Chapter 5

1502 Words
Jessie's POV Bigla lang akong natauhan nang magsalita sya. "Hey! Are you okay?" tanong nya na nawewerduhan na ata sa ikinikilos ko. Hindi nya inaalis ang titig sa akin. May multong ngiti sa mga labi na lalong nagpapatingkad sa pagiging simpatiko nya. Parang malalaglag na ata ang panty ko. Hoy gising self huwag mong ipahiya ang sarili mo! Bigla naman akong nahimasmasan at agad nakabawi. "H-huh! Ha? Yeah I am f-fine! W-why?" sagot ko agad sa pautal utal na pagsasalita. Napaghahalata tuloy ako. Sarap lang batukan ang sarili ko mamaya. Obvious na ako masyado sa harap nya. "Saan ang table mo? Mind if sabay tayong kumain?" walang pasakalyeng sagot nya sabay kindat at nagpapaawang mukha. Bigla kong naalala si Charles. "Ahm....May kasama ako. Bumili lang muna ng pagkain namin," mahina ngunit tama lang na marinig nya ang sinabi ko. "Sino?" agad nyang tanong. Biglang nag-iba ang timpla ng kanyang mukha. Ang kaninang may ngiti at simpatikong mukha ay biglang sumeryoso at kumuno't ang noo. "Ahm, classmate at kaibigan ko si Charles," madiin ang pagkakabigkas ko ng kaibigan. Hindi ko alam pero gusto kong malaman nyang kaibigan ko lang si Charles. "Ah! Siguro naman okay lang sa kanya kung makikishare ako sa table nyo," biglang sabi nya na ngayon ay nakangiti na ulit. "Ahm.....Ikaw, ikaw bahala," saka ako nagmamadaling tinaluntun ang lamesang nireserba ni Charles para sa amin. Sa likod ng mukha koy naroon ang hindi maipaliwanag na kaba at bilis ng pintig ng puso. Makakasurvive kaya ako sa buong durasyon ng merienda break namin na kasama at kaharap ko sa pagkain si Jim? Hihilain ko pa lang sana ang upuan para makaupo ako nang inunahan ako ni Jim. "S-salamat," mahina kong nawika. Dali-dali naman syang umupo sa tabi ko. Self, huwag kang pahahalata na subra kang kinikilig. Compose your posture and be yourself. Paalala ko sa sarili ko. Dahil ayokong mapatitig sa mga mata nya inilibot ko ang paningin sa paligid pero ganoon na lang ang pagkatigalgal ko nang halos lahat ng mga estudyante ay sa amin nakatingin. May kinikilig at mayroon ding nakataas ang kilay. Itinago ko ang nanginginig kong kamay sa ilalim ng mesa para hindi nya mahalata. Nang mapadako ang tingin ko kay Jim ganoon na lang ang tripleng t***k ng puso ko nang mahuli ko syang nakatitig sa akin. Manghang-mangha ang kanyang gwapong mukha. "Bakit ngayon pa tayo nagkatagpo? Bulag ba ako at bakit ngayon lang kita napansin?" mahina pero swabeng turan niya na ikinatarana ng puso ko. Gosh! Parang sasabog sa kilig ang puso ko. Hindi nya inaalis ang titig sa akin. Ako naman ay hindi mapakali sa inuupuan ko. Hindi ako kumportable sa malagkit nyang tingin. Napatikhim ako at nagbaba ng tingin saka sinalubong ang titig nya. "You can barely see me here. Minsan lang ako nagagawi dito sa canteen. Usually sa library ang tambayan namin ni Charles," paliwanag ko. "I see, kaya pala hindi tayo nagpapang-abot. Sana lang noon pa nakilala na kita," mahina ngunit dinig kong sabi nya. Sumikdo ng mas mabilis ang t***k ng puso ko. Siguradong namumula na ngayon ang pisnge ko. Pinilit kong huwag mapangiti pero sa likod ng isip ko gusto ko ng magtatalon sa tuwa. Ibig nya bang sabihin may gusto din sya sa akin? "Haler! Jessie hinalikan ka na nga ng dalawang beses ng panakaw. Ano pa nga ba ang ibig sabihin nun?" piping kausap ko sa sarili ko. "Ahem! Ano ang iniisip mo?" biglang tanong nya na mas ikinagulat ko. Napansin ata nyang nasa malalim akong pag-iisip o nahuli nya ang lihim kong ngiti. "Ahh Eee....Wala hehe!" nahihiya kong sagot. Napaghahalata talaga ang ikinikilos ko. Sarap lang batukan ang sarili ko. Humigpit ang hawak ko sa dalawang kamay ko sa ilalim ng mesa. Namamawis na ang palad ko tanda ng kaba. "Okay lang ba talaga na makisalo ako dito sa table nyo ng kaibigan mo?" pangungulit nya. "O-okay lang talaga. Medyo mahaba ata ang pila kaya sya natagalan," mahinang sabi ko. "Here ito muna kainin mo baka gutom ka na," alok nya sa sandwich and ham na dala nya. Mabilis akong umiling at nahihiyang tumanggi. "Huwag na pagkain mo yan e. Makapaghihintay pa naman ako," sabi ko. Sa totoo lang para akong sasabog sa hiya at kaba. Pansin ko ang mapanuring tingin ng mga estudyanteng babae na nakasimangot na nakatingin sa amin. Sabagay isang sikat at kilalang estudyante sa university si Jim. Hinahangaan ng lahat dahil sa galing nyang maglaro ng basketball, sa talino at sa subrang simpatiko at gwapo. Ika nga crush ng campus. Isa din ako noon sa humahanga ng labis sa kanya. Nakatingin lang sa malayo at nangangarap na sana ay mapansin nya. At ngayon nga ay nangyayari na ang pinakaasam-asam ko. Walang pasidlan ang saya sa puso ko. Sa kabila ng pagtanggi ko ay inalok nya parin ang sandwich na hawak nya. Iniumang nya sa bibig ko. Simpleng gesture na ibig sabihin ay kumagat ako. Lalo atang namula ang pisnge ko sa ginawa nya. "Try some babe, kagat ka," maawtoridad pero may lambing nyang utos. Hindi ko alam kung anong pwersa ang meron sya at walang anu-ano ay kumagat ako sa iniumang nyang sandwich. Huli na para marealized ko na iba ang pakahulugan ng ginawa ko para sa ibang tao lalo na ang mga babaeng halos lamunin na ako sa panibugho. Napatakip ako sa bibig ko habang ngumunguya. Lalo akong nahiya nang ang mismong kinagatan ko ay kinagatan nya rin. "Parang sumarap ngayon ang pabenta nilang sandwich. Iba ang lasa, nakakaadik," mahina ngunit dinig na dinig kong sambit nya. Ang namumula kong pisnge ay lalo atang namula dahil sa sinabi nya. Parang gusto ko ng lumubog sa kinauupuan ko dahil sa hiya at kabang nararamdaman ko. Napadako ng sabay ang tingin namin sa taong tumikhim sa likuran ko. "Huh! Hindi ko alam na may iba tayong kasabay," baritono ngunit madiin ang pagkakabigkas ni Charles. Halata ang inis sa boses nya. Napatayo ako at agad nagsalita. "Ah Charles si Jim pala, Jim si Charles kaibigan ko," pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nagsukatan ng tingin ang dalawa. Walang natinag at ako naman ay nagpalipat lipat ng tingin sa mga ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin at sabihin dahil halatang may galit ang dalawa sa isa't isa. Para bang may silent war sa pagitan nila e ngayon ko lang naman sila ipinakilala sa isa't-isa. Ako na ang bumasag sa katahimikan at sa mataas na tension sa paligid. "Hey guys! Anong problema nyo?Magkakilala na ba kayo at bakit ganyan ang tingin nyo sa isa't-isa," naguguluhan at nagtatakang tanong ko. Unang nagbawi ng tingin si Charles at dagling nagbago din ang ekpresyon sa mukha sabay ngiti sa akin. "Sinong hindi makakakilala kay Jim Benetez, the famous captain ball of basketball varsity team of the university di ba?" hindi kumukurap na wika ni Charles na sa akin lang tumitingin. Tumaas ang isang sulok ng labi nya. Ngayon ko lang naalala na dating basketball player si Charles na biglang nagquit. Parang may history ata ang mga ito kaya ganoon na lamang ang sama ng tinginan nila sa isa't-isa. "By the way babe, susunduin kita mamaya. Ihahatid kita sa Jazz," biglang sabi ni Jim na ikinagulat ko. Nanlaki ang mga mata ko at lalong namula dahil malakas ang pagkakasabi nya na halos ikinalingon ng lahat ng mga estudyanteng naroon. Bigla akong natuyuan ng laway at hindi nakagalaw. Halos lahat ata ay naghihintay sa sagot ko pero walang namutawing ni isang salita sa labi ko. Hindi na hinintay ni Jim ang sagot ko. Malawak ang ngiti nya at sa huling sulyap nya sa akin ay ginawaran nya ako ng simpatikong kindat na mas nagpabilis sa t***k ng puso ko. Napalunok ako at hindi makahuma. Tinamaan talaga ako ni kupido. Kung hindi lang ako marunong magtago ng nararamdaman talagang mahahalatang head over heels in love ako kay Jim. Tuwang-tuwa ang puso ko at nagtatalon na sa tuwa. Nabalik lang ako sa huwisyo nang marinig kong tumikhim si Charles sa tabi ko. "Ahem...I didn't know you knew that bastard!" madiin at may galit sa tonong wika ni Charles. Nagtataka namang napatitig ako sa kanya. "Why he is calling you babe all of a sudden? Is he your boyfriend?" sunod sunod na tanong ni Charles. Napailing ako at bumuntunghininga muna bago nagsalita, "Nope! Kagabi lang kami nagkakilala. Naabutan nila ang last set ko sa Jazz, the rest is history. I don't want to say it on details," paglalahad ko. Napatitig sya ng halos tagos sa kaluluwa ko. Napailing iling sya saka pekeng napatawa. "Don't tell me you were hooked with his charm. The way you look at him tells what you really feel." deretsa nyang wika na halata ang sakit na nararamdaman nya. "Jessie, I hope you understand why I am telling you this. I am just concern about you. You are innocent, pure and very kind. You deserve someone who will love you genuinely and take care of you not the other way around. He is a one hell fuckboy. Paglalaruan ka lang nya maniwala ka sa akin," pahayag nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD