Chapter 8

1627 Words
"Good morning, Dok!" Masiglang bati ni Jorge kay Jeremy na kagagaling lang mula sa morning jog nito. He was drying his sweat with a small white towel. Siya naman ay nasa garden noon at nag-i-spray ng mga alagang orchids ni Señora Amelia. "Good morning, Jorgina," ganting bati nitong nakangiti na nilapitan siya. "Nahawa ka na rin ba kay mama sa paghahalaman?" He asked as he watched her sa ginagawa niya. Napansin niya rin na mukhang okay na ito. Talaga nga kayang hindi nito dinamdam ang pagtanggi ni Iris sa alok nitong kasal kagabi? "Ang gaganda po kasi ng mga bulaklak," she answered. "Oo nga," lumapit pa ito at kunwa'y sinipat ng tingin ang isang bulaklak, tapos ay tumingin ito sa kanya. "Pero mas maganda ka," he added while smiling warmly at her. She fought hard not to blush kahit sunod ata sa imposible iyon. Alam niyang wala namang meaning ang papuri nito pero hindi niya naihanda ro’n ang bata niyang puso. "Si Dok talaga, bolero," sabi niyang hindi halos masalubong ang matiim na tingin ni Jeremy. "I'm stating a fact," he chuckled at hinawakan ang pisngi niya, sa dulo ng mata kung saan ay may malaking pasa few weeks ago. "I am glad that you're okay now." "Salamat po sa inyo ni Señora Amelia." Lihim niyang ipinagpasalamat na inalis nito agad ang kamay nito, kung hindi ay baka mamisinterpret na niya ang concern nito. Kung bakit kasi kailangan nitong tumitig kapag nakikipag-usap? Alam ba nitong natuturete ang buong sistema niya sa pinaka-meaningless na titig nito? "Aren't you going inside yet? Nag-almusal ka na ba?" Tanong nito mayamaya. "Hindi pa po." "Halika na... Sabay-sabay na tayo ni mama. Iris left early so it's just going to be the three of us," aya ng binata. "Sige po." Sumama na siya dahil desidido itong hindi umalis hangga't hindi siya sumasama. Lagi naman niyang nakakasabay kumain ang binata kapag nasa bahay ito but today was different dahil ito mismo ang nag-anyaya sa kanya. Nakasalubong nila si Señora Amelia na malapad ang ngiti nang makita silang magkasama. "Kung andito si Kristine, I'm sure makakasundo mo rin siya,Jorgina," sabi ng Señora. "Namimiss mo na naman si ate Tin, Ma," hinalikan ito ni Jeremy sa sintindo bago inakbayan. To her surprise, iniakbay din nito sa kanya ang kaliwa nitong braso so that he was between her and his mother. "Jorgina, always remember to make mama happy, okay?" "O-oo naman, Dok..." For real? Akbay siya ni Jeremy? Okay, it probably does not mean anything to him, but for Jorge, it meant the whole world to her, it meant her happiness... Buong-buo na ang araw niya na kauumpisa pa lamang! --- "Ano po ito, Señora?" Nagtatakang inabot niya ang envelope na dala ni Señora Amelia. "Adoption papers," masayang sagot ng Señora na parang naluluha pa. "Adoption papers?" Blangkong ulit naman niya. "Yes, Jorgina. May kinausap akong kaibigang abogado. She helped me prepare these. Jorgina, I want you to become my daughter. Gusto kitang ampunin." Ginagap ng ginang ang mga kamay niya. Parang natulala siya sa sinabi ng Señora. Sure, she would be happy to have her as her mother. In fact gusto niya iyon. She was touched na gusto pa siyang gawing legal na kapamilya ng Señora. Pero ayaw niyang maging kapatid si Doctor Jeremy... Kahit pa sa papel lang. "Jorgina, gusto kitang bigyan ng magandang buhay," patuloy ni Señora Amelia na hopeful ang mga mata. "Señora," malumanay niyang sabi. "Napakabuti po ninyo sa akin. Naaappreciate ko po lahat ng ginagawa ninyo para sa kapakanan ko at habambuhay ko pong tatanawin na utang na loob sa inyo ang lahat-lahat. Pero, hindi po ba sobra-sobra na kung aampunin pa po ninyo ako? Ibig ko pong sabihin, iyong tinanggap po ninyo ako rito, binihisan, pinapakain, pinapaaral, sobrang-sobra na po." "Jorgina, para na kitang isang tunay na anak. Noong makita ko kayong magkasama ni Jeremy, pakiramdam ko may isa pa akong anak. Hija, please say yes... Magiging mabuting ina ako sa 'yo," pakiusap nito. "Alam ko po iyon, Señora. Kahit buhay ko ay hindi na sapat para makabayad sa kabutihan ninyo sa akin gayong hindi ninyo ako kaanu-ano." "Jorgina," nalungkot ang Señora. "Ayaw mo ba akong maging ina?" "Hindi ko po matatanggap na ampunin pa po ninyo ako," umiling siya. "Señora, pwede ko po kayong maging ina kahit na hindi tayo magkadugo at kahit hindi ninyo ako gawing legal na anak. Sa katunayan, higit pa sa tunay na ina ang tingin ko po sa inyo." "But I want to give you so much more, Jorgina... Please allow me." “Señora,” nagpapaintindi rin siya. “Pag-isipan mo muna. Don’t reject me right away. Jorgina, your yes would make me very happy. I hope na i-consider mo, anak.” She couldn't accept the offer. No. Ayaw niyang isipin nina Kristine at Jeremy na sinasamantala na niya masyado ang kabutihan ng ina ng mga ito. Kahit malamang ay hindi naman nila maiisip iyon, because honestly, kasing busilak ng puso ng Señora ang kalooban ng mga anak nito, it is still a no for Jorge… Sana lang maintindihan ni Señora Amelia ang pasya niya. --- Jorge was never an eavesdropper. But dinner was served at kailangan na niyang tawagin sina Señora Amelia at Jeremy bago pa lumamig ang pagkain. She knew na nasa study room ang mag-ina kaya naman doon na siya dumiretso. Kaso nasa pintuan pa lang siya ay dinig na niya ang pagdidiskusyon ng mga ito. "Ma, I don't have any idea what to do okay?" Tila nang-aalong sabi ni Jeremy sa ina nito. "Just respect her decision." "There's got to be a way," mariing tugon ng Señora. “Hindi ako papayag, Jeremy. I love that child. And it would break my heart if I cannot give her what I believe she deserves." "Okay… I think I know what to do, Mama. But she's a minor..." Jeremy sighed. "What's that got to do with my problem?" Parang nahihiwagaan namang tanong ng Señora. Space. She pressed her ears more on the closed door. When they started talking again, it was in a language she was foreign to. Naalala niya one time Señora Amelia told her na may dugong Espanyol ang namayapa na nitong asawa. Why did they need to talk like that? Alam ba ng mga ito na nakikinig siya? Hindi naman siguro. Nagkibit siya ng balikat after a while at nagpasya ng kumatok. After a few seconds, Jeremy opened the door. Seryoso ang mukha nito. But still handsome nevertheless. He offered her a small smile bago siya pinatuloy. "Ahm, kakain na po kasi," sabi niyang bahagyang hindi komportable sa atmosphere na bumabalot sa mag-ina. Parang ang weird. If only she understood what they were discussing a moment ago. "Dok, Señora..." Ang ipinagtataka niya, tinalikuran siya ni Señora Amelia. Nagtatampo ba ito sa kanya? May nasabi ba siyang masama? "Señora, naiintindihan po ninyo ang desisyon ko, 'di ba?" Nag-aalala niyang tanong. Kahit naman 'di nito sabihin, alam niyang may sama pa rin ito ng loob dahil ayaw niyang magpa-ampon. Natatakot tuloy siya na tuluyang magalit sa kanya ang Señora tapos palayasin na lang siya. Paano kung gano'n nga ang mangyari? Saan siya pupulutin? Jeremy excused himself at sinabing hihintayin na lang sila sa dining room. "'Wag na po kayong magalit sa akin... Babawi po ako sa inyo. Sa ibang paraan," niyakap niya ito mula sa likuran nito sa paraang naglalambing. "Kung gano'n ay tawagin mo na lang akong Mama." "Po?" Napabitaw siya. She was genuinely surprised. "Mama ang itawag mo sa akin," seryosong hinarap siya ng Señora. "Señora---" "That, I don't like that. I hate it so much, Jorgina... Hindi ko gustong ganyan ang tawag mo sa akin. I love you like my own child, so don't call me Señora. It reminds me that you are not my child. Do you want me to be sad?" Umiling si Jorge. Naluluha na siya. How long has it already been since she felt loved? Simula noong mawala ang tunay niyang mga magulang ay naging foreign feeling na sa kanya iyong pakiramdam na may nagmamahal sa kanya. "Please call me mama, Jorgina," ginagap nito ang mga kamay niya. "Pero - sina Señorita Kristine at Dok Jeremy- hindi po ba dapat alam muna nila?" "Syempre naman alam nila," ngumiti ang Señora. "Okay lang sa mga anak ko. Kristine thinks that you're a good girl. As for Jeremy, tuwa lang niya that I will no longer require him to be home almost all the time." Gano'n ba? Kaya ba nitong mga nakaraang araw ay hindi ito masyadong naglalagi sa mansyon? It's been a week since she witnessed how Iris turned him down. Noong una akala niya ay hindi ito apektado. But she began to see him less often. He barely smiles. He was barely home. Ang dahilan lang ba no'n ay dahil hindi na ito nirerequire ng ina nito na umuwi? Because her presence was enough to make his mother happy? "Next week is your eighteenth birthday," sabi ni Señora Amelia at nasorpresa na naman siya roon. Hindi lang dahil alam nito ang kaarawan niya but also because she herself forgot it's already her birth month. Gaano na ba katagal noong huli siyang nagcelebrate ng birthday niya? "By then, you should promise to start calling me mama." "Señora!" Hindi niya alam kung anong nagtulak sa kanya but she suddenly hugged the old woman. She's overwhelmed. Noon lang ulit may nagpakita nang ganoong concern para sa kanya. Masyado na kasi siyang nasanay na walang umiintindi sa mga pangangailangan niya at pakiramdam niya. Natuto na siya mag-adjust at tanggapin na wala ng magmamahal pa sa kanya. But now, Señora was making her feel those feelings she already forgot. And it's overwhelming. Her heart was about to burst. "Maraming salamat po!" She couldn't help but shed tears.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD