She was already awake but Jorge refused to open her eyes. She could feel the aching of her body. What if she ended up getting r***d and she didn't know it because she lost her consciousness when she needed it the most?
Naramdaman niya ang pagdaloy ng mainit na likido mula sa mga mata niya. Wala na siyang kinabukasan. A small amount of money ruined her future.
She hates her life. Dapat namatay na lang siya.
Bakit? Bakit ang lupit naman ng kapalaran niya? Hindi naman siya masamang tao. Bakit kailangan siyang parusahan nang gano'n?
Sana hindi na lang siya nakaligtas!
"Jorgina?" Narinig niyang sambit ni Dr. Jeremy sa pangalan niya. "Gising ka na ba?"
Natigilan siya. Si Jeremy? Bakit naririnig niya ang Doktor? Naghahallucinate ba siya?
"Jorgina… Don't cry. You're safe now..." He gently said at naramdaman niya ang kamay nito sa pisngi niya para tuyuin ang mga luha niya.
It was Jeremy indeed. Kilala niya ang boses nito. Dahan-dahan siyang nagmulat ng paningin at totoo ngang si Jeremy ang nasa tabi niya!
Mas gusto tuloy niyang umiyak. Bakit kailangan siya nitong makita sa ganoong kalagayan? Nakakahiya!
"Dok Jeremy!" She burst out crying.
"'Andito ka sa ospital," he said tapos niyakap siya. "Wag ka ng umiyak. Ligtas ka na. We were able to come just in time."
Ospital? Kung paano ay hindi na niya nagawa pang magtanong. Ang importante ngayon ay ligtas na siya.
At sapat na ang assurance na iyon na ibinigay ni Jeremy para sa unang pagkakataon simula nang makauwi siya galing sa party nito ay makampante siya...
---
Nagsimula raw na mag-alala si Señora Amelia sa kanya nang lumipas ang ilang araw na hindi siya nagpupunta sa mansyon. Malakas umano ang kutob nito na hindi siya okay kaya hindi nito tinigilan si Jeremy hangga't hindi ito pumapayag na hanapin siya.
Bagamat nag-aalala na rin, at first Jeremy wanted to believe na may dahilan ang hindi niya pagpunta sa kanila. He felt that she didn't want them to know where she lives at respeto ang pumipigil dito para pagbigyan ang ina.
Later on, nakumbinse rin ito na baka nga may nangyari sa kanya. Kaya sinamahan nito si Señora Amelia kina aling Esme. The old woman might know where she lives.
And there they found out about her real situation. Ibinalik ni Aling Esme kay Señora ang damit at kwintas na iniwanan niya rito. She said that she wanted to go to them and return Señora's belongings on her behalf. Pero hindi kasi nito maipangako sa sarili nitong hindi ito makikialam kapag natanong ito tungkol sa kanya.
Upon learning of her situation, hindi na nagdalawang isip ang mag-ina na puntahan siya.
Ang mga ito ang lulan ng kotseng nakita niya. And they were escorted by the police. Ang plano lang naman noon ay bawiin siya mula sa kinikilalang pamilya at ipadampot sa mga pulis ang mga ito sa salang pang-aabuso.
Hindi nila akalain na sa gano'ng sitwasyon nila siya aabutan. Had they been late a little later, baka hindi na nila siya inabutan nang buhay.
To cut the story short, nailigtas siya at nahuli ang mga lalaking nagtangka sa kanya. Unfortunately, pinaghahanap pa rin sina Verna na noon pala ay nakaalis na ng bayan nila.
"Simula ngayon, ako na ang bahala sa 'yo," sabi ni Señora Amelia na marahang hawak-hawak ang mga kamay niya. "Paglabas mo rito, sa bahay ka na titira. 'Wag kang tatanggi kung ayaw mong magalit ako sa'yo."
"Señora!" Napaiyak siya, bakit ba ang bait nito sa kanya? Hindi niya ito kaano-ano..
"Wag ka ng umiyak... Ang gusto kong marinig ay pumapayag ka sa gusto kong mangyari."
"Pagsisilbihan ko po kayo... " Syempre payag siya. Hindi pa nahuhuli sina Verna kaya delikado pa ang buhay niya kung babalik siya sa bahay nila. Isa pa, hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya kapag nakita ulit ang lugar na 'yon na muntik nang kunin ang buhay niya.
Señora Amelia also explained to her kanina na mas ligtas siya sa kustodiya nito habang hindi pa nahuhuli ang may pakana ng lahat.
"Hindi kailangan," ngumiti ito at niyakap siya. "I will treat you like my own child, Jorgina." Masuyo nitong tinuyo ang mga luha niya.
"How's my favorite patient?" Mula sa pintuan ng hospital suite niya ay tanong ng kadarating lang na si Dr. Jeremy.
Jorgina's gaze flew to the handsome doctor who entered her room. Ang gwapo ni Jeremy sa suot nitong white lab coat na may stethoscope pang nakasabit sa leeg nito.
"Okay na po ako, Dok," nakangiti ngunit sumisinghot niyang sagot nang bitawan siya ni Señora Amelia.
"Talaga? Tingnan ko nga." Lumapit ito sa kanila. "Ma, I need to check Jorgina. Can you excuse us for a while please?" Malambing nitong baling sa ina nito.
"Tsk, can't you do that while I'm here?" Irap naman ng Señora.
"Of course, ma. I just need you to move away a little." Hinagkan ni Kristoff ang ina nito.
Ang bait ng binata sa ina nito. For sure, magiging mabuti itong asawa in the future. Bahagyang namula si Jorgina sa naisip. Napakunot noo tuloy si Jeremy sa kanya.
"Are you okay?" Tanong nito habang tinitingnan ang mga sugat niya.
Tumango lang siya at nagpilit ng ngiti.
'Siguradong magiging mabuting asawa siya kay Miss Iris. 'Yon ang ibig kong sabihin,' aniya sa isip.
"You're doing well," sabi ni Jeremy. "Pero gusto kong dumito ka muna hangga't sariwa pa ang mga sugat mo. 'Wag kang mag-alala, mabait naman ang Doktor mo," tukoy nito sa sarili nito na bahagya siyang kinindatan.
Alam ba nitong bumilis ang t***k ng puso niya sa pabirong gesture nito na iyon?
"At syempre, pati ang mga nurse," patuloy nito bago binalingan ang ina nito. "Ma, we have to make sure that Jorgina is fully recovered before we bring her home."
"Whatever you say. May magagawa ba ako? Siguraduhin mo lang na okay siya. Kung hindi ay malilintikan ka sa'kin," tugon naman ng Señora.
"Oo naman, Mama. Si Jorgina pa ba? Malakas din sa akin 'yan," nilingon siya nito ulit at nginitian.
"Salamat po sa inyo," taos-pusong pasasalamat niya na namasa na naman ng luha ang mga mata.
What would she do without the two?
Maybe they're the answer to her prayers. Kasi hindi naman nila siya kaanu-ano and yet they cared for her like she was their family.
"Don't mention it, hija," Señora gently smiled at her. "From now on, walang pwedeng manakit sa 'yo."
"I second that. Rest well, Jorgina. Ma, I'm off in an hour," sabi ng binata sa ina nito. "Aren't you going home with me? Babalik na lang ako rito para bantayan si Jorgina pagkahatid ko sa inyo."
"Oh, silly," Señora shook her head. "You go and take a rest. May duty ka pa bukas. Besides, matutulog lang kami ni Jorgina rito."
"Okay," pagpayag nito. "I'll go ahead then. Jorgie, alis na ako." He patted her head after kissing his mother's cheek.
---
“Miss Iris?” Naalimpungatan si Jorge at nakita niyang nakatayo sa gilid ng kama niya ang kasintahan ni Jeremy. Hawak-hawak nito ang unan na gamit ni Señora Amelia kapag natutulog ito sa sofa malapit sa kama niya. “Miss Iris?” Untag pa niya nang tila nakatulala lang ang magandang babae.
Nang tila matauhan ay ngumiti ito sa kanya nang alanganin. “Jorge, I was just going to check on you. I thought you’re having a nightmare. Nagising ka na pala. Pasensya na, nagising lang din ako kaya parang wala ako sa sarili ko. Are you okay?” Iris explained and asked.
Tumango siya at gumanti ng ngiti. She looked around and didn’t find Señora Amelia. “Ikaw po ang nagbabantay sa akin?” Dagdag niyang nahihiya. Pati girlfriend ni Jeremy nag-aabala sa kanya.
“Ah, yes… Pinauwi muna namin si Mama para makapagpahinga siya nang maayos,” tugon ni Iris na bumalik na sa sofa.
“Nakakahiya naman po. Sana iniwanan n’yo na lang po ako mag-isa. Hindi ka po dapat nagpupuyat, Miss Iris.”
“It’s okay. Nandito rin si Jeremy. May emergency operation kasi siya. Kaya don’t think about it, Jorgina. Go back to sleep.”
Ngumiti siya at nagpasalamat bago ipinikit ulit ang mga mata.
Pero matagal bago siya nakatulog ulit. Naramdaman nga niya ang pagpasok ni Jeremy sa kwarto niya para siguro i-check siya o baka ang girlfriend nito na nasa sofa. Hindi na rin sila nito ginising kaya hindi na rin niya pinaalam na gising siya.
Hindi na lang niya namalayan na nakatulog na siya ulit. When she woke up again, si Señora Amelia na ulit ang bantay niya.
Jorgina stayed in the hospital for a few more days. Pumayag na ang kanyang Doktor dahil matitingnan din naman daw siya nito sa bahay kung sakaling magkaproblema which she doubted dahil mukhang over staying na nga siya sa ospital dahil magaling na siya.
Pero hindi naman siya nagrereklamo na OA ang Doktor niya at ang Señora. Maybe iyon ang kailangan niya sa ngayon. Na may mga taong totoong magpapahalaga sa kanya nang totoo.
Hindi niya alam kung anong hinaharap ang naghihintay sa kanya. Pero hindi na muna niya iisipin iyon. Ang kailangan niyang isipin ay kung paano makagaganti sa kabutihan nina Señora Amelia at Dr. Jeremy sa kanya.