Chapter 6

1649 Words
Jessie's POV Napailing iling ako pagkatapos nyang magsalita. "Do you hear yourself Charles? Do you think I am a small girl who doesn't know what is right and wrong?I appreciate your concern pero ano ba talaga ang pinaghuhugutan mo?"deretsa kong sagot. "Look, don't you get my point Jess? I just want you to be safe. Ayokong masaktan at mapariwara ka. You don't know how bad influence Jim is, especially to someone like you who is so innocent and fragile," sa nag-aalalang tono ay sabi nito. "Is that really your point Charles?" pilit kong inuukilkil ang kalooban nya. "Huh! So what do you mean? Is there any other reason I should tell you?" sagot nyang umiwas ng tingin sa akin at sa mga mata ko. "I think so," pabalang kong sagot. "I think we need to eat now. Gutom lang tayong dalawa," yaya nito. I know Charles just want the good for me but I am pretty sure he has personal issue with Jim. Yeah I know Jim is a fuckboy and bastard but he is not bad influence. Sa tagal ko ng sinusubaybayan ang buhay nya dahil sa tagal ko ng may gusto sa kanya, he is far from being a bad influence to others Hindi ko rin mapaamin si Charles sa totong saloobin nya kay Jim. Natapos ang major subject at ngayon nga ay naghahanda na ako sa pagpunta sa Jazz. Matapos kong mailagay sa locker ko ang mga gamit ko sa school, mabilis ang kilos kong kinuha ang back pack ko at humayon na pero ganoon na lang ang pagkabigla ko nang mabistahan agad ang gwapong mukha ng taong kanina pa laman ng isip ko. "Seems I am on the right time pitching my angel. Shall we?" yaya nito. Ang puso ko ay biglang tumalon at kakaba-kaba. Napamulagat ako at hindi agad nakahuma sa harap nya. Nakasandal sya sa pader at guwapong guwapo ang postora. Kahit sino atang dalagang pilipina ay mabibighani sa kanya. At ganoon na ganoon ang nararamdaman ko. Gusto ko mang supilin ang tinitibok ng puso ko ay hindi ko magawa. Pumapailanlang sa isip ko ang babala ni Charles sa akin tungkol sa reputasyon ni Jim pagdating sa mga babae pero bakit ganoon? Hindi ko mapigilan na hangaan at mahalin sya ng lihim. Itong paghanga ko noon pa na sa tinagal tagal ay naging pagmamahal na ata. Inayos ko ang tindig at postora ko ganoon din ang buhok kong walang suklay gamit lamang ang mga daliri ko. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tainga ko. At hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagkislap at pagngiti nya sa simpleng galaw ko. Kimi naman akong ngumiti sa kanya. "Nakakabigla ka naman bigla ka na lang sumusulpot. Pumayag ba akong sunduin at ihatid mo?" mahinang sabi ko pero sapat na marinig nya. "Silent means yes, so I assumed you agreed and I don't take no for an answer," malakas ang loob na sabi nya. Kumibot ang mga labi ko at napataas ang isang kilay ko. Malakas talaga ang loob niya kasing lakas ng s*x appeal nya. Tumikhim muna ako bago nagsalita, "Ahem! Pwede bang linawin mo ang pakay mo bakit nakikipaglapit ka sa akin? Why all of a sudden bigla ka na lang sumusulpot at walang paalam na nanghahalik. Ganyan ka ba talaga?" kuno't noo at malakas din ang loob na tanong ko. Walang paligoy-ligoy pa at gusto kong malaman talaga. Ayokong ako pa ang manghuhula kung ano ba talaga ang totoong pakay nya sa akin. Lumapit pa syang lalo sa akin na hindi inaalis ang titig sa mga mata ko. Ako naman ay naalarma dahil baka kung ano na naman ang gawin nya. Bawat hakbang nya ay sya ring pag-atras ko hanggang sa masukol ako sa pader sa likod ko. Nang tumama ang likod ko sa pader ay sya ring paghinto nya sa paglapit sa akin. Wala na akong maatrasan pa. Titig na titig sya sa mga mata ko hanggang sa lumipat ang titig nya sa mga labi ko. Itinukod nya ang dalawang kamay sa itaas ng ulo ko. "Isn't it obvious? I like you!" deretsang sagot din niya na nagpalaki sa mga mata ko at mas lalong nagpabilis sa t***k ng puso ko. "Don't play games on me Jim! Kilalang kilala ko ang mga tulad mo!" matapang na sabi ko. Dahil sa taas nya kailangan ko pang tumingala para magpantay ang tingin namin. Sya naman ay nakayuko sa akin. Kung titingnan napakaintimate ng posisyon naming dalawa. Rinig kaya nya ang malakas na t***k ng puso ko? "Bakit ano ba ang pagkakakilala mo sa akin?" tanong nya. Gusto kong kumawala sa mga bisig nya pero hindi ako makakilos. Para akong tuod na hindi makagalaw. "A-a c-certified hunk playboy!" pautal kong sagot pero hindi ko makayanan ang makipagtitigan sa kanya. Naiyuko ko ang ulo ko at pilit iniiwas ang tingin sa kanya. Napapiksi ako nang maramdaman ko ang pagdaiti ng daliri nya sa baba ko at pilit pinatingala sa mukha nya para magpantay ang mga labi namin. Titig na titig sya sa mga labi ko habang isang dangkal na lang ang pagitan ng mga labi namin. Nakakainis dahil hindi man lang ako makagalaw. Lihim na nagaganyak ang puso ko sa mga the moves nya. Alam ko naman na galawang fuckboy ang ginagawa nya pero hindi ko mapigilan ang kiligin at hayaan sya sa pakikipagflirt sa akin. "Huh? Ganoon na ba kabasa ang papel ko sayo? Certified hunk playboy huh! Maganda na sana kaso yung sa huli nakakaturn off. Kanino mo naman narinig o nalaman yan? Sa kaibigan mo bang halatang may gusto sayo?" Habang nagsasalita sya ay marahan nyang hinahaplos ang pisnge ko gamit ang daliri nya na nagbibigay ng nakakakiliting pakiramdam sa kaibuturan ko. Lumunok muna ako bago sumagot pero ngayon ay halata na ang pag-uunahan ng hininga ko dahil sa kapangahasan nya. He is now snipping my exposed neck and gently caressing my hair. Halos hindi ako makahinga sa ginagawa nya na hindi ko naman maintindihan sa sarili ko kung bakit ko sya hinahayaan gawin ang kapangahasan nya sa akin. It is as if I am enjoying the moment. "Charles has nothing to do with my opinion. That description was evident by what you are doing to me right now!" madiin kong sabi. Bigla syang kumalas sa pagkakayapos sa akin at lumayo saka ngumisi. Gosh kahit pagngisi nya nakakalaglag panty. Dapat magalit ako pero iba ang epekto ng bawat galaw nya sa katawan ko. Ganoon kalakas ang atraksiyon na nararamdaman ko sa kanya. Nakasandal parin ako sa pader at nakatitig sa kanya. Nang akmang hahakbang na ako ay saka ulit nya ako kinulong sa pader gamit ang katawan at bisig nya. Unti-unti nyang inilapit ang labi nya sa labi ko. Ako naman ay biglang napapikit sa pag-aakalang hahalikan nya ako. Nang ilan pang sandali ang lumipas ay walang malambot na labi ang dumampi sa aking mga labi ay bigla kong iminulat ang aking mga mata. Nakangising mukha nya ang nabungaran ko. "Hmmm....I think I should show to you the real me sweetheart. I want to get to know you better. Seems your really into me," nakakalokong sabi nya. Gusto ko na lamang lamunin ako ng lupa dahil sa pagkapahiya sa harap nya. Huling huli nya sa mga kilos ko ang pagkagusto ko sa kanya. Hayts ang sarap lang kutusan ang sarili ko. Ganoon ako kasabik na mahalikan nya muli. Kinuha nya ang mga kamay ko at dinala sa mga labi nya na ikinapiksi ko ulit. Hawak nya pa lang sa mga kamay ko ay nagdudulot na nakakaigayang pakiramdam sa puso ko. "Let me treat you like a real lady sweetheart. Hayaan mo akong ihatid kita sa trabaho mo. From now on, gagawin ko na ito parati," sinserong pahayag nya. "What do you mean?" maang-maangan kong tanong na naguguluhan at nabibigla parin sa totoo lang. Kahit obvious naman sa dinig ko ang gusto nyang mangyari. Ang totoo, kinikilig ako ng subra. Nanlalambot na nga ang tuhod ko kanina pa. "I wanna court you. I want to prove you wrong. If you would just allow me, I will gonna show you the real me," deretso nyang sabi na titig na titig sa mga mata ko. Parang naubusan ata ako ng laway dahil hindi ko maibuka ang bunganga ko para magsalita. "Hmmm....A-are you sure?" tanong ko just to confirm dahil hindi ako makapaniwalang si Jim Benetez na isang varsity hearthrob, certified hunk and one of the most popular student sa university ay manliligaw sa isang simpleng katulad ko. "Do you want me to kiss you just to wake you up? Yeah! You heard it right my lady," paos nyang turan. Ako naman ay biglang napatakip sa bibig dahil baka tutuhanin nya ulit ang kapangahasan nya. Kinuha nya ulit ang kamay ko at bahagyang hinila. Napasunod na lang ako sa kanya. Ang mga estudyanteng nadadaanan namin ay nawiwindang na dahil sa nakikita nilang paghawak ni Jim sa kamay ko. His grip to my hand shows possessiveness. Rinig ko ang pagbubulong-bulungan ng mga tsismosang estudyante. Iniyuko ko na lamang ang ulo ko para makaiwas sa mapanuring mata nila. "Pwede namang huwag mo na akong hawakan. Sasama ako sayo promise," hiling ko sa kanya dahil nahihiya na ako sa mga estudyanteng dinaraanan namin. Agaw pansin kasi ang kamay kong hawak hawak nya. Halos doon nakatutok ang mga mata ng mga kapwa ko estudyante. "Don't mind them!" maawtoridad nyang wika. Hanggang sa makarating kami sa sasakyan nya alam kong nakasunod parin ang tingin ng mga estudyante sa amin. Binuksan nya ang passenger seat at inalalayan nya akong makapasok. Mabilis ang kilos nyang lumipat sa driver's seat. Nang sa wakas ay nakapasok na kami sa kotse nya bigla syang dumukwang na ikinabigla ko. "I just wanna put your seatbelt," wika nya sa mababang boses pero nakatitig naman sa mga labi ko. Halatang halata sa kilos nyang gusto nya akong halikan pero malakas ang pagpipigil nya sa sarili nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD