Chapter XXXVII

1979 Words

Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkagaan ng kalooban habang pinagmamasdan ang kabuuan ng Adaeze palace. Pagkatapos ng ilang buwan ay nakabalik na muli sa palasyo na naging aking unang tahanan. "Wow! Maganda na dati ang Adaeze palace pero mas gumanda ito ngayon!" Puri naman ni Oenone habang namamangha rin na kakatitig sa palasyo. Malakas na binatukan naman siya ni Calypso kaya matalim na nilingon siya ni Oenone. "Kaysa tumunganga ka diyan ay tulungan mo kaya ako sa pagbubuhat ng mga bagahe ng ating prinsesa?!" Pagrereklamo niya. Nahihiyang napakamot naman ng ulo si Oenone at agad na lumapit sa kanya para tumulong sa pagbuhat ng aking mga bagahe. Kahit alukin ko sila na tulungan, mukhang hindi rin naman sila papayag. Kaya pumasok na lang ako sa loob para tignan ang pinagbago ng palasyo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD