Hmmmmm. ...parang ganun . .."nakangiting sagot nya. "Ang labo mo naman eh ..." napatayo ako sa inis. "Anong parang ganun?" "Ganun na din naman yun di ba? Ayaw mo na nagtatago tayo? Hayaan mo na sila makaalam kung ano tayo." sabay kindat sa akin "Hindi ko pa din pwede sabihin na asawa kita?" naguguluhang tanong ko. "Hmmm..basta ako alam ko asawa kita. Bahala na sila sa sasabihin nila. Saka tumawag sa akin si Mrs. Sison sa akin daw nya ituturn over ang posisyon nya. So ibig sabihin magkakasama na tayo sa iisang building. Kaya magingat ka sa mga nilalandi at lumalandi sayo kasi wala ako palalampasin." banta nito sa akin. "Pambihira naman oh? Maiisyu tayo nyan sa office eh." "Sabi ko nga basta alam ko asawa kita ..wala ako dapat sabihin sa kanila. Bilisan mo na at nagaantay si Lolo." Nagmamaktol pa din ako na umupo ulit at kumaen. Deep inside masaya ako, kasi hindi na kami need magtago kaya lang ayaw nya pa din na direkta na aminin. Napaka talaga ng babaeng ito pasalamat ka na lang at mahal kita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD