The next morning, Karina felt better. Naigagalaw na niya ng mabuti ang katawan. Kaunti na lang ang pananakit ng katawaan niya. She felt light now. Siguro ay tumalab naman sa kanya ang gamot na binigay ni Winston. Hindi pa rin maiwasang sumama ang kanyang loob dahil sa ginawa nito kahapon. Wala na tuloy siyang cellphone ngayon para magamit. Importante pa man din 'yon sa kanya dahil ultimo iyon lang ang naipundar niya sa paghihirap niya na magtrabaho sa bar bilang waitress. Halos lahat kasi, napupunta sa malupit niyang tiyahin. Tumayo siya mula sa pagkakahiga at kinuha ang basag basag niyang cellphone sa sahig. Mariin siyang napapikit habang nararamdaman ang pagpatak ng luha sa kanyang pisngi. "Ang sama mo, Winston." Kung gaano niya kagustong maniwala na may kabutihang itinatago si Winst

