Chapter 9

1930 Words
"Sa'n ba ang mas maganda? Dito na lang sa bahay o sa hotel?" Nag-iisip na sabi ni Señora Amelia habang nagdi-dinner sila. "Señora, hindi na po kailangan," tugon niya. Ilang araw na nilang pinagdidiskusyunan ang selebrasyon ng eighteenth birthday niya. At sa tuwing tatanggi siya, she would bring up the issue of adoption. Na kesyo kung ayaw niyang magcelebrate, pumayag na lang siyang palitan ng Silvano ang apelyido niya. "Ano sa tingin mo, anak?" Baling ng Señora kay Jeremy na nakakunot lang ang noo habang pinapanood sila ng ina nito. "Dok, hindi naman po kasi talaga kailangan. Wala namang pinagkaiba ang birthday ko ngayon sa mga nakalipas kong birthday," giit niya. "It's your eighteenth birthday, Jorgina," sabi naman ni Jeremy na kinampihan ang ina nito. "It must be special." "Araw-araw po ay espesyal simula noong tanggapin ninyo po ako rito. Saka Señora, hiyang-hiya na po ako sa inyo. " "I insist," sabi ni Senora Amelia with finality in her tone. Napabuga siya ng hangin. Natutuwa naman siyang pinagkakaabalahan ang birthday niya. Pero nahihiya na kasi talaga siya. Kung tutuusin ay katulong lang siya roon. Okay, mas mataas sa mga kawaksi doon because she gets to join Señora Amelia and Jeremy during meals. Pero bukod doon ay wala naman siyang ipinagkaiba sa mga ibang kasambahay. Tumutulong siya sa mga ito at minsan pa nga ay siya ang personal na naghahanda sa mga kailangan ni Señora Amelia. "Jorgina, ipagkatiwala mo kay Mama ang eighteenth birthday mo..." sabi ni Jeremy sa kanya "It's going to be a memorable one, I assure you." "Dok, maraming maraming salamat po sa kagustuhan ninyo na ipaghanda ako pero ----" hindi na niya natapos ang sasabihin kasi pinandilatan na siya ni Señora Amelia. Awtomatiko niyang isinara ang bibig niya para hindi ito magalit. Jeremy just laughed at them. Sige na nga. Dahil napakagwapo ni Dok Jeremy habang tumatawa, eh kakalimutan na niya ang pagkontra. After all, ang bayad na lang niya sa pagpapatira sa kanya doon ay siguraduhing napapasaya niya ang Señora. And if arranging a celebration for her eighteenth birthday would make her happy, so be it. --- Lumipas ang isang linggo and it's already Jorgina's birthday. Maaga siyang gumising dahil bilin ni Señora Amelia. Madami raw silang schedule kaya dapat mag-umpisa nang maaga. "My Kristine's eighteenth birthday was fourteen years ago. Could you imagine how long it has been? Nakakatuwa that after so many years, heto, may isa na naman akong dalaga..." tuwang-tuwa si Señora habang papunta sila sa una raw nilang destinasyon. "Nahihiya po talaga ako sa inyo," sabi niya. "Don't be, Jorgina. Besides, after tonight, you will start calling me mama," kumpiyansang saad nito na napakalaki ng ngiti sa mga labi. Ngumiti lang siya. Ang totoo gusto naman niya. Ayaw niya lang kasi baka irequest din ni Jeremy na tawagin niya itong kuya... At hindi niya gusto iyon. Lumuwas pala sila ng bayan. Sabi ni Señora Amelia, magsha-shopping muna sila. "I had the entire department store closed for us," sabi nito. Nagtataka kasi siya kung bakit ‘andoon sila eh sarado pa ang mall. "Ano po?" Nagulat niyang tanong. "Just kidding." Tumawa si Señora. "I just requested na buksan nang maaga para sa atin. Sarado pa talaga ‘yan kasi mamaya pa ang mall hours." Sabagay. Hindi naman basta bastang tao si Señora Amelia. She could make requests like that. "Let's buy you an outfit for later." It is already her birthday pero ngayon pa lang sila bibili ng damit. Ilang araw ng aya ng aya ang Señora pero consistent siya sa katatanggi. Hindi nga rin niya alam kung anong inihanda nito para sa kaarawan niya. Wala naman kasing preparasyon na nagaganap sa mansyon. --- Señora Amelia chose a simple designer gown for her. "Para komportable ka," she said at ipinagpasalamat niya ang thoughtfulness nito. Binilhan din siya nito ng bagong footwear at ilang accessories. Tapos nagcheck in sila sa hotel. Sabi nito magrelax muna sila. Kumain, nagpa-spa at nagpasalon sila. "You have to be very beautiful tonigh, Jorgina." "Señora, kahit wala na po ‘yong mamayang gabi ay okay na okay na po ako sa lahat ng mga ginawa natin ngayong araw," sincere niyang sabi. Sa totoo lang overwhelmed na siya. "Huh? Lahat ng ginawa natin ngayon ay preparasyon for later. Ikaw talaga!" Tinutulungan siya nitong magbihis. "Wear this." Tinanggal nito ang suot nitong kwintas at inilipat sa kanya. "My mother-in-law gave this to me on my wedding day. I'll pass it to you now." "Po? Pero Señora, hindi ko po ito matatanggap. Wala pong rason para mapunta sa akin ang isang mahalagang bagay sa inyong pamilya." Tinodohan niya talaga ang pagtanggi. "Jorgina... Tonight, you're calling me mama. So keep it. Talagang dapat na mapunta iyan sa magiging manugang ko." Naman pala, eh bakit binibigay sa kanya? Ano na lang ang sasabihin ni Jeremy? Para kay Iris dapat ang kwintas na ‘yon! "Señora, hindi ba dapat---?" "Oh, Jeremy wouldn't mind..." sansala nitong tila nahulaan ang sasabihin niya. "May kasama iyan na singsing. But I shouldn't give this to you now," ipinakita nito sa kanya ang kaparehang singsing na suot pa nito. Naguguluhan siya pero ‘di na siya kumontra. Ang mahalaga ay hindi isipin ni Jeremy na inaagawan niya ang girlfriend nito ng mga bagay na dapat ay dito mapupunta. "It looks so good on you, Jorgina. Pakiramdam ko ay nakatadhana talaga na ikaw ang sunod na magsusuot niyan!" "Salamat, Señora." Matamis na ngiti ang tugon nito. "That must be Jeremy," wika ng Señora nang may kumatok sa pinto. "Let's go to your party, Jorgina." Halos matulala si Jorge nang makita niya si Jeremy. Bakit ba ang gwapo-gwapo ng binata? Akala niya noon, minsan niya lang makikita ang Prinsipe na nakabihis nang gano’n. Pero heto, mukha na naman itong hinugot direkta mula sa imahinasyon ng isang manunulat.  And what’s more, it’s on her birthday. "Happy birthday, Jorgina," he greeted her with a heartwarming smile. "Thank you po, Dok." She smiled before her gaze shifted to his offered arm. Kinuha ni Señora ang kamay niya at ikinawit iyon sa braso ni Jeremy. Ganun ba ibig sabihin no'n? Baka kung ano ang isipin ng binata! On impulse ay akma niyang tatanggalin ang kamay niya. Pero si Jeremy mismo ang pumigil no'n. Hinawakan nito ang kamay niya at ngumiti sa kanya. She offered him an unsure smile. Alam niyang nagba-blush siya pero sana hindi iyon mapansin ng mag-ina. "What a lovely couple you make," tuwang-tuwa si Señora Amelia. "I've never seen your chemistry until now!" Hindi na siya makapagsalita lalo at hindi nagpoprotesta si Jeremy sa sinasabi ng ina nito. But she has to say something para hindi isipin ng binata na gustong-gusto naman niya. "Señora, nakakahiya naman kay Dok Jeremy," saway niya sa Señora. "Totoo ang sinasabi ko." "Dok, pasensya na--" pakiramdam niya nahulog ang puso niya nang tumawa lang ang binata tapos naramdaman niya ang labi nito sa sintido niya. Dr. Jeremy Silvano kissed her! --- She did have a party. Pero private iyon at sila-sila lang na mga nasa bahay ang bisita. Mula sa kasambahay, gardener, guards at iba pang nagtatrabaho sa mansyon. Sabi ni Señora, may mga ibang guards na nagbabantay sa mansyon habang nasa hotel sila.  Jorgina appreciated the fact na walang ibang tao na bisita. Kung hindi ay baka mailang siya sa sarili niyang party. "Siguro naman okay sa 'yo 'to?" Señora Amelia asked. "Señora, sobrang masaya po ako." Maluha-luha niyang sagot. Pakiramdam niya buong pamilya niya ang ‘andoon. Pamilya na kasi ang turing niya sa mga nakakasama niya simula noong kupkupin siya sa mansyon. "Ang ganda mo, Jorge!" Sabi ni Tonya. "Salamat, Tonette." "Ay yan ang gusto ko sa'yo. Happy birthday!" She laughed at her friend. Kuya Raul, Ronald, and five more male workers formed part of her eighteen roses. At dahil pito lang iyon, si Jeremy na ang eighth to eighteenth. "Nasabi ko na ba sa'yo?" Tanong nito habang sumasayaw sila. Noong makasayaw niya ito noong kaarawan nito, hindi na niya naisip na magkakaroon pa iyon ng repeat. She thought that it was a once in a lifetime opportunity. Pero heto sila uli ngayon, sa ikalawang pagkakataon ay muli niyang nakasayaw si Dr. Jeremy. "Ang alin po, Dok?" "Napakaganda mo tonight." Ngumiti ito habang nakayuko sa kanya. "S-salamat po..." Mabuti at lumabas pa iyon sa bibig niya na sa unang pantig lang siya nautal. Because inside her, hindi na niya maintindihan ang nararamdaman niya. Parang may nagsisiliparang mga maliliit na nilalang sa sikmura niya. "Ikaw rin naman, Dok. Ang pogi mo po ngayon." Ibayong lakas ng loob ang kinailangan niya para masabi iyon. Jeremy chuckled. "Sa tingin mo ba tama si mama na bagay tayo?" "Hindi, Dok! Mas bagay kayo ni Miss Iris," mabilis niyang sagot. "Sa palagay ko, tama siya," he said. Kulang na lang ay atakehin siya sa puso. Totoo bang naiisip iyon ni Jeremy? At bakit naman nito iisipin iyon? "Jorgina," sabi nito after a while when she didn't get to speak anything. "Bakit ayaw mong pumayag na ampunin ka ni mama?" "Dok, ayokong abusuhin ang kabaitan ninyo sa akin. Sobra-sobra na ang ampunin pa ako." "You make her happy. Bago ka dumating, parating nagtatampo si mama sa amin ni ate. Nahihirapan siyang intindihin na meron ng sariling buhay ang panganay niya at ako naman ay madalas na inaagaw sa kanya ng propesyon ko." "Hindi ko naman po siya iiwan kahit na hindi niya ako ampunin, Dok... Hindi kailangang maging Silvano ako para ituring ko siyang ina. Pangako ko po ‘yan." "Salamat, Jorgina." Silence. "I have a proposal to make," mayamaya ay wika ulit ng binata matapos na parang nag-iisip ito sa saglit na pananahimik nito. "Ano 'yon, Dok?" "I want you to listen and give it a careful thought. First, remember that I do not require you to give me your decision now," umpisa ni Jeremy. “Since you don't want my mom to adopt you, I came up with another way to make you a part of the family..." Napatingin siya sa seryosong Doktor. He stopped dancing, placed his hands on her shoulders and locked gaze with her. Kinakabahan si Jorge. Pakiramdam niya nasa bibig na niya ang puso niya at nakahanda ng tumalon palabas. May mahalagang sasabihin si Jeremy. She could feel it. "Marry me," he said. Dancing with Jeremy was already a dream come true. But marrying him? It's totally something else... Ni hindi umabot doon ang pangarap niya! "Marry me, Jorgina," ulit nito nang para lang siyang sirang nakatulala rito. “Be a Silvano by being my wife.” "P-pa'no si Miss Iris?" Nagflashback sa kanya ang nasaksihan noong tinanggihan ito ni Iris. Nakita niya sa alaala ang sakit na nasa mukha nito nang hindi nito makuha ang oo ng babaeng mahal nito. "Nangako ka, Dok na hihintayin mo siya... Ahmn, ibig kung sabihin, hindi ba't siya dapat ang pakakasalan mo?" Narealize niya na ibinuko niya ang sarili niya but it was too late to take back her words.  "I knew it, It was you." He gently chuckled. "I'm sorry if you have to see that.--- Don't deny it," sansala nito sa akma niyang pagpoprotesta. "Don't get too affected just because you saw how she turned me down. I'm used to her rejections. So don't feel sorry for me or even think of it that much. I am not asking you to marry me because I have been rejected... I'm going to marry you for another reason ---" "Yes, Dok," she cut him, kumunot naman ang noo nito sa mabilis niyang sagot. "Payag akong magpakasal sa'yo." Ngumiti si Jeremy bago siya kinabig at hinalikan sa kanyang noo...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD