Nakulong ang impit kong sigaw sa loob ng bibig nya nang tuluyan nyang sakupin ang mga labi ko. Ang kaba sa dibdib ko ay triple dahil sa kapangahasan nya. Para akong tuod na hindi makagalaw dahil sa pagkakakulong nya sa katawan ko. Nang huminto sya para makasagap kami ng hangin ay nakakuha ako ng pagkakataong maitulak sya. "You! Sumusubra ka na! What are you doing?" galit kong sita sa kanya. Ganun-ganun na lamang ba ang gagawin nya sa tuwing gusto nya akong halikan. Ang bibiglain at nanakawan ako ng halik. Napalunok sya bago simpatikong ngumiti sa akin. "Yan ang parusa mo dahil sa kapangahasan mong magsuot ng ganyan kaikling damit. And you? What are you thinking? Tama bang magsuot ka ng ganyan kaikling damit? Halos lumuwa na ang mga mata ng mga customers sa labas ah! Gustong-gu

