May bisita sila. Agahan pa lang pero nawalan na ng gana si Jorge. Paano namang hindi kung kaharap niya ngayon sa hapagkainan ang babaeng mahal ni Jeremy? Right. Iris is in the house. And everyone's treating her like nothing changed. Like nothing happened. Tulad noong sila pa ni Jeremy. Kasabay nila itong kumain at parang miyembro pa rin ng pamilya. But seven years already passed! Dapat wala na itong lugar sa buhay ng mga Silvano because Jeremy was already a married man. Pero heto, siya pa ang mukhang alien dahil hindi siya nakakarelate sa usapan. Awkward ang pakiramdam niya na kasama sa pagkain ang dating kasintahan ng asawa niya. Dati nga ba? O baka naman may relasyon pa rin ang dalawa and everyone knew except her? Kaya ba welcome na welcome pa rin ito sa bahay nila? "Na-miss ko a

