Hindi niya akalaing may igaganda pa ang malawak na bakuran ng mga Silvano.
Pakiramdam ni Jorge ay pumasok siya sa ibang mundo nang makita ang napakaganda at napaka-eleganteng set up para sa pagdiriwang ng kaarawan ni Jeremy.
Maagang pumunta roon ang kanilang grupo para mag-ayos. Mabuti rin at hindi pa niya nakikita ang sino man kina Senyora Amelia at Dr. Jeremy. Pero nakita na siya ng mga kasambahay.
Nakiusap na lang siya na 'wag ng babanggitin pa sa Senyora na 'andoon siya. Tiyak naman niyang kaya niya itong maiwasan kung sakali. Dalawang daang katao kasi ang inaasahang dadalo sa okasyon.
Ika-apat ng hapon isa-isang nagsidatingan ang mga panauhing sa tingin ni Jorge ay puro galing sa mga mayayaman at kilalang pamilya. Marahil ay galing pa sa syudad ang karamihan sa mga ito.
It was six o'clock in the evening when the party officially started. Napuno ng magagandang ilaw ang paligid. Ang mga bisita ay nagpapaligsahan din sa gaganda ng mga kasuotan at alahas.
Kanina pa rin paikut-ikot si Jorge at ang mga kasama sa pagse-serve ng mga inumin.
Mayamaya pa ay inanunsyo na ang paglabas ng may kaarawan. Nagpalakpakan ang mga tao at si Jorge naman ay kandahaba ang leeg sa pagtanaw sa Doktor.
Iyon lang naman ang ipinunta niya roon maliban sa kikitain niyang naipangako na niyang ipambabayad sa kuryente.
At iyon na nga ang crush niyang Doktor. Naka-tailored suit ito at talaga namang napakag'wapo. Mukha itong prinsipe na hinugot mula sa mga pahina ng libro. Pakiramdam ni Jorge ay p'wede na siyang pumanaw dahil sa lubos na kasiyahan.
Kahit pa sa mga bisig ng prinsipe ay isang prinsesang napakaganda. Parang fairy tale ang eksena kahit ang totoo ay kaarawan lang naman.
May ngiti sa mga labi na itinuloy ni Jorge ang trabaho. Buo na ang kanyang gabi!
"Ayyy!"
Kay bilis napalitan ang saya ng dalaga nang sa pagpihit ng isang babae ay bumangga ito sa kanya.
Nabuhos sa cream na damit ng babae ang kulay pulang inuming nasa tray na binabalanse ni Jorge. Bukod doon ay nabitawan niya ang mga dala at nabasag ang mga basong kumalat sa sahig.
"Sorry po." Namumutla at hindi malaman ni Jorge kung ano ang uunahing asikasuhin, ang mga basag na bote ba o ang babaeng nagtititili na? "Hindi ko po sinasadya."
Tinangka niyang lapitan ang babae pero itinulak siya nito, dahilan para mapaupo naman siya sa sahig. Mabuti na lamang at kamay niya lang ang tumama sa bubog na nauna nang nakakalat doon.
"How dare you!" Gigil pang susugurin siya dapat ng babae pero maagap itong napigilan ng ibang naroon.
Ang boss nila Jorge ay umawat na rin. Todo hingi ito ng tawad sa babaeng nagwawala. Siya naman ay halos maiyak na habang nanginginig na ang mga kamay na pinupulot ang mga basong nabasag.
"What's going on here?"
Jorgina froze. Boses iyon ni Senyora Amelia!
'Lagot na...'
"Tita! This server poured wine on my dress!" parang maiiyak na sumbong ng babae. "You should kick her out!"
"Is it true?" mahinahon ang tinig ng Senyora kaya ayaw man ni Jorge ay wala siyang nagawa kundi mag-angat ng mukha at marahang tumango.
Hindi niya kasalanan. Pero isang bagay na natutunan niya sa buhay ay ang magparaya na lamang upang 'wag nang humaba pa ang usapan.
"Jorgina?" Imbes na kakitaan ng disappointment o galit ang mukha nito ay nagliwanag pa iyon na parang tuwang-tuwa itong makita siya. "It's you, hija!" Walang pag-aatubili na nilapitan siya nito at nag-aalalang tiningnan ang mga hawak-hawak niyang basag na mga baso. "May sugat ka! Ano ka ba namang bata ka, anong ginagawa mo? Bisita kita!"
Agad itong tumawag ng ibang gagawa sa paglilinis ng kalat at saka siya inakay paalis.
"Tita, what are you doing?!" Hindi makapaniwalang nagpapadyak ang babae. "She ruined my dress!"
"Hija, go inside the house and take whatever you like from Kristina's dresses. That should solve your problem," malamig na sagot ng Senyora saka hila-hila si Jorge na umalis sa pagtitipon.
Nagsabi ito sa boss niya na sagot na siya nito. In-assign din nito si Tonya na kapalit niya.
"Senyora," mangiyak-ngiyak niyang wika nang makalayo sila. "Hindi ko po sinasadya." Kaya niyang tiisin lahat ng panghahamak. Huwag lang ito at si Jeremy ang magagalit sa kanya.
"Jorgina, ano ka ba? Sa tingin mo ba ay maniniwala ako sa babaeng 'yon? I know Tricia and I know you. Hindi mo sasadyaing gawin ang ibinibintang niya," malambing nitong tugon.
Tinawag nito si Manang Beth, ang nanay ni Tonya para magpakuha ng first aid kit. Pagkatapos ay ito na rin ang personal na gumamot sa sugat niya.
"Mukhang makakasira pa ito sa magiging ayos mo." Nakasimangot ang Senyora nang mapagmasdan nito ang kanang palad niya na may gasa.
"Po?"
"Bisita ka namin ni Jeremy. Sa tingin mo ba ay papayag akong ganyan ang suot mo?" Kumislap ang mga mata nito bago siya akayin sa ikalawang palapag ng mansyon.
Nakasalubong pa nila si Tricia na nakabihis na. Inirapan siya nito nang magtapat sila.
"Huwag mo siyang pansinin. May problema sa ugali ang pamangkin ko na 'yan."
Sa silid ni Kristina sila nagpunta. At namangha si Jorge sa walk in closet nito na puno ng magagandang mga damit.
"Wow!" manghang singhap niya. "Para namang mall sa dami ang damit ng anak ninyo, Senyora!"
"Eksaherada," natatawang tugon ng Senyora bago inisa-isang tiningnan ang mga damit na naroon upang hanapan siya nang maisusuot. "Mabuti't payat din si Kristina noong kaedad mo siya."
Blue na A-line dress ang napili nito kalaunan. Sakto ang sukat at haba noon kay Jorge. Komportableng wedge rin ang napili nitong isuot niyang panyapak.
"Kay ganda mong bata!" tuwang-tuwang sabi nito nang makapagbihis siya. "Tingnan mo't kailangan mo lang palang mabihisan para lumitaw ang natural mong ganda."
"Salamat po. Pero Senyora, mukhang hindi ko po bagay-" ang ibig niyang sabihin ay hindi niya bagay na dumalo bilang isang bisita roon.
"Anong hindi? Tiyak kong maraming maiinggit sa'yo na kababaihan. At mukhang kailangan ko ring ianunsyo na menor de edad ka pa lamang para lumayo ang mga lalaki." Humagikhik ito na tila ba naaaliw sa sarili nitong naisip.
"Kayo naman po ang eksaherada ngayon," sabi niyang nakangiti. Kahit man siya ay natuwa sa hitsura niyang nakita sa salamin.
It was very long ago when she was last dressed decently. Pero ang ayos niya ngayon ay malayo sa pagiging disente lamang. Feeling niya ay prinsesa rin siya. Ang lakas pala makaganda nang mga mamahaling kasuotan. Kaya siguro ang mga mayayaman ay lulong sa pagbili ng magaganda at mamahaling mga damit.
"Totoo ang sinasabi ko. Look at you, wala pa nga tayong ginagawa sa mukha mo," pinaupo siya nito sa vanity at sinimulang ayusin ang buhok niya. "Na-miss ko 'to."
Señora Amelia looked so happy.
"Noong mag-kinse anyos si Kristina, ayaw na niyang magpaayos sa akin. Boyish ang batang 'yon. Kaya ang mga damit niya rito ay isa hanggang dalawang beses niya lang naisuot. Jorgina, masaya akong pinapayagan mo akong ayusan ka." She smiled genuinely at her when their eyes met in the mirror.
Itinaas nito ang hanggang bewang niyang buhok sa isang messy bun. Nag-iwan ito ng ilang hibla sa harap ng magkabila niyang tainga bago tinapos ang ayos sa isang magandang hair dress.
Namamangha silang dalawa sa nagiging resulta ng ayos niya. Tipid na foundation at lip tint lang ang nilagay nito sa mukha niya because honestly, she didn't need make up at all.
"Para kang manyika." Nasa magkabilang balikat niya ang mga kamay ng Senyora habang masuyong pinagmamasdan ang hitsura niya sa salamin.
Jorgina was a natural beauty. Pero sa paglipas ng panahon at sa hirap ng buhay, natabunan ng karungisan ang kagandahan niya. Wala siyang time unahin pa ang magpaganda.
"Jeremy will be surprised if he sees you. Aba eh mas maganda ka pala kay Iris!"
Jorge blushed. At the same time, bumilis ang t***k ng puso niya. To be honest, hindi niya iyon naiisip na posible ngang magkita sila ng Doktor.
"Senyora, magagalit si Dok kapag narinig niya kayo," sinubukan niyang magbiro para itago ang pamumula. "Saka sobrang ganda po kaya ni Ms. Iris!"
Pasimple lang itong umingos bago siya inakay sa sarili nitong silid. Pinaupo siya nito sa harap ng salamin bago binuksan ang drawer nitong puno ng alahas.
"Wow!" napasinghap siya.
Kumuha ng isang diamond cut na kwintas si Amelia saka iyon isinuot sa leeg niya. Lalo pang gumanda iyon pagkasuot niya!
"Perfect!" bulalas ng Senyora.
"Senyora, baka maiwala ko po ito!" Bigla siyang kinabahan. "'Wag na po ito, Senyora. Okay naman pong wala."
"Nonsense. Do you want me to be unhappy?"
"Hindi po. Pero-"
"No buts." Hinawakan nito ang mga kamay niya. "Let's go?"
Nang tumayo siya ay para siyang na-out of balance sa kaba.
"Senyora, nahihiya po ako," amin niya.
"Hindi kita iiwan. Dito ka lang sa tabi ko. Okay?" Lumunok siya dahil alam niyang wala na siyang magagawa para tumanggi pa.
Pero importanteng tao sa okasyon si Senyora Amelia. Kaya naman kahit ipinangako nitong hindi siya iiwanan mag-isa ay naiwan pa rin siya kalaunan. Kinakabahan na nanatili siya sa sulok. Hindi niya kasi alam ang gagawin.
Nang dumaan sa gawi niya si Tonya ay nabigla pa ito nang tawagin niya sa pangalan. Ngunit nang makilala siya ay mas nabigla ito.
"Jorge! Anong mahika ang ginamit ng Senyora sa'yo? Aba, akala ko ay isa ka sa mga bisita! Napakaganda mo," inggit na inggit na puri ni Tonya.
"Ikaw naman, akin na nga 'yang dala mo at tutulungan kita," naiilang kay Tonya na sabi niya.
"Naku, baka mapagalitan pa ako ng Senyora. Diyan ka lang at magsisimula na raw ang sayawan mayamaya lamang."
"Ano ka ba, hindi naman ako sasayaw," giit niya. Sino namang makikipagsayaw sa kagaya niya?
"Right! How could someone like you have the right to dance? You're dreaming!" Mula sa likuran nila ay wika ni Tricia. May dala itong baso ng wine na pinapaikot-ikot nito ang laman. Sa likod nito ay dalawa pang babae na tila gulo rin ang hanap.
Napayuko si Jorge. Gusto na sana niyang umalis para maiwasan na ang gulo. Pero hinarangan siya ni Tricia.
"What? Cat got your tongue?" Ipinahawak nito sa kasama ang kopitang hawak bago itinuon ang buong pansin sa kanya. "Hindi ba't matapang ka lang dahil mabait sa'yo si Tita Amelia? Well, para sabihin ko sa'yo." Dinutdot nito ng daliri nito ang noo niya. "Kahit magsuot ka pa ng maganda, mukha ka pa ring basura!"
Muli siyang humingi ng paumanhin dito pero tila mas lalo lang niyang napainit ang ulo ni Tricia.
"I have never been so humiliated in my entire life! Ngayon pa lang. And know what? Lintik lang ang walang ganti!" Tapos ay buong p'wersa siya nitong itinulak.
Jorgina braced herself for the impact. Kung hindi mataas ang suot niyang wedge ay nakaiwas sana siya. Kaso nahuli ang reflexes niya.
Pero hindi siya natumba. Strong arms held her tightly by the waist, preventing her from falling on the floor. Kaagad niyang idinilat ang mga matang kusang pumikit kanina nang akala niya ay sa sahig siya pupulutin.
"Are you alright?"
Nandilat ang mga mata ni Jorge nang mapagsino ang sumalo sa kanya. Ang mukha nitong nakayuko sa kanya ay tila sa isang anghel na lumipad lang pababa sa lupa upang pigilin ang pagbagsak niya.
"D-dok?!" bulol-bulol na aniya at kaagad na umayos para lumayo sa binata.
Ramdam niya ang pagwawala ng puso niya sa kanyang dibdib. Hindi siya makapaniwala.