Sa isang tagong parte ng bayan ng Rubina sa kaharian ng Calareta ay sikretong nagtitipon ang isang grupo na nakasuot na mga panaklob at maskara para takpan ang kani-kanilang pakikilanlan. Nakaikot at magkakaharap ang mga ito sa pahabang mesa sa loob isang makipot at masikip na kwarto. Isa lang ang agenda ng pagtitipon na ito. Iyon ay para pag-usapan sa gagawin nilang hakbang laban sa lumalaking impluwensiya ng prinsesa. Habang tumatagal kasi ay nagiging isang banta sa kanila ang katauhan ng prinsesa. Una, pinili ito at pinoprotektahan ng maalamat na dragon. Pangalawa, ang kakaibang suporta na nakukuha nito sa hari at iba pang prinsipe. Pangatlo, ang malawakan na pagsuporta ng mga mamamayan sa kanya. At ang panghuli, ang walang pagdadalawang isip nito na bitayin ang ilang nilang kasamaha

