Mag-aala una na ng madaling araw nang makarating kami sa harap mismo ng munting bahay namin. Kahit kasi anong tanggi kong ihatid nya ay hindi sya pumayag kaya ang ending hinayaan ko na lamang syang ihatid ako.
Parang ang bilis bilis ng oras kapag kasama ko sya. Gusto ko mang pahabain pa ang pag-uusap namin pero kailangan ko ng makauwi dahil tiyak na nag-aalala na ang mga magulang ko. Alas dyes ang last set ko kaya dapat alas onse pa lang nakauwi na ako. Nahuli na ako ng dalawang oras. Tiyak na nag-aalala na ang mga magulang ko.
"Ahmm...Salamat sa paghatid," mahina kong usal. Tumango lamang sya pero hindi inaalis ang malagkit na titig sa akin. Kanina pa ako asiwang asiwa sa titig nya. Ganito ba talaga sya dumiskarte sa mga babae? Halos lahat ata ng babaeng napapalapit sa kanya tinitira nya. Ganoon din ba ang balak nya sa akin? Ipinilig ko ang ulo ko para maalis ang malaswang nasa isipan ko. Hindi naman siguro sya nag-iisip ng ganoon sa akin. Hindi kasi ako ganoon na madaling madala at madaling makuha. Pero ako mismo ay duda sa sarili ko.
"Ahmm...Sige baba na ako," paalam ko. Akmang bubuksan ko na ang pintuan nang bigla syang nagsalita.
"Ahm...Wait! Ahhh....Can I see you again?" tanong nya na nagpapaawa. Binasa nya ang labi nya sabay kagat nito. Ako naman ay mas lalong lumakas ang tambol ng dibdib habang pinagmamasdan ang namumulang labi nya. Huling huli nya ang sunod-sunod na paglunok ko. Sumilay ang multong ngiti sa labi nya.
"Do you want me to kiss you?" deretsang tanong nya na ikinamula ko.
"H-ha!? N-no! H-hindi....Bakit mo naman naisip yan?" nauutal na wika ko sabay yuko. s**t! Subrang nakakahiya talaga. Ipinagkanulo ako mismo ng sarili ko. Ang kaba sa dibdib ko ay mas lalong lumakas.
"Because I terribly want to kiss you right now," paos nyang wika. Walang anu-ano'y kinabig nya ang batok ko saka nya sinakop ang mga labi ko. Ang puso ko'y nagtatatalon na sa subrang bilis ng t***k habang ang katawan ko'y hindi agad nakagalaw. I don't know how to respond to his kisses. Nakapinid lang ang labi ko habang pilit nyang ipinapasok ang dila nya. Nang makabawi ako sa huwisyo ay tangka ko sana syang itulak pero mas lalong dumiin ang halik nya. Ang kaninay nakapinid na labi ko ay bahagya kong naibuka kaya naipasok nya ang dila nya sa loob ng bibig ko. Mas lalong lumakas ang t***k ng puso ko nang maglakbay ang dila nya sa loob ng bibig ko. I don't know what to do and what to react. Bago at hindi pamilyar ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Masarap na para akong nasa alapaap at parang may munting kiliti na ginigising sa kaibuturan ko. It feels good and I like it pero naroon ang pangamba.
No I should not be doing this. Kanina lang nya ako nakilala ng personal pero ngayon halos lamunin na nya ang labi ko. At ako naman ay madaling nadala sa halik nya. Bigla akong natauhan sa isiping iyon kaya kagyat ko syang naitulak.
"S-stop, Ahhh....This is not good. We are not a thing but why you kissed me?" halos maiyak sa hiya kong tanong.
"S-sorry, I just can't help it. You have a very tempting lips. Para bang nang-aayang mahalikan," deretsa at walang preno nitong wika.
"What? Hindi naman kita inaakit ah?" naguguluhan kong tanong.
"No, your not but I can't help it. I am so attracted to you Jess. I know you feel it too. That kiss is the sweetest kiss I have ever had. Your lips really felt so soft, so sweet and so satisfying," sinasabi nya iyon habang hindi inaalis ang titig sa mga labi ko.
Bigla kong tinakpan ang bibig ko.
"Nahihibang ka na. Nagkakamali ka lang. Alam mo lasing ka ata e. Its almost morning you just to need sleep okay?"
Hindi ko na hinintay pang makasagot sya. Agad akong bumaba ng sasakyan at walang lingon likod na naglakad papasok sa munting gate ng bahay namin. Subrang lakas ng t***k ng puso ko, nanginginig ang tuhod ko pero hindi ako nagpahalata. Deretso lamang ang lakad ko dahil alam kong nakamasid sya sa paglalakad ko. Nang makapasok ako sa gate mabilis ang kilos kong kinuha ang susi na nakatago sa paso at binuksan ang pintuan ng bahay namin. Sa nanginginig na kamay ay pinagsumikapan kong ipasok ang susi sa pintuan hanggang sa wakas ay nabuksan ko. Pagkasarang-pagkasara ng dahon ng pintuan ay napasandal ako at napabunga ng malakas para maalis ang tension at kaba sa dibdib ko. Ilang sandali pay rinig ko na ang pag-andar ng sasakyan nya hudyat na paalis na sya.
Dahan-dahan akong lumapit sa bintana at sumilip doon. Nagtama ang aming mga paningin at ganoon na lamang ang
pagtalon ng puso ko. Mabilis ang kilos kong nagtago sa dahon ng pintuan. Nakakahiya! Halatang halata talaga ang kilos ko. Napahawak ako sa dibdib kong sing bilis ata ng nagkakarerang kabayo ang pintig. Iba na talaga itong nararamdaman ko. Pag-ibig na nga kaya? Napapikit ako at mukha nya ang nasa isipan ko. Napahawak ako sa labi kong kaninay sakop sakop nya. Grabe ang sarap subra. Parang huminto kanina ang ikot ng mundo dahil sa napakatamis na halik nya. Napatili ako ng pigil dahil sa kilig. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil baka bigla akong mapasigaw. Dahan dahan akong umakyat sa hagdan papuntang kwarto ko. Ilang sandali pay naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko hudyat na may natanggap akong message.
Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at kinuha iyon. Nanginginig parin ang kamay ko sa subrang tension. Nang makarating ako sa sariling kwarto ko ay pabagsak akong nahiga sa malambot kong kama. May ngiti sa labing abot ata hanggang tenga sa subrang kilig habang binubuksan ko ang cellphone ko. Biglang tumibok ng doble ang puso ko dahil may message ako mula sa isang unregistered number.
09913456101: Your lips is so soft. I want to kiss you again and again.
Napahawak tuloy ako sa labi ko at hindi ko napigilang tumili. Nakalimutan kong hindi pala sound proof ang kwarto ko. Ilang sandali pa'y rinig ko na ang sunod-sunod na katok sa pintuan ko.
"Anak! Ano ang nangyayari sa iyo? Bakit ka tumitili? Kanina ka pa ba dumating?" rinig kong tanong ng nanay ko sa likod ng dahon ng pinto.
"Pasensya na po nay. May ipis po kasi sa kama ko kaya napatili ako. Huwag po kayong mag-alala dahil napatay ko na po. Opo, kanina pa po ako dumating," pagtatakip ko sa sarili ko. Hindi ako sanay magsinungaling pero hindi ko rin alam paano ipapaliwanag ang pagtili ko.
"Mabuti naman anak akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Pinakaba mo ako anak. Sige matulog ka na dahil may klase ka pa bukas di ba?"
"Opo salamat po nay. Matutulog na po ako," sabay pikit ko. Pinilit kong matulog pero hindi ako dalawin ng antok dahil sya ang nasa balintataw ko.
Mataas na ang araw nang magising ako. Ang ending late ako sa unang subject ko. Hawak ang backpack at laptop bag ko mabilis at deretso ang lakad ko papuntang Architectural Building. Dahil late na ako kailangan kong dumaan sa engineering department para mas mabilis akong makarating sa unang subject ko. Wala na akong pakialam sa hitsura ko dahil kanina nagmamadali na ako. Limang minuto lang ata akong naligo. Nakasuot ako ng lumang jeans at simpleng tshirt. Walang kadating dating. Walang suklay ang maikli kong buhok, walang make up at kahit na anong kolerete sa mukha. Tanging eyeglasses lang ang suot ko dahil sa malabo kong mata. Hindi ko na naisuot ang contact lense ko dahil sa pagmamadali. In short walang kaappeal appeal ang get up ko. Simple at boring ika nga.
May earphone ding nakasaksak sa tainga ko gaya ng nakasanayan ko dahil bilang isang architectural student nasanay na akong may suot parating earphone para hindi ko rinig ang anumang ingay sa paligid. Nakakatulong kasi ang earphone para makafocus ako sa mga desenyong ginagawa ko. Mas gusto ko ring makinig ng music kesa sa ingay sa paligid. Ika nga para akong may sariling mundo kapag nasa paaralan ako. Mabilis ang hakbang ko habang nakayuko dahil maraming estudyante ang nakatambay sa hallway ng engineering at halos lahat ay kalalakihan. Hindi ko na alintana ang sipulan at biglang ingay ng mga estudyante pagdaan ko. Bigla akong kinabahan at nanginig nang biglang may humarang sa daraanan ko.
"Oops! Wait!" swabe at baritonong wika ng taong humarang sa daraanan ko. Matangkad at hanggang dibdib lamang nya ako. Unti-unti kong iniangat ang tingin ko para bistahan ang taong malakas ang loob na harangin ako. At ganoon na lang ang tambol ng dibdib ko nang makilala ang taong dahilan kung bakit kulang ako ng tulog at late ako ngayon. Malawak ang ngiti at makalaglag panty ang kagwapuhan. Ang lalaking hanggang tanaw ko lang noon ay nasa harapan ko na ngayon.
Napadako agad sa labi nya ang tingin ko at lalo ata akong namutla dahil sa alaalang kaninang madaling araw lang nangyari. Sunod-sunod akong napalunok. Inalis nya ang magkabilang earphone sa tainga ko saka sya nagsalita.
"You're not answering my text sweetheart and it seems you forgot everything about me," sabay haplos nya sa pisnge ko. Napaidtad ako sa ginawa nya. Naghiyawan naman ang mga estudyanteng nakapaligid sa amin. Halos lahat ay naghihintay sa bawat galaw at salitang sasabihin ko. I cleared my throat bago ako magsalita pero walang ni isang salita ang lumabas sa bibig ko.
Sinenyasan nya ang mga engineering students na tumahimik at huwag sumunod. Hinawakan nya ang isang kamay ko at mabilis ang kilos na hinila ako sa likod ng pader tago mula sa mga kaklase nya. Saka pa ako natauhan at nahimasmasan.
"Wait! Anong ginagawa mo? May klase ako at subrang late na ako Jim," protesta ko nang maalalang subrang late na ako.
"Why you're not answering my messages. Pinuyat mo ako dahil ikaw lang ang nasa isip ko buong magdamag tapos hindi mo man lang sinasagot kahit isa sa mga mensahe ko," deretso at walang prenong sabi nya. Ako naman ay lalong napamulagat at nabigla sa sinasabi nya. Ang kaba sa dibdib ko ay lalong bumilis at halos naglulundag na ang puso ko sa saya. Lalo akong nanginig nang isinandal nya ako sa malamig na pader sabay haplos sa mga labi ko. Idiniin nya ang ibabang bahagi nya sa gitna ko. Ramdam ko ang katigasan nyang tumutusok sa gitnang bahagi ko. Napalunok ako at hindi nakahuma.
"There, do you feel it? Ganyan ang epekto mo sa akin Jess. You are making me crazy," paos at nang-aakit nyang wika. Sa isang iglap ay sakop sakop na nya ang mga labi ko.