Nanginginig na napahawak ang aking kamay sa aking pisngi habang hindi makapaniwalang nakatitig sa aking repleksyon sa salamin. Hindi ko akalain na ako ang babaeng ito. Ang aking buhok ay kanilang itinirintas na pa-korona. Nilagyan rin nila ito ng maliit na tiara na ibinigay pa ni Reyna Ariadne para maisuot ko sa selebrasyon. Ang aking suot na gown naman ay kulay pilak. Hapit man sa hubog ng aking katawan ay konserbatibo ito na halos umabot sa aking talampakan ang haba. May palamuti pa ito na diamonds na kumikinang tuwing masisikatan ng liwanag. Idagdag pa ang gintong kwintas na inilagay nila sa aking leeg para makaragdag sa kagandahan ng suot kong gown. Sa aking ayos at kasuotan ay wala sinuman ang tila makakakilala sa akin. Pakiramdam ko ay naging ibang tao ako. Hindi ko alam kung may

