Lumapit pa sya at halos gadangkal na lang ang pagitan ng mukha namin. Amoy na amoy ko ang pinaghalong mint at alak sa hininga nya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko dahil parang may balak syang halikan ako. Hindi ko alam kong naririnig nya ba ang malakas na tambol ng puso ko na halos tumalon na mula sa dibdib ko. Nanlaki ang mata ko nang parang aabutin nya ang labi ko. Involuntarily, I did'nt mean to close my eyes but I did waiting for a kiss from him. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala paring labi ang dumampi sa birhen kong bibig. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko para lang mapahiya at pamulahan ng mukha. He is doing prank on me. He just smirked while staring at my bloodshot face. I gritted my teeth out of frustration. Ngali-ngaling bigwasan ko ng kamao ko ang gwapo nyang mukha.
"Hey! Are you waiting for a kiss that is why you close your eyes?" amusement is drawn all over his face. Napairap ako sa sinabi nya. Feeling innocent ang mokong.
"No, at hinding hindi ko ibibigay ang first kiss ko sa hindi ko mahal," walang prenong sabi ko taliwas sa totoong nararamdaman ko. Napatutop ako sa bibig ko. Nabuking tuloy akong wala pa akong karanasan na mahalikan.
Mas lalo syang namangha sa sinabi ko. He is now smiling. Pinanlakihan ko naman sya ng mata.
"At bakit ngingiti ngiti ka?" tanong ko na napipikon na.
"Apology, I just find you cute and charming. You really made my day," malambing nyang sabi na hindi kumukurap ang pagkakatitig sa akin.
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya. Abat dinadala ako nito sa matamis nyang labi. Palikero at babaero talaga. Kanina lang iba ang kalambutsingan ngayon naman ay dumidiga sa akin. Napatingin ako sa backstage nang marinig kong tinawag na ng floor manager ang pangalan ko para sa final set.
"Ahm Jessie, can I have your number?" deretsong sabi nya.
"What!?" nabibiglang sagot ko.
"Ahm... or I'll just wait for you outside later. Let me bring you home," he is intently looking at me with pleaded eyes.
Nabibigla man sa sinasabi nya hindi ko namalayang tumango ako sa kanya tanda ng pagsang-ayon. Huli na nang marealize ko.
"Really!?" hindi makapaniwalang tanong nya.
"Ha'? Pumayag ba ako?" naguguluhang tanong ko.
"Yes, you just nod your head a while ago, at bawal ng bawiin iyon,"aniya.
Narinig ko ulit ang pagtawag sa pangalan ko kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon na lang para mapaalis na sya sa harapan ko.
"I will wait for you outside okay?" paalala nya kaya wala akong nagawa kundi sumang-ayon na lang.
"Yes," sabi kong napipilitan.
"I'll go ahead Jessie, goodluck sa final set mo. Hmmm.. By the way you look so gorgeous just like your voice," masuyo nitong sabi sabay talikod nito. Naiwan naman akong napamaang sa sinabi nya. Hindi ako makapaniwala na sa wakas ay napansin nya din ako. Lihim akong kinilig. Nangingiting naghanda ako sa pag-akyat ulit sa stage. Bumuga ako ng malakas at huminga ng malalim para ihanda ang sarili ko sa final set ko.
Pagdating sa stage, mas lalong nailang ako nang doon mismo sa harap ko sya pumuwesto. Kung kaninay nasa malayong table sya, ngayon ay ang lapit lapit na nya. Hindi ko alam kung paano nya napaalis ang mga taong unang umuukupa sa table na nya ngayon. Ilang beses muna akong lumunok ng laway bago simulan ang final set ko. Kasama parin nya ang mga kaibigan nyang ngayon ay nakakunot noo nang titig na titig sa kanya. Wala na din si Gorgette sa table nila.
"Hey guys, this is me again Jessie! This is my final set for tonight. I hope you are all enjoying your night!" Kinuha ko ang gitara ko at sinimulang tipahin ito. Hindi pa ako nagsisimulang kumanta ay humihiyaw na sa tuwa ang mga audience sa kani-kanilang table. Hindi ko naiwasang sumulyap sa gawi ni Jim. Agad nagtagpo ang mga paningin namin. Una akong nag-iwas ng tingin dahil sa hindi ko makontrol na t***k ng puso ko. Una kong kinanta at tinugtog ang 'the One that got away' ni Katy Perry. Gaya ng unang set ko walang pasidlan ang hiyawan at tuwa ng mga customers na ayaw pa atang pababain ako sa stage. I was saved by the next set na subrang gagaling din. Pababa na ako ng stage nang may humatak sa kamay ko. I was taken a back pagkakita kay Aldrin ang vocalist ng sikat na banda na tutugtog pagkatapos ko.
"Hey! Jessie! Congrats! Lalo kang gumagaling at sumisikat habang tumatagal," masayang papuri nya. Matipid akong ngumiti sa kanya.
"Thanks, ikaw din lalo kang gumagaling," sabi ko.
"By the way, about my offer last time. Baka napag-isipan mo na? Mas okay talaga kung sumama ka sa banda namin," udyok nito.
"Sorry Aldrin but no thanks. I need to focus this semester on my thesis and plates. Graduating na ako. Hanggang part time lang talaga ang pagkanta ko," Tanggi ko sa alok nya. Nakakaunawa namang tumango tango sya.
"I understand, but in case you want to accept my offer after your graduation I am two hands to welcome you," singit nito na ikinangiti ko. Nagpaalam na ako para hindi humaba ang usapan. Naghahanda na akong umalis nang may biglang nagsalita sa likod ko.
"Hmmm...Looks like your going home now." Nagdoble ang kaba sa dibdib ko dahil sa gulat.
"Hey, papatayin mo ba ako sa gulat!" naiiritang sabi ko para pagtakpan ang kabang nararamdaman ng puso ko.
"I am just excited to bring you home," walang prenong sagot nito. Lumapit sya sa kinaroroonan ko at kinuha sa kamay ko ang backpack at eco bag na dala ko. Hindi na ako nakapalag dahil nauna na syang naglakad palabas ng make up room. Hinintay nya akong makalabas at maginoong inalalayan ako palabas sa dagat ng taong nakaharang sa daraanan namin. Pagkalabas, hinawakan nya ang isang kamay ko na nagbigay ng bulta-bultaheng kuryente sa kaibuturan ko. Simpleng pagdadaiti pa nga lamang ng mga kamay namin ay napakalakas na atraksiyon ang dulot sa amin. Biglang binawi ko ang kamay ko dahil sa hindi ko maintindihang kaba sa dibdib ko. Alam kong ramdam nya ang panginginig ng kamay ko. Napatitig sya sa akin at binigkas ang sorry dahil sa paghawak nya sa kamay ko. Hindi ako nakapagsalita agad. Inalalayan nya akong makapasok sa medyo luma na nyang kotse. Pinagbuksan nya ako ng pintuan at dahan dahan isinara ang pintuan ko. Mabilis ang kilos nyang umupo sa driver seat.
"Is it okay if we will eat before I will bring you home?" tanong nya. I cleared my throat first before I say okay. Dinala nya ako sa hindi kamahalang restaurant.
"Bakit mo ako dinala dito? Pwede naman na ako sa turo turo lang,"derektang sabi ko. Napamaang sya at umiiling iling ang ulo.
"No, I won't do that. This is my first time to ask someone for a date. And the other truth is, I don't eat such kind of food." aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi nyang date pala ngayon ang pag-aya nya sa akin na kumain.
"Ha!? Date?" tanong ko. Namula naman ang buong mukha nya pagkarinig sa salitang date.
"Yes, this is somekind of a date," baritono nyang sabi na puno ng kumpyansa sa sarili.
"I thought simple dinner lang," mahina kong usal. Napatitig naman sya sa akin na may apologetic na hitsura.
"Sorry ha, nabigbigla ata kita," paumanhin nito.
"Its alright," sa tonong mahina. Sa totoo lang para akong idinuduyan sa alapaap sa subrang tuwa na nararamdaman ko.
Ipinaghila nya ako ng upuan na buong lugod ko namang tinanggap. Umupo kaming magkaharap. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kainan para makaiwas sa makalaglag panty nyang paninitig. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito kalakas ang epekto nya sa akin. Pilit kong iniignura ang malakas na atraksiyon na namamagitan sa amin.
"Ahem! ahm Jessie," baritono nyang pasimula kayat napatingin ako sa kanya.
"Yes," nahihiya kong usal na napatitig sa abuhin nyang mata.
"Can you tell me more about yourself,"paos nyang tanong. Ako naman ay hindi napaghandaan ang mga ito at nabibigla kayat hindi ko alam paano ba ang pakikipag-usap sa kanya.
"Ahm....ahh! There is nothing interesting about me. I am just a simple Jane who work partime in an elite bar and studying at the same time. My life is just revolving around school, work and of course my family," mahaba kong wika.
"No, you're not just a simple Jane, You are an extra ordinary person, full of talents, underrated singer, and a lady full of charisma," wika nitong hindi inaalis ang titig sa akin. Pinamulahan naman ako ng mukha sa deretsahang papuri niya. Hindi ako agad nakahuma. Napalunok muna ako ng laway bago pa nakapagsalita.
"Thanks for that compliment Jim. But how can you be so sure of that? We just met a while ago. You just barely knew me," tanong ko sa nang-aarok na tingin. Ganito ba talaga ito? Talagang likas na sa dila ang pagiging bolero.
"Do I need to know you that long para masabi ko kung ano ang nakikita ko sayo?" nakataas ang kilay na tanong nya.
Napipilan ako sa tanong nya. Sabagay kailangan bang matagal na magkakilala bago magsabi sayo ng compliments na nakikita nya. Nagkibit balikat na lamang ako at hindi na nakapagsalita. Dumating ang waiter at kinuha ang order namin. Sa buong dyurasyon ng pag-uusap namin isa lang ang masasabi ko. He is a man of a substance.