Naalimpungatan ako ng makarinig ng mga kalansing ng mga nagbabanggaan na espada. Hindi ko namalayan na nakaidlip ako habang kausap si K—Kuya Orion pabalik ng Vizier palace. Inaantok ko pa kinusot ang aking mga mata para alamin ang pinagmumulan ng mga ingay na iyon. Ngunit pagmulat ko ng mga mata ay bumungad sa aking paningin ang malapad na likuran ni Kuya Orion habang maalertong nililibot ang tingin sa paligid. Mula sa kanyang postura ay pino-protektahan niya ako sa kung ano. Nagtataka ko naman nilibot ang tingin ay saka lang napag-alaman na inaambush ang sinasakyan namin ngayon. Kalaban ng mga kasama naming kawal ang mga assassin na pinadala para patayin ako. Seryosong nilingon ako ni Kuya Orion nang mapansin na nagising na ako. "Prima, lie down." Sambit niya at mabilis na iniyuko ang

