Nanghihinang iminulat ni Karina ang kanyang mga mata nang marinig na nagmumura si Winston. May kausap ito sa telepono. Hindi niya napigilang makinig habang hindi ipinahahalatang gising na siya. Inaapoy pa rin siya ng lagnag hanggang ngayon at sobrang sama ng pakiramdam niya. "How many times do I have to tell you that I can't go today! Cancel the meeting! I don't care about that f*****g investor! The hell!!" nanggagalaiti nitong sagot sa tawag. Mukhang kausap nito ang secretary niya. Bakit naman hindi na lang niya siputin ang ka-meeting niya? Nag-aalala ba siya sa akin? Iyon ang iniisip ni Karina na agad rin niyang binura sa isipan niya. As if. Sa pagkakaalam niya ay galit pa sa kanya si Winston kaya malabo naman na hindi niya ito maiwan dahil nag-aalala siya kay Karina. Pinilit niyang m

