Chapter 4

1508 Words
"Tricia, one more mean move and I'll ask the guards to throw you out," babala ni Jeremy sa pinsan na akma pa palang bubuhusan si Jorge ng wine pagkabagsak. "Ikaw rin, Jeremy? First, it's Tita Amelia! What is wrong with you guys?!" asar na protesta ni Tricia. "Why are you protecting that b*tch?!" "Back off. No one has the right to treat my guest this way." "Fine!" gigil at tinapunan muna siya ni Tricia nang masamang tingin bago lumayo. Pakiramdam ni Jorge ay hinihingal siya. Kahit na saglit na saglit lang ang pagdidikit nila ni Jeremy ay gano'n na lang ang epekto no'n sa kanya. Sa katunayan ay wala ng ibang namutawi sa bibig niya kundi dok lamang. "Jorgina, I'm sorry," baling ni Jeremy sa kanya. "H-ho?" gulat pa siyang napatingin sa binata dahil sa tinuran nito. "I said I'm sorry," ngumiti ito. That kind of smile that could send her to eternal peace and yet he wasn't even aware of it. "Look at you! If Mama didn't tell me that it's you, I wouldn't have recognized you." Buong paghanga siyang hinagod ng tingin ng Doktor. Paghangang katulad lamang ng isang kuya sa nakababatang kapatid. Pero kuntento na roon si Jorge. "Salamat po, Dok Jeremy. Happy birthday po. Pasensya na po at wala po akong dalang regalo. Ang totoo po kasi -" "Jorgie, stop," natatawa nitong pigil sa pagpapaliwanag niya. "Mama told me everything. You don't have to apologize. We're happy that you're here. Sapat ng regalo iyon." Natameme na lamang siya. Bakit ba ang bait-bait nito? "Halika, samahan mo kami ni Iris sa mesa namin," yakag nitong iginiya siya sa kasintahan nito. "Iris, Jorgina's joining us." "Jorgina?" Tila nag-hang pa ang babae bago napunit sa malawak na ngiti ang mga labi nito. "Jorge! Of course!" Tumayo pa ito at sinalubong siya ng yakap. "Oh my, I thought Jeremy wanted some chic to join us. I was about to beat him!" Biro nitong pinaupo siya. "Silly, you're the only woman in my heart," said Jeremy. Hinalikan pa nito sa pisngi si Iris. Parang may kamay na pinong kumurot sa puso ni Jorge sa nasaksihan. Pero wala siyang hard feelings. Sa katunayan ay masaya siya para sa dalawa. They looked good together. "Iwanan ko muna kayo. Celebrant's duty," paalam ni Jeremy. "Jorgina, you're in good hands. So relax and try to enjoy the night, okay?" he fondly patted her head. Of course, while the girlfriend got a kiss, she got a pat on the head. Yet, Jorge was happy in her heart to be able to be with Jeremy in small moments like that. "Matagal na kitang nakikita rito pero ngayon lang talaga kita masosolo. Come on, tell me something about yourself," nakangiting baling ni Iris sa kanya nang makalayo na si Jeremy. Tumango siya at nag-umpisang daldalin ang kasintahan ni Jeremy. Inglesera ito at mabuti na lamang nakakaintindi si Jorge ng Ingles kahit na hindi siya nakatapos ng elementarya. Noon niya napatunayan na kahit self study siya ay kaya niyang makaintindi. Pero magsalita ay hindi niya kaya. Tagalog na lang niya ito sinasagot. Ilang saglit pa ang lumipas at isinara ang mga ilaw para bigyan ng liwanag ang dance floor lamang. "The dance is about to start," sabi ni Iris. Isa-isa ngang nagpunta ang mga couple sa dance floor. Isang sweet na musika ang pumapailanlang sa kasalukuyan. "May I have this dance?" Sabay silang napatingin ni Iris sa palad na nakalahad sa harapan nito. S'yempre, si Jeremy iyon na ang paraan ng pagkakatitig kay Iris ay talaga namang hindi nito binibigyan ng pagkakataon ang huli na tumanggi. Who could resist that look when it speaks of too much love? Yet, to Jorgina's surprise, Iris just smiled at the man while shaking her head. "I'm sorry, Jeremy. I'm not in the mood to dance yet," malumanay na wika nito. "Why not dance with Jorge first?" Gulat naman siyang napatingin sa babae. Seryoso ba ito? Siya? "Of course," ngumiti si Jeremy. Pero hindi nakaligtas kay Jorge ang mabilis na pagdaan ng sakit sa mga mata nito dahil sa pagtanggi ni Iris. "I just have to ask you first since you're my girlfriend. I just didn't want to be rude." Iris playfully rolled her eyes. "Just dance with her before some bad guys get a hold of her." "Won't let that happen. Dance with me, Jorgina?" Tameme pa rin si Jorge sa nangyayari. Pero kusang kinuha ni Iris ang kamay niya para ilagay sa nakalahad na palad ni Jeremy. Tahimik siya nitong inakay sa dance floor. Halos hindi naman siya makalakad. Naninigas siya sa sobrang nerbiyos. Idagdag pa na tila binabayo ang dibdib niya sa lakas ng kabog nito. Hindi nga siya halos makahinga. "D-dok, hindi ako marunong sumayaw," isa pa 'yon sa inaalala niya. Baka maipahiya pa niya ang mismong may kaarawan. "Relax, just follow my lead." He guided her left hand to his shoulder as he held the right. "Were you hurt because of Tricia?" tanong ng Doktor nang makita ang kamay niyang nakabenda sa pagkakahawak nito. Because unfortunately, kanang kamay niya ang nahiwa ng bubog kanina. "H-hindi po ako nag-iingat kaya nahiwa po ang kamay ko," kaila niya. "Stop denying," sabi nito. "Had it been treated properly?" "Opo, ng Mama n'yo po." Napayuko na lamang siya. Ang totoo, hindi naman masakit ang kamay niya. Mas ramdam pa niya ang sakit ng rejection ni Iris kay Jeremy. "Dok, pasensya ka na kung hindi ako nakatanggi. Nagulat ako na inilagay ni Miss Iris ang kamay ko sa palad mo. Pero hindi ko naman intensyon na ano, na dahil sa akin, hindi siya sumama sa'yo," tuluy-tuloy na daldal niya bago niya mapigilan ang sarili. "Hindi ka naman po galit, 'di ba?" Lakas loob siyang nag-angat ng paningin para tingnan sa mga mata nito si Jeremy. And to her surprise, there was nothing but amusement in his eyes. Nakangiti pati ang mga mata nito. "Ibig ko pong sabihin, birthday mo kaya dapat lang na si Miss Iris ang first dance mo dahil siya ang girlfriend mo?" Naging patanong na ang tono niya dahil tumatawa na ito nang mahina. "It's fine, Jorgina. Akala mo ba hindi kita gustong maisayaw? I wasn't joking with Iris kanina," sabi ng binata. "Isa pa, tama siya. I have to make sure na hindi ka malalapitan ng ibang lalaki. Or else, Mama would kill me kapag nabastos ka." Nahihiyang tumango na lamang siya at tipid na ngumiti. Okay na sana eh, kung hindi lang sana nito sinabi ang huli nitong pangungusap. His gesture meant nothing but a favor for his mother. Ano ba iniexpect niya? "You're very beautiful tonight, Jorge. I'm relieved that Mama's already waiting for you beside Iris. Hindi na siya busy kaya mababantayan ka na niya after our dance," dugtong pa nito. Sinundan naman niya ng tingin ang tinutukoy nito. Sa pinalamlam na liwanag sa paligid ng dance floor, Jorge could still see that Señora Amelia was in awe while watching her and Jeremy. Actually, she haven't realized that everyone was looking at them. But as the saying goes, you cannot please everybody. Kaya naman kung paghanga ang nasa mata ng ilan, mayroon ding may bitterness at jealousy sa puso habang pinapanood sina Jorge at Jeremy na nagsasayaw. JORGINA still felt like she was dreaming. And in her dream, she became a Princess and the Prince danced with her. They danced and danced and danced until there was no music. It's been three days since that night to remember on Jeremy's birthday. Mula nang makauwi siya nang gabing iyon ng Linggo ay hindi na siya nakalabas pa. It was a wise decision na iniwan niya kay Aling Esme ang k'wintas ni Senyora Amelia at ang kinitang pambayad sa kuryente. Hindi niya alam pero masama ang kutob niya noon. At hindi nga siya nagkamali. Sa kabila ng perang naiuwi niya ay walang tigil siyang sinaktan nang sinaktan ni Verna at ni Oscar hanggang mag-umaga. When it was sunrise, Jorge felt like it was getting dimmer. Hindi na kasi niya maimulat ang mga mata. It was the first time that her adoptive parents hurt her so much like that. At hindi niya alam kung ano ang atrasong nagawa niya. Gayunpaman ay umaasa si Jorge na sana ay naibalik ni Aling Esme sa mga Silvano ang mamahaling k'wintas. Kung hindi pa ay nakakahiya naman sa Senyora. Baka isipin nito na matapos ang lahat ay hindi niya binalik ang alahas. Masisira na ang tiwala nito sa kanya. And she wouldn't want that. Her broken heart couldn't take another person hating her. Especially Senyora Amelia and Dr. Jeremy. It was just a dream. A dream that God allowed her to experience in real life. To be able to be in Jeremy's arms, to lock gaze with him while they were gently swaying to the lovely sound of music, it's more than she had ever dreamed of. And for sure, bawat detalye, maaalala niya hanggang sa huling hininga niya. Mapait siyang napangiti. What did she ever do wrong to deserve such cruel treatment from people whom she considered as her family?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD