Jessie's POV
Nanlaki ang mga mata at hindi ako agad nakahuma. Ang t***k ng puso ko ay nagreregodon. Halos lumabas ata sa ribcage ko ang puso kong tumalon talon sa kilig. Dahil hindi ako marunong humalik nakapinid lamang ang mga labi ko. Ramdam ko ang kalambutan ng labi nyang nakadampi sa mga labi ko. Para akong nakalutang sa alapaap sa subrang sarap ng pakiramdam. Humaplos ang isang kamay nya sa dibdib ko na syang ikinapiksi ko. Magsasalita sana ako pero naging hudyat pa iyon para maipasok na nya ng tuluyan ang dila nya sa loob ng bibig ko.
Ang impit na pagpoprotesta ko ay nadala ng hangin sa subrang sarap nyang humalik. Naipikit ko ang mga mata ko dahil sa sarap ng sensasyon.
Ang diwa kong natatangay sa halik nya ay biglang nagulantang nang may marinig akong papalapit na yabag kasabay ng huntahan ng mga estudyante.
Mabilis ko syang naitulak sabay takbo ko. Hindi ko na alinta ang tawag nya. Humahangos akong nakarating sa mismong pinto ng first subject ko. Timing naman na tinatawag na ang pangalan ko. Mabilis akong sumagot ng present kahit halatang hinihingal ako.
Lahat ng kaklase ko ay nakatutok ang tingin sa akin pagpasok ko. Ang instructor ko naman ay tumango lamang nang bumati ako ng magandang umaga.
Hinanap ko agad ang upuan kong nasa bandang gilid sa likod. Nasa isang black section class ako ng fifth year architecture students. Mabibilang na lang sa daliri ang umabot sa huling taon ng kurso ko. Kung hindi ako nagkakamali ay nasa sampo na lang kami. Ako na lang ang nag-iisang babae ang natira at siyam na lalaki. Nang makarating ako sa upuan ko agad akong nginitian ni Charles, kaklase ko simula pa noong unang taon sa kolehiyo at isa rin sa mga kaibigan kong malapit sa akin.
"Oh himala na late ka," mahinang bulong nito.
"Medyo nalate lang ng tulog kaya late din ang gising," mahinang sagot ko tama lang na marinig nya.
"In fairness hindi halatang puyat ka dahil subrang ganda mo parin," pasimpleng puri nya. Napatingin ako sa kanya at saglit na nagtama ang mga tingin namin pero agad akong umiwas ng tingin.
"Nambula ka na naman. Ni hindi nga ako nagsuklay at nagpahid man lang ng pulbos sa mukha ko. Ikaw ha marunong ka ng magsinungaling," hindi ko napigilang wika. Napahalakhak sya ng mahina at ngumisi. Hindi ko na lamang pinansin ang pagngisi nya. Nagfocus na ako sa itinuturo ng proof namin.
Pilit kong isinasawalang bahala ang kanina pang umuukilkil sa isip ko, ang mukha ng lalaking kanina lang ay mapangahas na hinalikan ako. Ipinikit ko ang mga mata ko pero mukha nya parin ang nakikita ko kaya ipinilig ko ang ulo ko para maalis sya sa isipan ko. Ang hawak kong ballpen ay nagawa ko ng maipukpok sa ulo ko dahil sa inis. Nang mapadako ang tingin ko sa bintana mukha nya ulit ang nakikita ko kaya dahil sa subrang inis ko napatili ako. Hindi ko namalayang ang tiling sa isip ko lang dapat ay naisatinig ko kaya lahat ay napatingin sa akin pagkatapos kong tumili.
"Are you okay Jessie Marie Andrada?" istriktang tanong ng proof ko. Napamata ako at pulang pula. Hindi ko alam ang isasagot ko at bigla akong nablanko dahil sa pagkapahiya.
"Maam she's not alright because a rat just cross her feet that cause her to scream," palusot na dahilan ni Charles. Napatingin akong bigla kay Charles at pasimpleng bumigkas ng pasalamat.
"Is that true Ms Andrada?" tumitingin tingin pa sa sahig ang proof namin dahil sa duda.
"Y-yes po maam.....Sorry po nakaistorbo ako sa klase. Hindi na po mauulit," Nakayuko kong wika.
"Okay get on your feet Ms Andrada. Don't mind the rats that disturbing you. Class! Attention, you better focus on this subject because 50% of your future rely on here! You understand?" malakas at may diing tanong ni Ms Dela Cruz. Tumanda na atang instructor sa university namin na hanggang ngayon ay wala pang asawa. Nasa mid fifties na kaya malapit ng magmenopause.
Sabay-sabay kaming sumagot ng oo.
Pinilit kong kalimutan ang pangyayaring paghalik ni Jim sa akin kanina lang. Kailangan kong ayusin ang pag-aaral ko at magfocus kung gusto kong makatapos. Tama si maam Dela Cruz, our future relies on our hand at syempre sa subject nya dahil major subject namin ang hawak nya. Narinig kong tumikhim si Charles sa tabi ko at pasimpleng nagtanong sa mahinang boses. Halos dumikit na ang bibig nya sa tainga ko.
"Parang wala ka sa sarili mo kanina. Ano ba ang iniisip mo?"
Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at napatingin sa gwapo nyang mukha. Gwapo si Charles walang duda, mabait, matalino, matulungin at halos wala akong maipintas sa kanya pero wala akong nararamdamang abnormal na t***k gaya ng epekto ni Jim sa akin. Wala yung dobleng kaba, paro paro sa tiyan ko at panginginig ng buong katawan ko sa tuwing nasa malapit si Jim.
Matagal ko ng nararamdaman ang pasimpleng pagdiga at pagpaparamdam ni Charles ng totoong nararamdaman nya sa akin pero kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.
"Don't mind me, wala iyon. May gumugulo lang sa isip ko na nakakainis kaya napatili ako," palusot ko.
Tumango-tango sya at saka nag-aalalang tinitigan ako.
"Don't hesitate to share it with me. Kung ano man ang gumugulo sayo I am willing to listen and to help you," madamdamin nyang wika. Napangiti ako at bumulong sa kanya.
"Thanks ha. You are a big help." Bumalik na ang tingin ko sa harap at nagsimula na akong sagutan ang mga pinapasagot sa pisara.
Dumating ang oras ng break, nagmamadali akong kinuha ang mga gamit ko. Kumukulo na kasi ang tiyan ko at gusto kong makahigop sana ng sabaw sa canteen. Biglang inagaw ni Charles ang laptop bag ko at ang back pack ko.
"Hey akin na yan. I can carry it," tanggi ko.
"Ako na, alam kong gutom na gutom ka na kaya halika ka na sa canteen." Nagpatiuna na sya sa paghakbang palabas ng classroom kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Sa hitsura naming dalawa na magkasabay at hawak nya ang mga gamit ko magpagkakamalan talagang may relasyon kami ni Charles. Sanay naman na ako sa gestures at trato nyang ganito sa akin pero simula ng makilala ako at may halikang nangyari sa amin ni Jim kagabi at kanina ay may pag-aalala sa dibdib ko. Baka iba ang isipin ni Jim sa amin ni Charles. Baka akalain nyang boyfriend ko si Charles. Hindi mapakali ang mata ko. Palihim na gumagala sa paligid dahil baka nasa malapit lang si Jim at nakamasid.
"Alam mo sa tagal na nating magkaklase at magkaibigan kabisadong-kabisado na kita Jess. Ano ba ang gumagambala sa isip mo? Kanina ka pa hindi mapakali," usisa ni Charles. Malikot ang matang tumingin ako sa paligid, bumuntung hininga at saka napatitig kay Charles.
"Charles, wala! I am just tired. Huwag mo akong pansinin," pagkakaila ko.
"Okay, I will not force you to share it with me but I am always reminding you Jess. I am a friend you can rely on."
Hinaplos nya ang pisnge ko na ikinapiksi ko.
"S-sorry, you just mesmerized me with you flawless and angelic face," walang kurap nyang wika sa akin. Napakuno't noo ako at biglang napatikhim.
"Charles, ano ba yang pinagsasabi mo?" Naiilang kong tanong sa kanya. Tumalikod ako at nagpatiuna nang naglakad. Ramdam ko ang paghinto nya sa paglalakad. Hindi ko na sya hinintay at naglakad na papuntang canteen. Maraming bumabati sa akin na kapwa ko estudyante. Halos ay hindi ko kilala dahil hindi naman ako palapansin pero hindi naman snob. Kapag may bumabati ay tinutugunan ko naman out of respect and gratitude. Sabi ni Charles unti unti akong nagiging popular sa school dahil sa galing kong kumunta. Minsan na kasi akong naimbitahan ng university council para sa isang especial program para sa mga professors. Kumanta ako ng dalawang beses sa program kaya naman marami na ang nakakakilala at humahanga sa akin. Pero minsan lang iyon.
Nang malapit na ako sa linya ay bigla akong pinigilan ni Charles.
"Ako na ang mag-oorder para sa atin. Pumunta ka na lang doon sa lage nating inuupuan. Nandoon na ang mga gamit natin. Ikaw na muna ang magbantay para makapagpahinga ka naman," suhestiyon nya. Hindi na ako kumibo at sumunod na lang sa gusto nya gaya ng laging nangyayari. Naglakad na ako papunta sa nireserba nyang upuan namin. Palapit na ko sa lamesang uukupahin namin nang may biglang humablot sa kanang kamay ko.
"There you are Ms Andrada!" sabay ng pagkakatitigan namin. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko sya at hindi ko napansing napahawak ako sa dibdib ko dahil sa mabilis na t***k nito.
Para bang nasa ibang dimensyon kami na kami lamang ang tao sa paligid. Nakapagkit na ang titig ko sa kanya at hindi man lang ako makapagsalita sa subrang kaba na nararamdaman ko. Nag-iba ang kulay ng paligid at parang napapaligiran kami ng mga magagandang bulaklak na iba't ibang klase at may nag-aawitang ibon pa. Para akong namatanda at sya lamang ang nakikita ko. Magaan at napakasarap sa pakiramdam. At ang bawat t***k at sigaw ng puso ko ay sya lang ang binabanggit.