Chapter XXVII

2637 Words

Dahil nakaramdam ako ng matinding gutom ay naisipan ko nang tumayo saka lumabas ng silid aklatan. Pagkabukas na pagkabukas ko pa nga sa ng pintuan ay bumungad sa aking harapan ang nagtatalo na sina Sir Charl at Calypso na tila nagtuturuan na kung sino ang papasok para sa loob ng silid aklatan para abalahin ako. Muntikan pa ako matawa nang matigilan silang dalawa na akala mong isang estatwa nang mapansin na nasa harapan na nila ako. Winagawayway ko pa nga ang aking palad sa harapan ng kanilang mga mukha. "P-Prinsesa!" Nakahingang pagbungad ni Sir Charl sa akin nang makabawi sa pagkagulat. "Mabuti naman ay naisipan niyo na lumabas." "Marahil ay nagugutom na kayo, Prinsesa Prima." Nakangiting sambit ni Calypso at pinagdaop pa ang mga kamay. "Maglalakas loob na po sana ako na tawagin kayo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD