Jim POV
Bakit ba nila pinag-aagawan ang babaeng vocalist? Kumunot ang noo ko. Naintriga tuloy ako kung ano ba meron sa babaeng iyon at halos mag-away na sila Allan at Alex.
Napatingin ako sa stage, simsim ang alak na hawak ko ay mataman akong tumitig at nakinig sa babaeng kumakanta. Familiar talaga ang mukha nya sa akin. May ibubuga nga ang boses, malamig, malamyos at hindi nakakarinding pakinggan. Hindi bastusin kung manamit kahit sexy at takaw pansin ang kurba ng katawan. May class din sya kung gumalaw. Kung isa akong talent manager pasadong pasado na syang maging singer o artista. Binistahan ko pa ang kanyang mukha. Tamang tama namang natapos ang kanta nya at nakatutok ngayon sa kanyang mukha ang spot light. Klarong klaro ngayon ang magandangg mukha nya sa paningin ko. Maganda at nangungusap ang mga mata, ilong na matangos pero cute, at mga labing mapupula. Asset nya ang magandang set ng ngipin at biloy sa magkabilang pisnge. Napakacute nya tuwing nakasmile. Maaliwas syang tingnan sa mata. In short she's charming. Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit naging kuryuso ako sa kanya. Naagaw nya ang atensyon ko. Habang nagsasalita sya, hindi ko napigilang titigan bawat kibot ng labi nya. I feel my friend down there going hard. Hindi dahil sa mga haplos ni Georgette kundi dahil sa mga labing tinititigan ko. Iba ang dating ng babaeng ito sa akin. She's gorgeous and attractive into my eyes. Tama nga ang dalawa. She's really something. Hindi ko masisisi ang mga kalalakihan kung bakit baliw na baliw sila sa bawat performance ng lead vocalist. She have it all. Natanong ko tuloy bakit sya nagtitiis na magperform dito e kayang kaya naman nyang sumikat as a singer. Nang mapadako ang tingin nya sa gawi namin ay nagtama ang mga mata naming dalawa. Namula sya at biglang binawi ang tingin. Nakita ko yun. Para syang nahiya na nahuli ng crush. Hmmm...Di yata't may gusto sya sa akin. Hindi naman na bago sa akin ang mga ganyang actuation ng mga babae lalo na at nakakasalubong ko pero masaya sa pakiramdam na malamang may gusto sya sa akin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Sinadya ko pang tumitig sa kanya ng matiim. Hinintay kong muling bumalik ang tingin nya gawi sa akin. Hindi nagtagal bumalik nga ulit ang tingin nya. Pinahalata ko ang titig ko sa kanya. Kinagat ko ang ibabang labi ko habang hindi inaalis ang titig sa kanya. Kahit sinong makakakita sa ginagawa ko ay mahahalatang inaakit ko ang sinolumang tinititigan ko. Hindi na sya mapakali. Iniwas nya ang tingin sa akin at yumuko sya. Pulang pula ang kanyang mukha. Halatang halata ang pagkailang nya. Pilit ang kanyang ngiti this time. Narinig kong nagpapaalam na sya sa mga audience na bigla namang nagprotesta.
" I'll be backed guys after 30 minutes break. May back up singer will entertain you while I am on break. See yah!" mabilis syang tumayo at tumalikod. Bigla naman akong napangiti. Huling huli ko sya sa kanyang mga mata. Halatang halata na may gusto sya sa akin. Kinailangan nya talagang huminge ng break para lang makaiwas sa mapang-akit kong titig.
"Put** naman oh! Bakit bigla syang huminge ng break. Parang nag-iba ang timpla nya. Baka may dinaramdam sya!" malakas na sabi ni Allan sa grupo.
" Dude, gusto ko syang kumustahin sa back stage. Tulungan mo naman akong makiusap kay Daryl baka nandyan sya sa loob ng office nya," biglang pakiusap ni Alex sa akin. Nagreact naman agad si Allan.
" Pare ako ang may idea na baka may dinaramdam sya. Bakit uunahan mo akong puntahan sya!? galit na pahayag ni Allan. Galit na ang mukha nito. Salubong ang kilay at pulang pula na ang mukha.
"Pare sabi ko naman kanina paunahan ng diskarte. Gumawa ka din ng paraan para malapitan sya," sagot ni Alex na relax lang ang tonada. Naririndi ako sa sagutan ng dalawa kaya di ko napigilan ang magsalita
"Can you please stop nagging each other!? No one can have her but only me. She's mine! You understand?" matapang kong pahayag. Lahat sila ang napatingin sa akin. Hindi nakaimik sina Allan at Alex. Para silang pinagsakluban ng langit at lupa sa mga reaction nila. Si Georgette naman ay tumaas ang kilay.
" So, you also like that girl huh!?" tikwas ang kilay na tanong nito. Inalis ko ang nakahawak nyang kamay sa mga hita ko at bigla akong tumayo. Bago ako umalis sa inuupuan ko malakas akong nagsalita,
"You better forget about her Allan and Alex. I am warning you two! She belongs to me!" malakas at matigas kong pahayag na magpapasindak sa kanila.
"Dude, wala namang ganyanan. Walang wala kaming laban sayo kung makikisali ka pa," pahabol na litanya ni Alex habang naglalakad ako. I can hear with his voice the desperation. I just raised my palm to make him stop talking. Mabilis kong hinawi ang dagat ng mga taong nakaharang sa dadaanan ko. I am planning to meet her backstage. I want to see it myself how would she react if i will talk to her. May namuong ngiti sa mga labi ko. I can't wait to see her blushing cute face. I'll try if Daryl is at his office. Tama yun ang gagawin kong dahilan, ang kunwaring paghahanap sa kaibigan ko na syang nagmamanage nitong bar. I enter to the restricted door na may nakalagay na for employees only. Tinungo ko agad ang back stage na may tatlong dressing room. Ang dalawang dressing room ay puro kurtina lamang takip at ang huling kuwarto ay may pintuan. Hindi ako nagdalawang isip na katukin ang huling pintuan. I am sure na doon ang kanyang dressing room.
Jessie's POV
Nagwawala ang dibdib ko sa kaba nang makarating ako sa dressing room. Sinadya kong huminge ng fifteen minutes break para makaiwas sa mga matiim na titig nya. I feel his hot stares na halos tumagos sa kaluluwa ko. All of a sudden nagbigay sya ng atensyon sa akin. I wonder why? Agad akong napasandal sa pinto ng dressing room just to get support. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa subrang kaba. Naghuhuramentado talaga ang dibdib ko sa tuwing nasa malapit sya. I can’t help it. Buti na lang sanay akong magperform in front of a crowd kahit na halos hindi ako makahinga sa subrang kaba. Hindi napapansin ang panginginig ko. Unti unti kong pinakalma ang dibdib ko. I hold my chest and do the inhale exhale exercise para mabawasan ang mabilis na t***k ng puso ko. This heart really bothers me a lot because it beats abnormally everytime I see his handsome face. Para bang may sakit ako sa puso sa lakas ng t***k nito. I think I need to see a doctor just to check my heart. Aminado akong subrang patay na patay ako sa kanya. He is always in my dream, always on my mind and always been my inspiration. Mayamaya ay may kumakatok sa pintuan.
Nanginginig parin ang kamay kong pilit na inabot ang siradura ng pintuan upang pagbuksan ang nasa labas. Hindi ko napigilan ang mapanganga nang masilayan ko ang napakagwapong mukha ng pinapangarap ko.
"Hey! May I come in?" maaliwalas ang mukhang tanong nya sa akin. Hindi parin ako makahuma sa kinatatayuan ko. I am sure ang putla putla ko na. Pilit kong hinamig ang sarili ko dahil para akong tinakasan ng ulirat nang makita sya. Ganito ako kapatay na patay sa kanya. Kung naririnig nya lang ang t***k ng puso ko, siguradong nakakahiya dahil ang lakas lakas ng t***k nito at halos hindi na ako makahinga.
"A-ahm, A-nong kai-langan mo?" pautal utal kong tanong. Gusto kong lamunin na lamang ng lupa dahil napaghahalataan talaga ako. Halos hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.
" I just want to know you," deretsang sagot nya na ikinagulat ko. Naumid ang dila ko at hindi agad nakasagot. Umatras ako upang bigyan sya ng daan para makapasok. Agad akong tumalikod at humarap sa isang sulok. Ang sarap magtitili sa saya. OMG!!! Sa wakas sya mismo ang lumapit para makilala ako. Hinamig ko ang sarili ko dahil nakakahiya kung para akong timang sa kanyang harapan. Puro ba naman pautal utal ang pagsasalita ko.
Inayos ko ang buhok ko at damit kong medyo nawala sa ayos bago humarap ulit sa kanya. Nang aktong haharap na ako, hindi ako agad nakahuma nang subrang lapit na pala nya. Isang dangkal lang ang pagitan namin. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga na may halong amoy ng alak. Napaatras ako dahil sa pagkabigla. Nakainom sya at hindi ko alam kong nasa matino pa ba syang pag-iisip. Bigla akong naalarma sa presko nyang galaw. Kita ko naman ang pagkibot ng mga labi nya. Hinawi nya ang kanyang buhok na tumabing ng kaunti sa kanyang mapupungay na mata. A gesture of him that mesmerize me the most.
"Ahm, Jim by the way," rinig kong pakilala nya. Nag-atubili akong tanggapin ang kamay nya dahil nanginginig pa ako. But I accepted his big hand. I am sure he can sense the trembling of my hand. Ramdam ko ang pagpisil nya at mahigpit nyang pagdaop sa kamay ko.
"Jessie but you can call me Jess," mahina kong usal na tama lang na marinig nya.
" Your face is familiar. I think I saw you before," nananantyang usal nya. I managed to smile a little bit. Nagkibit ako ng balikat bago sumagot.
" We are school mates and in the same College department," kimi kong pahayag. I saw a bit of surprise on his eyes.
"Ahm! What a small world. So what course are you taking and and what year?" tanong nya na hindi inaalis ang tingin sa akin.
"Architechture and I am in my fifth year now," sagot ko na nahihiya parin.
"Whaat!? Meaning we've been schoolmates for almost 5 years now but how come I haven't known you?" napapantiskuhan parin reaksiyon nya sa rebelasyon ko.
'Paano mo naman kasi ako mapapansin kung ang daming babaeng magaganda ang nakapaligid sayo. Kahit isang sulyap e hindi mo man lang ako mabigyan' kausap ko sa sarili ko.
"Ahm, hindi naman kasi ako kapansinpansin at saka bakit ka naman mag-aabalang pansinin ako di ba?" lakas loob kong tanong.
"Why not? You are way prettier than the other girls in the campus. And you have the voice that really gave me eargasm," nang-aakit na wika nito. Mapangahas na hinawi nito ang buhok na tumatabing sa mukha ko at inipit sa aking tenga. That move brought shivers down my spine.
"Ahm, paano ka pala nakapasok dito? Di ba bawal pumasok ang mga customers dito. Baka mahuli ka. Off limits dito," pagtataboy ko dahil halos hindi na ako humihinga dahil sa subrang kaba.
"My friend owns this bar. I don't care kung kaladkarin ako palabas ang importante ay makilala kita at makausap ng malapitan. Now I know kung bakit baliw na baliw ang mga kalalakihan sa labas," pahayag nito na ikinapula ko.