Chapter 7

1748 Words
"Jorgina! Halika!" Kararating lang ni Señora Amelia pero siya na naman agad ang hinanap nito. Nagwawalis siya noon pero imbes matuwa ito ay pinangunutan pa siya nito ng noo. "Ano na naman ang ginagawa mo? Hindi ba't sinabi ko nang hindi ka katulong dito?" "Señora, hindi naman po kasi pwedeng wala akong gawin. Nakikitira lang po ako rito," tugon niya pero binitawan naman niya ang ginagawa dahil pinameywangan na siya nito.  Syempre ayaw naman niyang mangatwiran pa.  "Tonya!" Tawag ni Señora sa isang kasambahay na agad namang lumapit. "Ikaw na ang tumapos sa ginagawa ni Jorgina. May importante kaming pag-uusapan." Hinila na siya nito papunta sa garden. Isang buwan na siya sa mansyon. Actually, three weeks kasi ‘yong one week, nasa ospital siya. Iyong isang buwan ay mula nang mapunta siya sa pangangalaga ni Señora Amelia. Señora Amelia didn't want her service as her payment to them for saving her life. Pero iginigiit niya iyon dahil hindi niya kayang tanggapin na hindi siya makapagbabayad kahit sa ganoong kaliit na paraan lamang. Kaya para sa kanya, katulong pa rin siya sa mansyon. She never assumed na amo siya o mas mataas kaysa sa mga kasambahay ang estado niya roon. "Nakakita na ako ng pwede mong pag-enroll-an," excited na umpisa ng Señora na gagap-gagap ang mga kamay niya. "Señora---" "Jorgina, hindi pwedeng hindi ka na mag-aral. Edukasyon lang ang pwede mong maging yaman na hindi makukuha sa’yo ng iba. Anak, ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo." Parang gusto niyang maiyak. Hindi dahil gusto siyang pag-aralin ng Señora. But because she called her 'anak'. Hindi niya ito kamag-anak and yet parang isang anak talaga ang pagmamalasakit nito sa kanya.  And she was touched. For the longest time, naghangad siya ng pagmamahal mula sa mga taong akala niya pamilya niya. Sa huli, wala na pala siyang totoong pamilya nang mawala ang mga magulang niya. Verna and her family weren’t her real relatives. Kaya pala gano’n na lang kung itrato siya. She basically served them for nothing! "Jorgina, matalino kang bata. Sayang kung tuluyan ka nang titigil sa pag-aaral." "Señora, mag-aaral po ulit ako kapag nakaipon na ako," sagot niya kahit hindi niya alam kung paano siya makakaipon. Sa ngayon kasi wala naman silang usapan na sasahuran siya sa pagtulong-tulong niya sa mga gawaing bahay. Basta ang malinaw, libre lahat ang kinakain niya at hindi rin siya sinisingil sa ginastos sa pagkaka-ospital niya. "I insist. Isa pa, kung ang inaalala mo ay ang edad mo at ang pangmatrikula mo, matutuwa ka rito. Wala itong bayad. Narinig mo na ba ang Alternative Learning System? Hindi mo kailangang pumasok sa eskwelahan araw-araw." Giit nito. "Kapag nakapasa ka sa exam, bibigyan ka na ng equivalent diploma. Pwede ka na ring magtuloy sa regular school..." "Talaga po?" Kahit paano ay ikinatuwa niya iyon. Gusto naman talaga niyang magtapos ng pag-aaral. Hindi lang talaga siya pinag-aral ng magaling niyang tiyahin. "Yes, Jorgina. At bilang preparasyon, ipapatutor muna kita." Excited si Señora Amelia na mukhang naplano na ang lahat. "Magseself study na lang po ako," nahihiya na naman niyang tanggi. "Alam kong matalino ka, anak. Pero ilang taon ka ng nawala sa eskwelahan. Kailangan mong makahabol. At matutulungan ka ng tutorial... ‘Wag ka ng kukontra, okay?" "Hindi ko po kasi alam kung paano pa ako makakabayad sa inyo." Napayukong amin niya sa totoong dahilan ng reluctance niya. "Don't mention it. Napapasaya mo ako. Sapat ng kabayaran iyon." Ngumiti ito at niyakap siya nang mahigpit. "Halika, samahan mo akong ipagluto si Jeremy. Ang anak kong iyon, tumawag kanina para lang magrequest ng ulam. Parang buntis na naglilihi, eh!" Sunod siya nitong hinila sa kusina. Oo, marami silang katulong. Pero pagdating sa paboritong kare kare ni Jeremy, walang ibang pwedeng magluto no'n kundi ang mahal nitong ina. At isang pribelihiyo para kay Jorge na tulungan ang Señora sa pagluluto ng paborito ng lalaking lihim na itinatangi ng kanyang puso. Noong mga nakalipas na mga linggo ay mas napalapit siya sa binata. Ni hindi nagpahayag ng pagtutol si Jeremy sa desisyon ng ina nito na kupkupin siya. Siguro ay sanay na ito sa kawanggawa ng Señora. But Jorge would like to think that she wasn't just another charity work. Na balang araw ay magiging bahagi talaga siya ng buhay ni Jeremy. That was just wishful thinking, alam niya iyon. --- "Hoy, Jorge!" Pinuntahan siya ni Tonya sa silid niya. "Tonya," she acknowledged na bahagyang iniangat ang paningin dito mula sa binabasa niyang libro. "Nag-aaral ka?" Tinabihan siya nito sa kama niya. May sarili siyang silid. At maganda iyon. Kaya tuwang-tuwa si Tonya na tumambay roon kapag wala na itong masyadong gawain. "Oo. Papasok na kasi ako ulit," nakangiti niyang sagot. Nang magsink in na sa kanya ang ideyang babalik na siya sa pag-aaral, naging excited na rin siya. "Wow, talaga ba? Spoiled na spoiled ka talaga kay Señora Amelia!" Sabi ni Tonya na medyo naiinggit. "Pati nga ni Señorito Pogi, paborito ka rin!" "Ano ka ba, hindi naman iyon gano’n!" Natawa siya sa tawag nito kay Jeremy. Actually, sa buong kabahayan ay siya lang ang tumatawag nang Dok sa binata. Lahat sila ay Señorito ang tawag dito. Minsan tuloy iniisip niyang endearment niya iyon kay Jeremy. "Elementarya lang kasi inabot ko, Tonya. Mas magaling ka nga sa akin kasi nakatapos ka na ng highschool." "Sa tulong lang din naman ng Señora ‘yon!” Sinuportahan din kasi ni Señora Amelia ang pag-aaral ni Tonya at ng dalawa pang kasambahay ro’n. Likas na matulungin ang ina ni Jeremy but Tonya always insisted na iba ang turing ng mga amo nila sa kanya. “Pero Jorge, ‘wag mo naman ako laging tatawagin na Tonya," lumabing patuloy nito. "Antonette ang pangalan ko, eh. Mas magandang Tonette na lang," pacute nitong dagdag. "O kaya Toni, ‘di ba mas bagay ko 'yon? Sosyal, maganda! Parang ako!" Tinawanan niya ang kaibigan. “Sige, pag-iisipan ko,” biro niya.  Mabilis silang naging close ni Tonya kasi magkalapit ang mga edad nila. Kwela rin ito kaya kahit paano nakakalimutan niya ang mga alalahanin niya kapag kausap ito. “Bakit pag-iisipan pa?” Reklamo nito. Pero ilang sandali pa ay nakadapa na ito sa kama niya at naghihilik na. Sumulyap siya sa orasan. Pasado alas onse na pala ng gabi. Hindi na niya namalayan ang oras. Medyo napagod kasi siya kanina sa pagtulong na iluto ang requested ulam ni Jeremy. Paano ay sobrang metikulosa ni Señora Amelia. Pero natutuwa siya na itinuro nito sa kanya ang timplang gusto ng binata. Baka sakali na balang araw ay maipagluto niya ito ulit. Jeremy arrived with Iris that night. Kahit alam naman niyang bagay na bagay ang dalawa at suntok sa buwan na umasa pa siyang magkakahiwalay pa ang mga ito, hindi pa rin mapigilan ni Jorgina na makaramdam ng selos. Iris' place in Jeremy's heart was where she wanted to be. Malungkot siyang napangiti sa sarili. Nagpasya siyang matutulog na nang makaramdam ng pagkauhaw. Kaya sa halip na mahiga sa tabi ng naghihilik na kaibigan, bumaba muna si Jorge para uminom. --- "So, what's your plan?" Pinigilan si Jorge ng tinig ni Jeremy. Pababa na siya ng hagdan noon nang mapagtantong nasa living room sina Jeremy at Iris at seryosong nag-uusap. "I think I'm going to accept the offer," tugon ni Iris. Mula sa hagdan ay nakita niya ang pagguhit ng malungkot na ngiti sa mga labi ng binata. "Come on, honey. Don't be sad. You know that I've been waiting for this, right? It's going to be a big break for me." Iris said again. "I'm not sad," masuyong ginagap ni Jeremy ang mga kamay ng kasintahan. "What makes you happy, makes me happy. I'm going to support whatever your decision is. It's just that we're not getting any younger, Iris..." Umusog ito sa tabi ni Iris. "Mama's been asking me why we're not settling down yet---" "Jeremy---" akmang aalma na si Iris. "Hey, wait for me to finish first." Jeremy said na hindi pinayagang umiwas sa usapan ang babae "Let's get married. Marry me before you fly to Paris. I just wanted to make sure that no one's taking my place in your heart while you're away..." "It's only two years." "That's a long time." "Jeremy, please don't pressure me to marry you. I still have a lot of good things ahead of me. Marrying you would ruin it. You know that," iritable ang boses ni Iris. Isa kasi itong International Model. May punto naman ito but if Jorge would be in her shoes, she'd forget about having a break and would choose Jeremy instead. But Iris definitely wouldn't want to marry Jeremy. Iyon ang intindi ni Jorge sa sagot nito. Pero sa halip na maging masaya ay siya pa ang nasasaktan para sa binata. "Marry me," Jeremy repeated. May hawak na itong singsing while he was down on one knee. Parang piniga ang puso ni Jorge. Jeremy was hoping for a yes. Pero itong si Iris ay umiling lang. "We're not going to tell anyone," pangungumbinsi nito sa babae. "Are you kidding me? Secret marriage?" Iritable pa rin si Iris pero sinikap nitong lambingan ang tinig. "I'm sorry but it's a no this time, Jeremy... I definitely want to marry you, but I'm not yet ready. And if we're going to get married, I would never want to keep it a secret." Hinila nito patayo si Jeremy. "So, it's a no again then?" Pilit ang pagngiti ni Jeremy. "You will wait for me, right?" Malambing na tanong ni Iris bago hinalikan sa labi ang binata. “Of course.” Napatutop sa dibdib niya si Jorge. Iris rejected Jeremy's proposal. She felt sorry for him. Mas gusto niya itong makitang masaya kaysa nagpipilit lang maging masaya sa kabila ng pagtanggi ni Iris. Dahil napaiyak siya at nagmamadaling pumanhik sa itaas, hindi niya napansin ang antique jar na nasa dulo ng hagdanan. Nasagi niya iyon at muntik nang matumba. Mabuti at nasalo pa niya bago mahulog. That created a noise though. "Who's there?" Narinig niyang tanong ni Kristoff kaya dali-dali siyang nagtago sa likod mismo ng antique jar na may kalakihan. Halos hindi siya huminga para hindi na makagawa ng ingay. Kung aakyat si Kristoff, siguradong makikita siya nito. "It must be a cat," narinig niyang sabi ni Iris. "We don't own one." "OMG, is there a ghost in your house?" Eksaheradang banat ulit ni Iris. The two ended up laughing at nakalimutan ng imbestigahan pa ang ingay sa hagdanan. Nakahinga nang maluwag si Jorge. Hindi na siya nauuhaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD