Chapter 1
Laging Tandaan na Kayo ay Regalo ng Dios Para sa Isa't-isa……
1: Remembering that your spouse is a gift from God is a healthy thing to do. It will somehow help you avoid thinking that your spouse is just a chance; worst, a mistake.
Totoo naman talaga na ang asawa ay regalo ng Dios.
Ang asawa ay hindi lang napulot sa kung saan.
Ang asawa ay hindi galing sa impakto. Lalong hindi siya hulog ng impiyerno.
Ang asawa ay regalo ng Dios.
Laging tandaan na ang mga regalo ng Dios ay mabuti.
Ang asawa mo ay isa sa mga mabubuting regalo ng Dios sa iyo.
2: Ipakita at Ipadama Ang Pag-ibig sa Paraang Gusto Nya…
May mga asawang nagsabing:
"Hindi ko maramdamang maha/ ako ng aking asawa.
Ang dahilan - hindi siya minamahal sa paraang gusto nya. Baka naman kasi hindi sinasabi sa asawa kung paano nya gustong mahalin. Hindi masama at lalong hindi nakakahiya na sabihin sa iyong asawa kung paano mo ibig mahalin.
Malaking tulong din kung tatanungin mo ang iyong asawa kung paano nya gustong mahalin. Lalo kang mamahalin ng asawa mo kung mamahalin mo siya sa paraang gusto nya.
3: Sa Ari-arian at Pera Wag Mag Kanya-kaya….
Sa mag-asawa, ang ari-arian ng isa ay ari-arian ng dalawa.
Walang "akin, akin." Walang "sa iyo, sa iyo." Lahat "atin ito."
Ang perang kinita ng isa ay pera ng mag-asawa.
If in marriage the man and the woman were made one flesh, then what is owned by one is owned by the other.
Kaya huwag nang magtaguan pa. llabas na ang perang pinakaka-ipit-ipit sa pitaka.
4: Shower Each Other With Love…..
Diligin ninyo ng pag-ibig ang isa't-isa para sumagana ang pagsasama.
Ang maayos at matatag na pagsasama ng magasawa ay hindi nagaganap nang basta-basta. Ito ay parang halaman na inaalagaan at dinidiligan.
Pag-ibig ang ipandilig, hindi masamang hinala, paninira, o pangungutya.
5: Maging Creative sa Pagpapakita at Pagpapadama ng Pag-ibig….
Ang pagiging creative sa pagpapadama ng pag-ibig ay napakalaking tulong sa pagpapanatili ng init sa pagsasama ng mag-asawa.
Kung nag-iisip para maging creative, may thrill, may excitement! Therefore, hindi boring.
Nakasasawa kung paulit-ulit lang. Paminsanminsan dapat ay mayroong konting pagbabago sa pagpapahayag at pagpapadama ng pag-ibig.
Halimbawa: Kung lagi mo lang sinasabi sa asawa mo "l love you," ngayon isulat mo sa magandang papel at ilagay mo sa magandang frame. O di ba creative?
Kung laging papel at ballpen ang ginagamit mo to say "l love you" to your spouse, ngayon kung kaya mong mag-rent ng jet plane ipasulat mo sa ulap sa pamamagitan ng usok ang "l love you" addressed to your spouse.
From paper and pen. To sky and usok. Wow! Di ba creative?
Maging creative, OK!
6: Show Concern for the Interests of Your Spouse….
Huwag lang himukin ang asawa na magpakita ng concern sa kung anong interests mayroon ka.
Magkusa ka rin namang magpakita ng concern sa interests ng iyong asawa. Suportahan mo siya.
Alamin ang paboritong sports ng iyong asawa at makipaglaro kung kaya mo rin lang.
Makipag-usap sa asawa tungkol sa mga paksang gusto nya.
Samahan ang asawa kung gusto ka nyang isama sa panonood ng mga pelikulang gusto nya.
Malaking tulong sa masayang pagsasama ang maging concerned sa interests ng isa't-isa.
7: Satisfy The s****l Need of
your Spouse….
Attend not only to your personal s****l satisfaction but also to the satisfaction of your spouse.
Pag hindi mo sinikap na i-satisfy ang iyong asawa baka humanap siya ng ibang magsa-satisfy sa kanya.
Misis:
Ihanda ang sarili para sa asawa.
Maligo! Magpaganda! Magpabango!
Huwag parang patay pag nakikipag-"do."
Mister:
Huwag tratuhing s*x object lang ang asawa mo.
Be gentle at huwag gawing pang-akrobatik ang misis mo.
Mag-toothbrush ka!
Maligo! Magpabango!
Paano gaganahan ang misis mo kung mabaho ang hininga mo;
Amoy lansangan ang ulo mo; amoy grasa ang katawan mo.
Mahiya ka naman sa misis mo, noh!
Sikaping huwag maiwang bitin ang misis pag nakikipag-"do."
8: Avoid Retiring to Bed With Unsettled
I'll Feeling….
Ang paminsan-minsang ma-offend ang asawa o maka-offend ng asawa ay bahagi na ng buhay mag-asawa.
Kung sakaling ma-offend ka muli ng iyong asawa, huwag mong hayaang makatulog ka ng may sama ng loob sa kanya.
Huwag hayaang makatulugan ang galit sa asawa, baka kasi paggising mo patay ka na.
Pangit ang mamatay na may kimkim na sama ng
loob sa asawa.
Kung balak mong bukas ay alisin sa iyong dibdib ang samang dulot ng iyong asawa, gawin mo na ngayon baka bukas ay huli na.
9: Be Gentle And Tactful in Correcting an Error Committed by Your Spouse….
Walang asawang perfect.
Lahat nagkakamali.
If you need to correct an error committed by your spouse, be specific.
Attack the error committed by your spouse not his "being."
Approach your spouse gently and tactfully. Kung hindi ka magiging maingat at matalino sa pagtutuwid sa pagkakamali ng iyong asawa, ang pagtutuwid mo ay magiging sanhi pa ng lalong ikagugulo ng inyong pagsasama.
Dapat lang na ituwid ang pagkakamali o kasalanan ng asawa.
But make sure to do it intelligently, tactfully, and cautiously.
10: Manalangin Magkasama…
Sikaping huwag lumipas ang isang araw na hindi kayo nakapanalanging mag-asawa.
Manalangin pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi.
Ang magkasamang pananalangin ay napakalaking tulong hindi lang sa "bonding" ng mag-asawa kundi maging sa pagharap din nila sa problema.
May mga problemang ang hirap lutasin nang "patayo,"
Subalit walang problema na hindi malulutas kung mag asawa ay "paluhod" na mananalanging Magkasama.
11: Respect Your Spouse's Need
for Privacy…
Natural sa tao na minsan ay gustong mag-isa. Totoo ito maging sa asawa.
Recognize your spouse's need for privacy and honor it.
Dapat ring tanggapin ang katotohanang may mga bagay na para lang sa asawa at hindi dapat pakialaman ng kahit sino pa.
At mayroon din namang mga pagkakataon na may gagawin ang asawa na hindi dapat pakialaman o panghimasukan dahil insulto sa kanyang kakayahan pag siya ay pinakialaman. Kahit pa ng asawa nya.
12: Tumupad sa Pangako….
Ang pangako galing sa asawa ay nagdudulot ng saya.
Pero higit na ligaya ang madarama kung ang asawa ay tumutupad sa pangako nya.
Huwag lang puro pangako.
Tumupad ka!
Liligaya ang iyong asawa, titibay ang pagsasama, kung sa pangako tumutupad ka!
POGI points at BEAUTY points ang pagtupad sa pangako sa asawa.
13: Pag Nagalit, Sikaping Tumahimik Muna…
Matalinong pagpapasya ang tumahimik muna pag nagalit sa asawa.
Ang tao pag galit ay may tendensya na makapanakit.
Sino mang nasaktan ay may tendensyang manlaban at manakit din naman.
Makatutulong na maiwasan ang away at pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna, MANALANGIN at mag-isip-isip.
14: Iwasan Ang Pagsigaw sa Asawa Lalo sa Harap ng Iba…
Ang pagsigaw sa asawa lalo pa sa harap ng iba ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa.
Pwera na lang kung bingi ang asawa, hindi tamang sinisigawan siya.
Nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba.
Siguro naman ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa.
Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa.
15: Be Appreciative of Your Spouse's Talents And Abilities….
Congratulations sa mga gumagawa nito.
At yung hindi gumagawa nito, magbago na kayo!
Make your respective spouses happy and be an encouragement to them. Help develop your spouse's talents and abilities.
Malaking kagalakan at encouragement sa iyong asawa kung isa ka sa mga taong nag-aappreciate sa kanya.
Marami ang nagtatampo o nagagalit sa asawa dahil hindi ina-appreciate ang kanilang talento at abilidad ng kani-kanilang asawa.
Appreciate the talents and abilities of your spouse.
But more importantly, appreciate your spouse.
DO IT NOW!
16: Iwasang Pintasan Ang Asawa…
Hindi madaling tanggapin ang pintas galing sa ibang tao.
Lalong mahirap tanggapin kung ang pintas ay galing sa asawa mo. Napakasakit nito lalo pa kung naririnig ng ibang tao.
Imbis na pintasan ang asawa mo tulungan na lang siyang magbago.
At kung may sasabihin ka sa ibang tao tungkol sa asawa, magagandang bagay na lang ang ikwento, huwag ang kapintasan nya.
17: Tulungan Siyang Huwag Magkasala…
Mas madaling makaiiwas sa pagkakasala ang iyong asawa kung tutulungan mo siya.
Sa paglaban sa tukso suportahan ang asawa. Laging alalahanin na ang pagbagsak ng asawa ay pagbagsak ng pamilya.
Alamin kung ano ang laban ng iyong asawa. Laban mo rin ang laban ng iyong asawa kaya lubos na tulungan siya.
Hindi - "BAHALA KA."
Ang kailangan - "SUPORTAHAN TA KA.
18: Ang Galit sa Iba ay Huwag Ibaling sa Asawa…
Kung sakaling nagalit ka sa ibang tao, halimbawa sa presidente ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo, sa boss mo, o sa kanino mang tao na tinitingala mo na hindi mo kayang ipakita ang galit mo, huwag mong ibaling sa iyong asawa ang galit mo.
Maging aware ka dito dahil pwedeng mangyari ito nang hindi mo namamalayan. Unconsciously, you might transfer your anger against someone else to your spouse.
It happens to some.
I pray it won't happen to you.
19: When You Have Ended Your Spouse, Learn to Show You're Sorry…..
Pag na-offend mo ang iyong asawa, kung talagang sorry ka, ipakita mo na totoong sorry ka. When you realize that you have wronged your spouse, don't just say "I'm sorry." Show that you really are sorry. Show it with your face and show it with your action.
May mga nagso-sorry sa asawa na habang sinasabi ang "I'm sorry" ay nakangisi. Lalo tuloy nabubwisit ang asawa nya sa kanya.
May mga nagsasabing "I'm sorry" sa asawa na wala namang pagbabagong makita sa pakikitungo sa asawa.
When you say you're sorry, mean it. And show that you really are sorry.
20: Forgive…
Patawarin mo ang iyong asawa. Kailan? Pag nagkasala!
Kahit pa gaano katindi ang kasalanang nagawa sa iyo ng asawa mo, patawarin mo siya para wala kang bigat na dinadala.
Ang di-pagpapatawad ay nakasasakit ng ulo. Nakakapangit pa ito!
Talo ang di nagpapatawad. Panalo ka kung magpapatawad ka.
Ang pagpapanatili ng galit ay nagdudulot ng hinagpis at karaniwang humahantong sa pananakit.
May galit ka pa ba sa asawa mo? Patawarin mo na siya.
The earlier you forgive when you get offended by your spouse is better than
best.
21: Avoid Nagging…
Nakakainis ang asawang nagger. Ayon sa ilang asawa na nakausap ko:
"Lalo akong nagtatampo pag nina-nag ako ng asawa ko."
"Gusto kong sungangain ang bibig ng asawa ko pag nina-nag nya ako."
"Nanliliit ako and I feel stupid pag nina-nag ako ng asawa ko."
Ikaw, ano ang pakiramdam mo pag nina-nag ka ng asawa mo?
Kung may nagawang pagkakamali ang iyong asawa at gusto mong sabihin sa kanya, minsan lang itong sabihin sa kanya. At huwag idagdag Pa dito ang mga dati pang mali na nagawa nya.
Sa pagsasalita sikaping maging mahinahon, huwag pagalit, hindi nang-iinis o nanlalait.
22: Have a Sense of Humor…
Nakakapangit ang laging nakakunot ang noo.
Sa mag-asawa kailangan ang ngiti at tawa. Can you imagine a couple without a sense of humor? Boring, di ba?
Ang lungkot ng buhay ng mag-asawa pag walang sense of humor. Parang laging may patay.
It's nice to make people happy especially your spouse. Have a sense of humor. Patawanin mo ang iyong asawa. Learn to crack good funny jokes. Dagdag ligaya kung ang asawa ay marunong magpatawa.
23: Mangarap! Magtiyaga! Matalinong Gumawa….
Libre ang mangarap.
Mangarap kayong mag-asawa at magkasamang rnagplano tungo sa katuparan ng inyong pangarap. Walang challenge ang buhay kung walang pangarap sa buhay ang mag-asawa.
Magkaroon kayo ng kaisahan sa inyong pangarap. Mahirap para sa mag-asawa ang walang isang pangarap. Walang tagumpay kung walang pangarap. Pero huwag lang puro pangarap. Baka bangungutin kayo kung puro pangarap lang.
Maging masipag, at matiyaga. Magtrabaho nang husto, gumawa, at maging matalino sa paggawa.
24: More Than Winning The Argument, Aim to Win Your Spouse…
Natural sa mag-asawa ang paminsan-minsan ay magkaroon ng argumento. Kung sakaling mangyari ito sa inyo, aim on winning your spouse, more than winning the argument against your spouse.
Aanhin mo ang manalo sa argumento Kung mawawala naman sa Iyo ang asawa mo. Sige, isipin mo.
25: Maging Attractive sa Iyong Asawa.
Maraming asawa ang nahulog sa kandungan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya ang kanyang asawaa
Huwag kayong magpabaya sa inyong itsura.
Mag-exercise at iwasan ang walang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura.
At sikapin na rin na maging mabango para sa asawa.
Tanungin din ang asawa kung anong amoy at itsura ang gusto nya.
Sundin ang gusto ng asawa para maging attractive sa kanya.
I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya.
Sige, ikaw rin. Baka magsisi ka.
26: Maging Kuntento Kayo….
Delikado ang maaaring kahinatnan ng mag asawang walang kakuntentuhan sa kung anong mayroon sila.
Gulo ang kasasadlakan.
Ano ba ang kailangan para maging kuntento ang tao?
Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan?
Kung dito nakabase ang kakuntentuhan, walang mag-asawang mauubusan ng pangangailangang
Therefore, walang mag-asawang makukuntento.
Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan.
Pero maging kuntento muna at magpakaligaya sa kung ano ang mayroon kayo ngayon.
Baka kasi hindi dumating ang bukas.
Pag dumating ang "bukas," ang "bukas" ay naging "ngayon."
Kaya kung ano ang mayroon kayo, magpakaligaya at maging kuntento.
Kung kuntento ka at sakaling mamatay ka ngayon, maluwag ang iyong dibdib na ikaw ay papanaw at marahil nakangiti ka pa hanggang sa kabaong,
27: Umiwas sa Mga Sitwasyon na Maaaring Magbunga ng Masasamang Hinala…..
Para hindi ka mapagbintangan na may ginagawang masama, iwasan ang mga sitwasyong kahina-hinala.
Huwag kang magsasama o sasama sa hindi mo asawa sa isang lugar na makukwestiyon ang inyong pagsasama.
Halimbawa:
Sa loob ng pribadong sasakyan (dalawa lang kayo sa loob ng kotse);
Sa park ng pang magnobyo o pang mag-asawa; Sa loob ng hotel.
Mahirap paniwalaan na ang isang lalaki at isang babaing galing sa loob ng hotel ay nag-prayer meeting, nagkwentuhan, o nag-jack en poy lang.
Mag-ingat! Umiwas!
28: Be Gentle….
Gentleness to your spouse can be best exemplified by being considerate of your spouse's feelings and thoughts.
Bago mo gawin ang isang bagay o bago mo sabihin ang gusto mong sabihin isipin mo muna kung ano ang maaaring bunga nito sa isip at damdamin ng iyong asawa. Hindi komo't gusto mo ay gagawin mo na lang basta-basta.
Ikunsidera mo naman ang isip at damdamin ng iyong asawa.
Sa pagsasalita, sa gawa, maging sa paghipo at paghawak, maging gentle sa asawa.
29: Be Proud of Your Spouse…
Ipinagmamalaki mo ba ang iyong asawa?
Dapat langl Proud ka bang nakikita ang itsura ng asawa mo o gusto mong takpan siya ng diyaryo habang ipinakikilala mo siya sa ibang tao?
Huwag mong ikahiya ang iyong asawa.
Be proud of your spouse.
30: Igalang Ang Opinyon ng Asawa…
Ang lahat ay may karapatang magpahayag ng kanyang sariling opinyon. Ito man ay mali o tama
Igalang ang opinyon ng asawa.
Kahit di ka sumasang-ayon sa opinyon ng iyong asawa ipakita mong iginagalang mo ito. Ang hindi pagkakapareho ng opinyon ng iyong asawa sa iyo ay hindi nangangahulugang mali siya.
Hindi lahat ng naiiba ay mali.
Pero kahit pa hindi ka sang-ayon sa opinyon ng asawa, dapat pa rin na igalang ang opinyon nya.
Ang hindi pagsangayon ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng paggalang. Ang mahalaga, igalang ang opinyon ng asawa.
Tanda kasi ito ng paggalang sa kanya.
31: Huwag Maging "Bossy."
Sa mag-asawa walang "amo." Walang boss. Dapat parehong naglilingkod sa isa't-isa.
The husband being appointed by God as head of the wife is not to be taken as "lord over the wife."
Hindi rin naman tama na ang wife ay hindi nagpapasakop sa husband. Huwag mong tratuhing alila ang iyong asawa. Pumarehas ka kahit pa mas malaki ang kinikita mo kumpara sa kanya. Kung uutusan ang asawa don't forget the magic word — "PLEASE." At kung wala kang ginagawa at may ginagawa ang iyong asawa, huwag mo na siyang abalahin pa. Kung kaya mo ri n lang ang gagawin, huwag mo nang iasa pa sa asawa.
32: Maging Maunawain….
Kung gusto mong lalo kang mahalin ng iyong asawa ipakita mong inuunawa mo siya. Totoong kailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa asawa ang unawain ka, mas unahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli, ang hinahanap mong pang-unawa galing sa iyong asawa ay ibibigay din nyaa
Ang pagpapakita ng pang-unawa ay malinaw na ebidensiya ng pagmamahal sa asawa.
33: Keep Communication Lines Open…
Dapat lang sa mag-asawa na alamin at ipaalam ang kalagayan ng isa't-isa. This will not happen if the couple will not keep their communication open.
Basic indicators of good communication between a husband and wife:
Clearn transmission of message - be it thoughts or feelings
Listening — Don't just butt in.
Understanding — seeing from the perspective of the one who speaks
Empathy — feeling with
Maraming problema ang maiiwasan ng magasawa kung laging bukas ang komunikasyon
nila para sa isa't-isa.
34: Maging Mahinahon sa Paguusap Pag May Problemang Nilulutas….
Walang problemang di malulutas sa mahinahong pag-uusap.
Sa totoo lang, maraming problema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay naging mahinahon ang mag-asawa.
Hindi makatutulong sa paglutas ng problema kung nagsisisihan ang mag-asawa.
Magpokus sa solusyon huwag sa pagkakamali o sa problema ng isa't-isa. Iwasan din ang pangungutya at mataas na tono pag nagsasalita.
Bahagi rin ng pagiging mahinahon ang paggamit ng mga tamang salita.
35: Let Your Spouse Know Your Feelings And The Predicament You Are In….
Tell your spouse not only your thoughts but also your feelings.
Letting your spouse know your feelings and the predicament you are in will somehow help your spouse act accordingly.
Ewan ko lang kung nakakabasa ng isip ang asawa mo, hindi naman manghuhula ang asawa mo para malaman nya ang iniisip at nararamdaman mo.
Sa panahong nanghihina o nagdaramdam ka, magandang sabihin ito sa asawa. Huwag sarilinin ang pagdurusa.
Dahil ang mag-asawa dapat magkasama sa hirap at ginhawa.
Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ay hindi nakikiisa.
Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi mo ito sasabihin sa kanya.
Huwag mahiya,
Huwag mag-alala.
Magsabi ka sa asawa.
36: Iwasang Isumbat Ang Mga NaKalipas na PagKaKamaling Nagawa Nya….
May mga taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal nang pagkakamaling nagawa ng asawa.
At paulitulit na isinusumbat ito sa kanya. Pag ganito ng ganito, sisikip ang mundo ng iyong asawa at baka marapatin pang iwan ka nya.
Ang kasalanang pinagsisisihan na ay hindi na dapat isumbat pa.
Pag may bagong nagawang pagkakamali ang iyong asawa, huwag mong isama yung mga luma na.
Walang kahihinatnang maganda ang isumbat sa asawa ang pagkakamaling lipas na…
37: Iwasan Gawin Ang Ano Mang Bagay na Alam Mong IKagagalit Nya….
May mga asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na ikagagalit ng kanyang asawa.
HUWAG GUMAYA SA KANILA. Yun naman e... kung ayaw mong masira ang iyong pamilya. Hindi lang sa asawa ang masamang epekto pag tahasang ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati mga anak mo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka.
Huwag gawin sa asawa ang mga bagay na ayaw mong sa iyo ay gawin nya.
38: Sa Panahong Nanghihina Ang Loob ng Asawa, Maging Source of Encouragement Para sa Kanya….
May mga panahong maaaring manghina ang iyong asawa gawa ng kinakaharap na problema.
Maging katuwang ka sa pagresolba ng problema at huwag na maging pabigat pa.
Kung kailangang magsakripisyo para makatulong - magsakripisyo!
Kung kailangang tumahimik para makatulong manahimik!
Gawin mo ang magagawa mo para matulungang malutas ang problema ng asawa. Be a source of encouragement.
39: lwasan Ang Pakikialam sa Mga Bagay! na Inaaring Personal ng Iyong Asawa….
Personal letters, text messages, bag at pitaka, at iba pang mga bagay na inaaring personal ng iyong asawa, huwag mong basta-basta babasahin, kakalkalin, at pakikialaman.
Napaka-unethical at kawalan ng respeto sa asawa ang pakialaman ang mga bagay na personal sa kanya.
Kung sakaling minsan pakalat-kalat ang mga bagay na inaaring personal ng iyong asawa itabi ang mga ito.
Mas maganda ibigay ang mga ito sa iyong asawa.
Huwag pilitin ang iyong asawa na ipakita sa iyo ang mga bagay na ayaw nyang makita moa
Pero hindi naman masama na i-encourage mo siyang kusang mag-open sa iyo.
Kung ayaw, di huwag mo!
40: Magtiwala…
Ang pagpapakita ng pagtitiwala sa asawa ay malaking tulong tungo sa magandang pagsasama.
Kung noon ay niloloko ka ng iyong asawa ang magtiwala sa kanya ay maaaring maging tulong tungo sa pagbabago nya- Para sa isang naglolokong asawa hindi madaling gawin ang magbago lalo kung walang tulong na manggagaling sa kanyang asawa.
Kung sakaling sa kabila ng ipinakita mong pagtitiwala sa iyong asawa ay niloko ka pa rin nya, alalahanin mong sa iyo ay walang nawala. Sa iyong asawa, marami ang nawala.
Sa nagtitiwala, walang nawawala. Sa manloloko, marami ang nawawala.
41: Maging Best Friend Ka ng Asawa mo..
"Asawa ka ng asawa mo." Yes!
Tinuturing ka bang kaibigan ng iyong asawa?
Sa hanay ng mga kaibigan ng iyong asawa. "lkaw ba ay kinikilala ng iyong asawa na kanyang matalik na kaibigan?"
"Asawa mo, best friend ka ba?"
Dapat matalik na kaibigan ka ng iyong asawa. Mas dapat... PINAKAMATALIK.
42: Huwag Gawing Katatawanan Ang Kamalian, Kakulangan, at Kaibahan ng Iyong Asawa….
Lahat ay nagkakamali, lahat ay nagkukulang. Lahat ay may kaibahan.
Walang taong matutuwa pag pinagtatawanan ang kanyang kakulangan, kamalian, o kaibahan.
Tahasang pangungutya sa asawa ang pagtawanan ang kaibahan o pagkakamali nya.
Hindi tama na ginagawang biro ang pagkukulang, o mga bagay na hindi pangkaraniwan sa asawa. Gaya ng:
Kuntil sa tenga,
Putol na daliri o sobra sa sampu ang daliri, Ilong na parang tapon,
Kulay ng balat,
Butas ng ilong na mukhang garapon, at iba pa.
Huwag pagtawanan ang kamalian, kaibahan at kahinaan ng asawa.
lwasang pagtawanan ang asawa.
Baka gulpihin ka 0 kaya baka mawalan ka ng asawa.
43: Maging MaKa-Dios…
Sa pagsasama ng mag-asawa ang pagiging maka-Dios ang pinakamahalaga. Ang pagiging maka-Dios ang siyang magdadala sa mag-asawa sa isang matibay na pagsasama at totoong pagkakaisa.
Natural sa mag-asawa ang datnan ng iba't-ibang problema.
Pagka maka-Dios ang mag-asawa mananatiling matatag ang kanilang pagsasama kahit gaano katindi ang problemang kinakaharap nila.
Ang ikinatatatag ng ugnayan ng mag-asawa ay hindi nakadepende sa dami ng pera o sa sariling kakayahan ng mag-asawa.
Ang ikinatatatag ng relasyon ng rnag-asawa ay nakadepende sa Dios na siyang pundasyon ng pagsasama. Sa panahong tahimik o may kaguluhan, sa panahong tag-init o tag-ulan, maging maka-Dios ka at ang iyong asawa.
44: Be Attentive Pag May Sinasabi Siya sa Iyo…
Di ba pag kinakausap mo ang iyong asawa gusto mo nakikinig siya?
Gusto rin ng asawa mo na pakinggan mo siya pag kinakausap ka nya. Di ba ayaw mo na may ginagawang kung anu-ano ang iyong asawa pag kinakausap mo siya? O di ganun din ang gawin mo. Huwag kang gumagawa ng kung anu-ano pag kinakausap ka ng asawa mo. May magasawang mukhang magkausap silang dalawa. Mukha lang pala. Dahil ang kausap nila ay sarisarili pala at hindi ang isa't-isa. Nakakabanas! Di ba?
45: Ipakita at Ipadama na Mahalaga Ang Iyong Asawa….
Sarap ng pakiramdam kung feeling important ka, di ba?
Ang asawang nakadama na siya ay di mahalaga sa kanyang asawa ay nagmumukhang aba, nahahabag sa sarili, at nagiging madrama.
Ipakita at ipadama na mahalaga sa iyo ang iyong asawa. Masarap kasama ang taong sa iyo ay nagpapahalaga. Marami ng mag-asawa ang naghiwalay dahil sa kawalan ng pagpapahalaga sa isa't-isa.
Ipakita at ipadama na mahalaga sa iyo ang iyong asawa.
46: Iiwas sa Selos Ang Asawa…
Maraming mag-asawa ang nag-away at nasira ang buhay dahil sa selos. Marami ang nasiraan ng bait, pumatay at napatay dala ng matinding pagseselos.
Natural na magselos kung may kaselos-selos. Magtaka ka kung may dapat pagselosan sa iyo ang iyong asawa tapos hindi siya nagseselos.
Ang pinakamaganda, iiwas sa selos ng asawa. Kung sakaling hindi sinasadyang may nagawa ka o kaya may nagawa ang iba na napansin mong ipinagseselos sa iyo ng iyong asawa, ayusin agad. Huwag patagalin pa. Linawin ito at sikaping huwag maulit pa.
Tandaan:
Ang selos a! parang lason. Naninira. nakamamatay.
47: Huwag Sabat Nang Sabat Kung Asawa mo Ang Kausap ng Iba…
May mga asawang sabat nang sabat kahit hindi sila ang kinakausap.
Turn off ka ba sa asawang sabat nang sabat? Correct ka diyan!
Nakaka-turn off talaga ang asawang sabat nang sabat kahit hindi kinakausap.
Kaya ikaw, iwasan ang pagsabat-sabat kung asawa mo ang kausap.
Kahanga-hanga ang asawang di palasabat.
48: Magsama at MagKaisa sa Paggawa ng Desisyon…
Sa paggawa ng desisyon dapat lang na magkasama at nagkakaisa ang mag-asawa.
Sa mag-asawa, hindi tamang isa lang ang gagawa ng desisyon lalo pa kung maselan o major decision ang gagawin. Kagaya ng: paglipat ng bahay, pagbili at pagbebenta ng ari-arian, pagdisiplina sa mga anak, at iba pa.
Bago gumawa ng desisyon dapat lang na ang mag-asawa ay r,ag-uusap muna at nananalanging magkasama. Daan ito tungo sa pagkakaisa.
49: Huwag Kalimutan Ang Mga Araw na Pinahahalagahan ng Iyong Asawa….
Hindi dapat makalimutan ang mga araw na pinahahalagahan ng iyong asawa lalo na ang birthday at wedding anniversary.
Give your spouse a special greeting on special occasions. Better still, give your spouse a treat on special occasions. Gawin mo ito sa asawa mo.
Sigurado ako, LOVE points ang bunga nito.
50: Be Resolved to Live With Your Spouse All Your Life….
Ang relasyon ng mag-asawa ay panghabambuhaye May kasabihan: Ang pag-aasawa ay hindi parang kaning isusubo at i/uluwa pag napaso.
In solving marital problems, a lot of solutions can be considered. But divorce or marriage annulment should not be considered as the options. God hates divorce. God intends marriage to be for life. Maraming mag-asawa ang naghiwalay na. Marami na sila. Hindi na kayo dapat dumagdag pa.
Magsama kayong mag-asawa sa lungkot at ligaya, sa hirap o ginhawa, mayroon o walang pera, hanggang may hininga.