"Eto na lang ang natira?" Gulat kong tanong kay Oenone nang makita ang ibabaw ng aking mesa pagkapasok na pagkapasok sa opisina. Dahan dahan na tumango si Oenone at inabot ang iilang pahina ng mga papeles. "Karamihan ng mga opisyales ay binawi ang mga isinumite nilang proposal, Prinsesa." Pagbibigay alam niya sa akin. "Tanging tatlo na lang po ang natira na nag-iintay ng iyong apruba." Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa hindi ko inaasahan ang mabibilis nilang aksyon. Pagkatapos nang ginawa kong pag-iimbestiga at pagbibigay ng kaparusahan sa mga mababang opisyales ay agaran nagbawi ng mga kani-kanilang proposal ang ibang opisyales sa takot na sila ang aking isunod. Hindi naman ako umangal dahil malaking kabawasan rin ito sa aking trabaho. Tinignan ko muli ang mga proposal na natira at

