"Bakit bihis po kayo lahat?" Nagtatakang tanong ni Jorge nang madatnan niya sa salang bihis sina Señora Amelia, Kristine at Knight. Papasok siya sa opisina no'n at hinihintay niya lang si Jeremy para ihatid siya gaya ng nakaugalian na nitong gawin. "Jorgina," tinawag siya ni Señora. "Today is Jeremy's big day." She frowned. Agad niyang kinapa sa memorya niya kung may mahalagang okasyon ba sa araw na iyon. Hindi birthday ng asawa niya. Sigurado siya ro'n. What could the occasion be? "Today, everyone in our company will meet my children. Ang mga maiilap kong mga anak for the first time ay makikilala na ng kasalukuyang pamunuan ng KJS Properties, Inc. Ngayon din pormal na uumpisahan ni Jeremy ang pagtake over sa kompanya." "Talaga po? Mabuti po kung gano'n." She was happy with the news

